Chapter 25

17 1 0
                                    

My birthday came.
Sa mansyon namin ang venue. It was a grand party.
Ayaw ko sana ng masyadong bongga na party kaso sina Daddy at Mommy, nagpumilit. Gusto raw nilang makabawi lalo na at panay ang business trips nila nitong mga nakaraan at lagi akong naiiwan sa condo o sa mansyon namin.
They arrived two days ago, just after my finals, kaya nagdesisyon kaming maghiwalay muna ng tulog ni Conrad.
We hated parting pero kailangan. 'Di nga kami halos magbitawan sa yakapan at halikan noong hinatid niya ako sa mansyon, few hours before my parents came home. He let me be with my parents, for now, alam niyang miss na miss ko na rin sila. Sa Condo siya nag-stay.
I brought some of his shirts para kahit papaano ay matiis ko ang mga araw na wala sa tabi niya- kahit nangako kaming laging mag-uusap sa video call. Pero iba pa rin talaga pag magkasama kami. I kept missing him. I missed cuddling and kissing him before we sleep. And of course, our sexy time. Hindi na nga ako makapaghintay mamaya para makita siyang muli nang personal!
I never went out since my parents came. Pati friends ko sa chat ko nalang nakakausap. Just like Conrad, they let me spend the rest of the remaining days before my birthday with my parents.
We spent quality time together. Movie marathon, swimming in our pool and happily catching up what we missed these months.
They were so happy to see me gained weight. I secretly giggled at the reason why. Of course, hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol kay Conrad at sa pagbubuntis ko. Gusto namin na kami mismong dalawa ang magsabi sa kanila, for him to formally take my hand in marriage as well.
Thinking about it, kinakabahan na tuloy ako at na-e-excite!
I know they will be upset and dismayed lalo na at hindi ko na matutupad ang pangako ko kay daddy na tutulungan muna sila sa family business namin before anything else... pero sana, maintindihan niya... nila ni mommy.
I love Conrad. And I love our babies in my womb.
MY parents hired a professional for tonight's party. Sobrang bongga at espesyal, akala mo debut ko!
'Di ko tuloy mapigilang makonsensya...
The party is almost starting. It's almost 5 in the afternoon. I looked at everything in my surroundings. May mga naka-unipormeng mga tao ang nakakalat kung saan-saan sa hardin namin. Arranging and putting everything into place for the party. Mom and dad are currently talking to the organizer, like checking if everything's ready.
Ang gaganda ng mga animo'y mga chandelier na kristal na nakasabit sa mga puno sa hardin. Para kaming nasa fairy tale dahil sa effect ng mga ito lalo na tuwing matatamaan ng ilaw. Pulido at maayos din ang pagkakahanay ng mga puting parisukat at parihabang mesa at ang mga silya nito. May mini-stage sa harap, mga kulay white at red na kurtina ang nagsilbing disenyo. Nakasulat sa pinakasentro ang pangalan ko at ang edad ko ngayong 21. Sa gitna ay may pulang pabilog na mesa, doon siguro ipapatong ang cake ko mamaya. May ibang nagse-set-up na ng sound system. Ang iba'y nilalabas mula sa isang malaki at puting sasakyan na may nakasulat na pangalan ng isang sikat na hotel ang mga katamtaman ang laki na stainless steel food warmer.
Tila may tumusok sa puso ko, kasunod ay ang paglukob ng lungkot sa isiping, galing ito lahat sa dugo't pawis nina mommy at daddy. They gave everything they could to provide me with everything I want and need, pero heto ako... hindi pa nga graduate sa kursong kinuha nabuntis na. I sighed sadly.
Hindi naman sa mayaman kami, ay okay lang ang nangyari sa'kin. I know how tough life must have been to my parents lalo na noong maaksidente ako, pero ayaw ko ring pagsisihan ang lahat. I am happy at magkakaanak na ako. Bonus pa na mahal na mahal rin ako ng ama ng pinagbubuntis ko at pakakasalan ako after my parents' blessings and my birthday.
"Hi, gorgeous birthday girl. Happy birthday!" nakilala ko agad ang masayang tinig sa aking likuran. Nakangiting nilingon ko siya na tuluyan nang nakapasok sa kwarto kong pinag-ayusan sa'kin ng make-up artist at nakipagbeso-beso. We wholeheartedly hugged each other.
"Thank you!"
"Papunta na rin sila," aniya nang may malapad na ngiti habang hinahagod ng tingin ang aking kabuuan.
She looked so stunning, like her usual innocent princess look, with her navy blue contrast mesh cold shoulder asymmetrical ruffle hem sequin dress paired with its matching 3 inches sandal. Naka-light make-up lang s'ya at naka-messy bun with few side puffs pero sobrang ganda pa rin!
"Hey there, birthday girl!" napatingin ako sa likod ni Jia at nakita ang guwapong kaibigan ko. He's wearing a stylish navy blue suit that matched Jia's outfit.
Nagbeso-beso din kami ni Zeke saka niya ako niyakap. Nang kumalas ay binigyan ko silang dalawa ng makahulugang tingin. Pinanliitan ko ng mata si Jia kaya pabiro niya akong inirapan.  Tumawa kaming pareho ngunit agad din iyong naputol nang hapitin siya nito sa bewang. She gasped with his touch. He then kissed her temple. Awang ang mga labi kong pinanood ang dalawang matamis at buong pagmamahal na nagtitigan at nagngitian.
I gasped upon the realization. Sila na? Oh my gosh!!!
Nahihiyang ibinalik ni Jia ang mga mata sa akin, taglay ang tila 'di matago-tagong ngiti. She then bit her lower lip, suppressing her sweet smiles. Kinikilig kong th-in-umbs up ang dalawang hinlalaki sa kamay bilang pagsuporta sa kanila sabay ngisi.
Kaya pala mas blooming siya ngayon!
"Happy birthday, pretty girl!"
"Happy birthday, Amorah baby!"
Sunod-sunod na bati nina Yve at Lia habang naglalakad palapit sa akin. Agad akong napangiti. Nagbeso-beso din kami at nagyakapan, ramdam ko pa ang pagpipigil nilang higpitan ang pagyakap, dahil na rin siguro sa buntis ako.
"Ang ganda talaga ng bunso namin!" patiling puna ni Yve, she even looked like seeing a star.
Her wavy hair is on a crown-braid style. She's wearing a dusty pink colored cross cold shoulder split back bodycon dress that ended above her knees paired with its matching 4 inches sandal. Sakto lang ang make-up niya at bumagay din sa suot. Sobrang ganda niya!
"Naku, pag nakita ka ni Conrad later baka mapagalitan ka," seryosong saad ni Lia. She's wearing a stylish transparent shoulder strap, nude colored asymmetrical neck split sleeve wrap hem dress exposing her flawless white thighs with its matching 4 inches sandal. Her curly hair is half-tied letting down her beautiful voluminous curls down. Just like Yve, hindi masyadong heavy ang make-up niya at bumagay lang din sa suot pero sobrang ganda pa rin tingnan!
Bahagyang kumunot ang noo ko sa tanong niya, "B-Bakit naman?"
"Iyan, tsaka 'yan," aniya saka tinuro ang cleavage kong bahagyang nakaluwa sa suot ko. Napatingin ako doon. "Masyadong malalim iyang V-neck mo, nakaka-insecure lalo, ang lulusog pa naman n'yang dibdib mo. 'Yang side split ng dress mo oh, hanggang bikini area. Pulang-pula pa ang velvet dress mo, kaya lalong nakakasilaw iyang legs mong hindi yata nasisikatan ng araw. Baka hindi ka na pagpalitin no'n mamaya, kundi iuwi ka na talaga!" anito saka tumawa, maging ang mga naroon.
Napanguso ako, nangingiti silang inirapan. Akala ko kung ano na. Well, what she said is a matter of fact. Actually, siya nga ang unang naisip ko pagkakita sa design ng dress ko. I wondered... kung paano niya ako titingnan habang suot-suot ito.
Namula ang pisngi ko nang maalalang minsan na niya akong inangkin nang paulit-ulit bilang parusa sa pagsuot ko noon ng nude deep backless dress na hanggang mid thighs.
"Ang akin ay akin, Amorah. Ako lang dapat ang makakita n'yan!" naalala kong sabi niya habang inaangkin ako.
Sh*t, kinikilig at nae-excite tuloy ako!
Ibinalik ko ang mata sa vanity mirror. Katatapos ko lang make-up-an nang dumating sila kaya wala na roon ang make-up artist ko. I was so pleased of how I look. I have smokey eyes and just the right make-up for my party. I'm wearing a sparkling tiara on top of my layered spiral curls. I looked like a princess with my proud crown and face.
"Teka, hindi n'yo ba siya kasama?" tanong ko sa kanila ngunit ang mata ay nasa necklace kong pagkagara-gara tingnan at kumikinang sa mga diamante nito. Hindi gaanong mabigat sa leeg at nakakasilaw pag natamaan ng liwanag.
Nang lumingon ako sa may pinto ay iniluwa noon sina Arthur at Andrei na katulad nina Jia at Zeke ay match din ang suot sa nobya ng dalawa. Bumati rin ang mga ito sa akin.
Napaisip tuloy ako kung ano ang suot ni Conrad ngayon, match din kaya kami?
"Medyo na-busy 'yon kanina sa opisina. Hindi na kasi halos nagre-report sa office mula nang sagutin mo kaya ayun, kaliwa't kanan ang meetings," may himig pagbibirong wika ni Arthur na bumenta sa mga kaibigan ko.
Nagkabiruan pa kami ng ilang minuto bago kami inakyat ng staff para sabihang bumaba na dahil magsisimula na ang party. Inalalayan ako ng mga kaibigan ko lalo na at hanggang ankles ko ang dress ko. Buti na lang pinayagan akong hindi mag-high heels, baka kasi makasama sa baby. Nagtaka sina mommy at ang nagbihis sa'kin pero sabi ko lang ay masakit ang paa ko at parang magkakasugat kaya nakumbinsi ko sila.
The party went on. Mga kilalang personalidad sa business world at malalapit na kaibigan ang aming mga bisita. May mga konting palaro at trivias about me na ikinatuwa ko at ng lahat ng naroon. As usual, the crowd sang a Happy Birthday to me. Then, we had our sumptuous dinner.
Everything went smoothly. Everything went on as planned... pero wala pa rin si Conrad.
"May hinihintay ka ba, Amorah?" malambing na tanong sa akin ni mommy nang sa muli ay halos halughugin na ng tingin ko ang buong venue sa kakatanaw kung nasaan na s'ya. I can't even remember how many times I looked at our gate tonight, hoping na siya na ang bagong dating. Ngunit lagi akong bigo. I sighed for nth time.
"Ah, opo. Pero darating din po siguro yun maya-maya," he promised me that kaya alam kong hindi niya ako bibiguin.
"Okay. Mukhang mahalaga iyang bisita mo ah."
"Mahalagang-mahalaga po, actually," maagap at makahulugang sagot ni Yve sabay ngisi sa akin.
Marahan siyang tinampal sa braso ni Lia saka pinagdikit ang kanilang mga braso at inilapit ang mukha sa tenga niya. "Ano ka ba, hayaan mong si Amorah ang magpakilala sa kanya," kinikilig pa silang humagikhik pagkatapos.
Nasa sentro ng pinakamaikling side ng parihabang mesa si dad. Sa kanan niya si mom, katabi ang parents nina Lia at Zeke, tapos parents ni Jia, at papa ni Yve. Nasa tapat ako ni mom. Katabi ko si Jia, tapos si Lia at Yve, tapos ay si Andrei, Zeke at Arthur. May dalawang silya sa side ni mama na walang nakaupo habang isang silya lang ang sa side ko.
"Boyfriend?" nasamid ako sa nginunguyang cake sa tanong ng daddy ni Zeke. Napaubo ako kaya marahang tinapik ni Jia ang likod ko. Nang tingnan ko ito ay kay laki ng ngisi.
"Sa ganda mo'ng iyan, hija, hindi na kami magtataka," nakangiting sambit ng papa ni Yve. Tumango-tango ang mommy nina Jia ay Lia pagkarinig sabay ngiti.
"Who's the lucky guy, hija? Where is he?" sunod-sunod na tanong ng mommy ni Jia. Napalunok ako.
Nakarinig ako ng mga pagsinghap sa aking likuran. I was curious kaya lilingunin ko sana ngunit natigilan ako nang makita reaksyon ni mommy. Para siyang... nakakita ng multo? She unconsciously dropped her utensils at nanginginig na napatakip ng kamay sa bibig. Kinabahan ako. I looked at dad at gulat na gulat din ang reaksyon niya. Nakita ko ang sunod-sunod na paggalaw ng adams apple habang nakatanaw sa tinitingnan ni mommy. What's going on?
