Chapter 31

23 0 0
                                    

Binaling ko ang tingin sa puting blinds ng kwarto. Kinurap-kurap ang mata upang matigil na sa kakaluha.

Ewan at hindi matapos-tapos ang mga luha ko tuwing naaalala ang kahapon. Nakakainis isiping pagod ang katawan ko, maliban sa mga mata kong ito.

Maging ako ay nagulat sa mga nasabi. Hindi ko na napigilan pa ang sarili na isumbat sa kanya ang mga iyon. That was 6 years ago, ngunit sariwa pa sa aking isipan na parang kahapon lamang. But that wasn't supposed to be what I should ask or say right now, d*mn it!

At paano ko pa siya tatanungin tungkol sa pakay ko, kung ngayon pa lang, nagpatong-patong na lahat ng mga hinanakit ko sa kanya? Sa sarili ko... at sa lahat?

Not that wala akong nagawang pagkakamali sa kanya.

Ewan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. He asked for forgiveness when we met again 3 years ago. He asked for it over and over again, at ewan kung bakit ito lumalabas sa akin ngayon?

Dahil ba kailan ko lang naalala ang lahat? Dahil ba hindi ko matanggap na baka kaya ganoon na lamang niya ako aalagaan ay dahil sa nangyari sa amin noon? He's just guilty at gustong bumawi? Was it not out of love, then? O dahil hindi ko pa siya napapatawad?

Ewan!

Ako man ay hindi maintindihan ang sarili. Ang alam ko lang sa ngayon, nasasakal ako sa presensya niya. Gusto ko nang umalis rito o umuwi. To my parents' mansion, for now, maybe. Gusto ko na lamang magpahinga muna at pag-isipan ang lahat. Masyadong magulo ang utak ko.

I guess I was right when I said I wasn't ready coming back here in the Philippines.

I know I just told myself na haharapin ko ito nang buong tapang upang hindi magsisi sa hinaharap, but I just can't seem to listen to him or face him anymore!

I know I sound selfish. I maybe am that's why I'm like this.

Siguro nga'y mabuti na mapag-usapan namin ito ngayon ngunit hindi yata makakayanan ng puso ko ang nararamdaman kong nakadagan dito. I just had anxiety attack. Natatakot akong baka masundan pa iyon pag pinilit ko ang puso at isip na tanggapin ang anumang sabihin niya.

Maybe I should tell him to meet me again once I am really prepared to hear whatever he wanted to say.

Not like this.

Iyon ay kung may panahon siyang makipag-usap sa akin muli, or... Kung papayagan siya ng kanyang asawa? Sh*t, ang sakit isipin kung gano'n.

He said he's not married, though. But he hasn't proven anything to me since yesterday. He has all the power to fabricate documents, kung gugustuhin niya, so how can I trust him, then? How can I trust his proofs or words kung kay daling peke-in ng lahat? How can I... Ugghhh. Gosh, this mind.

Siguro ay hindi pa talaga handa ang puso ko na harapin siya kaya nangyayari at naiisip ko ang mga ito. Yeah, I said I wanted answers and I kept telling myself to be calm as f*ck but...

Tumayo siya at tarantang nilapitan ako. Agad siyang halos lumuhod sa harapan ko upang magpantay ang aming mukha. Bahagya akong nagulat habang nakatanaw sa mga kilos niya. Namungay muli ang mata niya na tila ba nagsusumamo. Muli niyang inabot ang kamay ko ngunit maagap ko iyong iniwas. Hinilamos niya ang mga palad sa mukha saka umiling-iling. Nang tanggalin niya iyon ay nakita ko ang panunubig ng kanyang mga mata. Tila ba hirap na hirap siya at nasasaktan.

Tila naman may kumurot sa puso ko sa nasaksihan.

Muli niyang ginagap ang kamay ko, at sa pagkakataong iyon ay matagumpay niyang nahawakan. Nagugulumihanan ko siyang tinitigan.

This Time We'll Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon