3rd Person's POV
With all satisfaction, Wendy looked at her exquisite and elegant reflection in her vanity mirror. Lahat ng bagay sa buhay ay nakuha na niya: pera, kayamanan, kapangyarihan, koneksyon at lahat na. Maliban sa tuluyang pagkasira ng buhay ng mga taong sumira sa reputasyon niya tatlumpu't isang taon na ang nakalipas.
Tiim-bagang niyang inaalala ang tila bangungot na nagmumulto sa kanya; ang mga nangyari 31 years ago...
Nagkagulo ang media nang pumutok ang balitang kinidnap at nilapastangan umano ang isang Binibining Pilipinas candidate na nagngangalang Rosanna Monte de Ramos. At ang itinuturong salarin ay walang iba kundi ang nobyo niya at ikakasal na sa kanyang si Alejandro Versalez.
"Totoo ba ang balitang kumakalat, Miss Wendy? Hindi ba't nobya kayo ni Mr. Versalez? Ano sa tingin ninyo ang rason at nagawa iyon ng nobyo ninyo?" tanong ng isa sa mga reporter na tila inabangan talaga ang paglabas niya sa school campus.
Gulat na gulat at nagugulumihanan siyang napatitig sa nagtanong. Hindi nag-sink in agad ang narinig sa reporter.
She heard an issue regarding Alejandro somewhere but thought of it as another fake news or hearsays. She even noticed groups of people whispering to their friends, whenever she passes by, while looking at her disgustingly. Pero ayaw niyang patulan dahil wala namang napapatunayan.
Her fiance's a known playboy pero hindi ganoon na nangki-kidnap talaga at nanggagah*sa. He doesn't need to. He's handsome enough to tame any kinds of women. Young or old. Kaya para sa kanya, malabong totoo ang issue na kumakalat. Very far from the previous issues about him womanizing despite their upcoming wedding.
Wala siyang naririnig mula kay Alejandro. Ang alam lang niya'y may business trip ito 3 weeks ago at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Iniisip lang niya na busy lang ito sa trabaho, o kaya'y na-extend ang business trip, like the usual.
Hindi na rin siya nanonood ng mga balita sa TV dahil busy siya sa nalalapit niyang finals sa huling taon niya sa kolehiyo.
Napalingon siya sa paligid na puno ng mga reporters na tila nag-abang talaga sa paglabas niya.
"Hindi ba't ikakasal na kayo ilang buwan mula ngayon? Naghiwalay ba kayo kaya naghanap ng iba si Mr. Versalez?" tanong ng isang babaeng reporter.
Inilapit pa nito nang mabuti ang microphone sa kanya, mabuti na lang at pinalibutan agad siya ng tatlong bodyguards niya kaya wala nang nakalalapit sa kanyang kinatatayuan. Iginiya na siya ng mga ito sa kanyang sasakyan.
Papasok na sana siya nang magsalita ang isa pang reporter na ikinakulo ng dugo niya.
"Hindi kaya't may pagkukulang din kayo kaya nagawa ni Mr. Versalez 'yon, Miss Wendy? O di kaya'y... tanggap n'yo nang paiba-iba talaga ang babae ni Mr. Versalez at binabalewala n'yo lang para protektahan ang reputasyon ng pamilya ninyo?"
Nakuyom niya ang kamay at binalingan ng matalim ang nagsalita, "Dahan-dahan ka d'yan sa mga pinagsasabi mo!"
"So ano nga po ang totoong nangyari?" pilosopong sagot ng reporter.
Sinugod niya at sinabunutan ang babaeng reporter sa galit. Pinagpiyestahan naman ng iba pang mga reporters ang gulo na nangyari.
Isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa ama nang malaman nito ang ginawa niyang eskandalo.
"Isa kang kahihiyan sa pamilya natin!" bulyaw ng kanyang ama. "I raised you like a princess, fed you and gave everything I could, tapos ganyan lang ang igaganti mo sa akin? Sa amin?" dismayado nitong sambit.
Humahagulgol siyang nakahawak sa namamagang pisngi, "They were insulting me, Dad. They were insulting our family kaya ko nagawa iyon!"
Muli siyang nakatanggap ng sampal dito kaya tumilapon siya at napaupo sa malamig at marmol nilang sahig.
BINABASA MO ANG
This Time We'll Never End
RomanceAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...