Kabado kong sinundan ang direksyon ng mga mata nila. But just when I turned my head, my lips were claimed hungrily. Nagulat ako noong una ngunit nang malasahan ang pamilyar na matatamis at malalambot na mga labi, at naamoy ang natural niyang bango sa katawan ay halos takasan na ako ng puso sa dibdib sa lakas ng pagwawala nito sa tuwa. At kahit nagkakagulo pa ang mga kulisap sa tiyan ay buong puso kong tinugon ang mga halik nito. I shifted my position and locked my arms on his neck. I also felt him move closer, levelling my face to properly savor our kisses. Oh how I missed this man.
Two days. Just two days is enough to prove that I can't go on another day without him.
"I'm sorry, babe. I was too busy. I hope you're not mad at me. Happy birthday, babe. I love you," sunod-sunod niyang sabi nang kapwa hingal na hingal kaming napatigil sa halikan.
"I love you too," sagot ko at muli niya 'kong siniil ng halik ngunit nagtagal lamang ng ilang segundo.
"Are you ready? I can't wait to tell them everything about us, babe. I can't wait to marry you," nagniningning ang mga mata niya pagkasabi.
Walang pagsidlan ng saya ang dibdib ko. This is it! Tumango ako. Kumalabog ang dibdib sa magkahalong kaba, takot at saya. Malapad siyang ngumiti saka tumayo nang maayos mula sa halos nakaluhod na posisyon. Tumayo rin ako, he took my hand at inalalayan ako. Tinabihan ko siya. Nakita kong umusog ang mga kaibigan at naging bakante ang dalawang upuan sa kaliwa ni dad. For me and for Conrad. I smiled at them. Nakita ko ang excitement sa mukha nila.
I looked at Conrad. I could still see that twinkle of excitement and joy in his eyes. I smiled at him. Hinapit niya ako sa bewang kaya nadikit nang husto ang katawan ko sa kanya. Nagtitigan kami na parang kapwa kinakabisado ang detalye ng mukha. I could feel how he loves me just by staring at his eyes. Nakakalunod sa ligaya.
Sabay naming tiningnan ang aking mga magulang.
Mangiyak-ngiyak na nakatingin sa amin si mommy. She looked... sad? Si daddy naman ay nagtatagis ang bagang. Ano ba'ng nangyayari?
Nanginig ang kamay ko. Halos panghinaan ng loob. Ngunit nang halos matangay na'ko sa nararamdaman ay siya namang paghawak ng mahigpit ni Conrad sa kamay ko, like assuring me of something.
"Mr. and Mrs. Sebastian Mateo. I'm sorry for my entrance. It is my greatest pleasure to meet you again. Please allow me to introduce myself once more. I'm Conrad Monte de Ramos, Amorah's fiance," pagkasabi ng huling salita ay nasa akin ang tingin niya. Nakangiti at proud na proud. I looked at him too, tila napawi ang kaninang kaba at agam-agam. Mangiyak-ngiyak kong sinuklian ang ngiti niya. May bagong lakas ng loob kong ibinalik ang mata kina dad at mom.
Malungkot akong tiningnan ni mommy, marahan siyang umiiling. Tila may sumuntok sa puso ko sa nakita ngunit pinanghawakan ko ang damdamin. Inilipat ko ang mata kay dad. Muling kumirot ang puso ko nang umiling-iling din ito habang nakatingin sa pinagkainan. Tila may bumara sa lalamunan ko at kay hirap lumunok, pati paghinga ko ay tila kay hirap na rin ngunit pilit kong tinatagan ang loob. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha.
They're clearly disappointed and it hurts. I expected this pero...
No, kailangan naming lagpasan ito. Hindi ko susukuan ang pag-ibig namin ni Conrad.
Muli kong naramdaman ang marahang pagpisil ni Conrad sa kamay ko, na para bang pinaparamdam sa akin na dalawa kaming lalaban para sa aming pagmamahalan at makukuha din ang hinahangad naming sagot sa kanila.
"Dad, mom..." tawag ko sa kanila ngunit hindi na nila kami nilingon muli. I saw mom squeezing dad's hand. They're looking at each other na parang nag-uusap sa mga mata.
"I'm very sorry for our sudden announcement. I just really loved your daughter so much. Since 3 years ago, to be exact. But this time, nangangako po akong mas iingatan at mas aalagaan siya-"
Itinaas ni daddy ang kamay, bilang pagpapahinto kay Conrad. Pigil hininga kong hinintay ang sasabihin ni dad, ganoon din si Conrad. Ramdam ko ang tensyon sa paligid. Maging ang mga bisita ay tila nanonood ng palabas at hinihintay ang susunod na mangyayari.
"Come with me, hijo. I wanna talk to you about something. Alone," ani daddy.
Kinakabahan kong tinitigan si Conrad, na kay daddy pa rin ang mata niya, tila pinapatunayan sa pamamagitan ng tingin ang tatag ng kanyang desisyon. Nakita kong gumalaw ng isang beses ang kanyang buto sa lalamunan saka kalmadong sumagot, "Any time, Mr. Mateo."
Marahang bumuntong hininga si dad saka malungkot na pinaglilipat-lipat ang tingin sa amin ni Conrad. Mas lalong dumagundong ang dibdib ko sa kaba.
"Come with me," aniya saka tumalikod.
I gasped. Tiningnan ko si mom. Isang beses siyang tumango, sensyas na hayaan silang mag-usap na dalawa. Natataranta kong hinarap si Conrad ngunit kalmado lamang siya.
"I'll be back. Asahan mong hindi ako babalik dito hangga't hindi ko sila napapa-oo, okay?" aniya saka hinaplos ang nanlalamig kong magkabilang braso.
Hinubad niya ang suot na pulang suit jacket at isinampay sa balikat ko. It smells like him. Somehow calming me. Ngayon ko lang napansing match din pala ang suot namin.
"Kukumbinsihin ko ang daddy mo sa abot ng makakaya ko... so don't worry too much. Kaya natin 'to," pang-aalo niya saka ako hinalikan sa noo. Niyakap niya ako ng mahigpit, na para bang doon siya humuhugot ng lakas. "Papayag sila, Amorah. I'll make sure of that. Hindi ako papayag na hindi ka makasal sa akin. I love you so much, and I'll prove that to them in any ways if I need to," aniya kumalas sa pagkakayakap.
Naluluha ko siyang tinatanaw palayo. Palapit kung saan pumasok si daddy.
Bumalik ako sa pagkakaupo. My mom stood up kaya napatingin ako sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit nang lapitan ako. I did as well. Nagpaalam siyang pupuntahan si daddy. Nakiusap akong sasama pero sinabi niyang hintayin na lang sila at huwag pumunta doon. Wala akong nagawa. I felt my friends hugging me and giving me support. Even their parents are cheering me up. Bumalik na rin ang ingay sa paligid at wala na sa amin ang atensyon.
Hindi ko mapigilang mag-alala at kabahan. Bakit bawal ko do'n? Bakit si Conrad lang ang kakausapin nila? Bakit 'di ako kasali?
Halos kalahating oras na ang lumipas ngunit wala pa ring lumalabas sa kanila.
Nagkwentuhan at nagbiruan ang mga kaibigan ko, nakisali pati mga parents nila kaya naman kahit papaano ay nawala-wala ang kaba ko sa dibdib. They often purposely throw types of jokes that I laughed at most of the time pero hindi nawawala sa isip ko ang plano. Yve took her phone at nag-groufie kaming apat na babae sa barkada. Nakailang click siya bago makuntento.
Nangangati na ang paa ko sa balak.
"Guys, CR lang ako," paalam ko sa kanila. They offered help pero hindi ko tinanggap, baka kasi masira pa ang plano ko.
Muli akong tinanong ni Andrei kung sa CR ba talaga ang punta ko, tinudyo ko siyang baka may magalit sa kakatanong niya at kung magpasama pa ako sa kanya kaya naman hinayaan niya ako sa pupuntahan.
Kalmado kong tinahak ang daan papasok ng bahay na parang wala akong iniisip na kalokohan. Ngunit nang maisarado ko na ang pintuan ay halos takbuhin ko na ang loob sa kakahanap kung nasaan sila. May nakasalamuha akong mga tauhan namin pero iba ang sinasabi kong dahilan kung bakit ako naroon. They just let me be. I also told them to enjoy the party.
I checked the kitchen, wala sila. Wala rin sa guest rooms, o sa mga kwarto namin sa ground floor.
Nasaan kaya sila?
Wait, 'di ba may isang kwarto dito sa bahay na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao?
I almost ran to that room upon realization. Both excited and nervous while thinking of what could have happened to their conversation.
Napaigtad ako nang may marinig na pagkabasag. Nasa pinakadulo iyon ng pasilyong nilalakaran ko- sa stock room!
Mas binilisan ko pa ang paglakad. At nang makarating sa mismong harapan ng pinto ay ganoon na lamang ang aking pagkagulat sa narinig...
"...revenge! So, name your price. Or you'll loose everything you have poured out your life with," may pang-uuyam na saad ni Conrad.

This Time We'll Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon