Chapter 13

25 1 0
                                    

Amorah's POV

Biyernes.

It's been a week since nung sinundo si Conrad ni Arthur, pero ni anino niya 'di ko na makita sa school. Walang humalili sa kanya na ibang propesor. Pero wala ring balita galing sa office sa status niya.

Okay lang kaya siya?

Noong napansin ng mga classmates kong hindi na siya pumapasok ng ilang araw, kumalat ang chismis na may relasyon kami kaya marahil daw ay nasuspende siya sa school. Chismis lang naman 'yun kaya chill-chill pa rin ako.

Nakakainis lang minsan 'yung mga may crush sa kanyang mga estudyante kasi pinupuntahan talaga ako sa classroom para lang taray-tarayan o paringgan. Ang hindi lang nila alam, mas maldita pa 'ko sa kanila kaya ayun, umuusok ang mga ilong pati tenga sa inis sa'kin.

Wino-walk out-an ko lang naman or hino-who you nang magising. Akala siguro nila masisindak nila ako. Sa ganda kong 'to?

Tsaka, hello! Ako ang gusto no'n, 'no! Hindi kayo! Proudly flips my long flowy straight hair. O, ha?

Sinasadya rin ako ng mga kaibigan tuwing vacant periods nila para e-check ang kalagayan ko. I think narinig na nila ang chismis pero nagwawalang-paki lang. Kilala nila ako, more than anyone. They knew Conrad's just my suitor right now... The only suitor I have allowed my entire life, according to them, actually.

Kahit graduating na halos lahat sa kanila at sobrang busy these days, we still find time para mag-bonding. Tulad na lang this weekend, lalo na at kumpleto na naman kami after 5 long years.

Malapit na rin ang final exam namin. Though, tapos na ang topics sa subject ni Conrad at review na lang ang kulang, 'di ba dapat nandito siya para i-explain sa'min in case may mga nakalimutan o nalilituhan kami sa subject niya? Not that he isn't competent as a professor. It's the opposite, actually.

Magaling siyang magturo... Napakagwapo ring visual material kaya tingin ko iyon ang dahilan kaya nawawala ang focus ng iba sa subject niya. Well, sino ba naman tayo para 'di tablan ng appeal niya 'di ba? I mean, babae rin ako, 'no. Pati ako, uy. Hindi rin makapag-concentrate all the time dahil sa dating at gwapo niya. Kahit simpleng lingon nga lang niya sa gawi ko, para na 'kong matutunaw!

"Hoy! Hoy, Amorah gising!" parang nagising nga ako sa pagyugyog ni Yve sa balikat ko. Nahilo pa!

Napatingin ako kanya, tapos, sa nasa tapat naming sina Jia at Lia. Lahat sila ay nakatingin sa'kin nang may pagtataka kaya nagtaka rin tuloy ako.

"Bakit? Ano'ng meron?"

Nagtinginan ang tatlo bago binalik ang tingin sa'kin. Nasa food court kami ng school. Magkatabi kami ni Yve sa pagkakaupo, at nasa tapat namin sina Jia at Lia.

"Nami-miss mo na siguro si Conrad, 'no? Parang napapadalas yata iyang pagka-tulalang ina mo, girl," may himig pag-aalalang sabi ni Jia.

Kunwari akong natawa sa sinabi niya. "Hindi, ah!" tanggi ko. Obvious pala?

Niyakap ni Yve ang kanang braso ko saka sinandal ang ulo sa balikat ko. "Okay lang 'yan, girl. Kahit 'di mo sabihin, ramdam na ramdam ka namin, 'no. Wala ka pa rin bang balita sa kanya?" ani Yve.

Parang nalungkot ako bigla pero syempre hindi ko pinahalata sa kanila. Ayo'ko na kasing dumagdag pa sa mga problema nila.

"W-Wala. At bakit naman niya ako babalitaan? Kami ba? Sinagot ko na ba siya? Tsaka, kung may update man, ang office siguro ang unang makakaalam, 'di ba?"

"Wala kang cell number niya? Or soc med account?" gulat na tanong ni Lia.

Napaisip ako habang nakatitig sa kanya. Hindi ko nga pala nahingi kay Conrad 'yun. Akala ko kasi, hindi na kailangan dahil lagi naman kaming nagkikita sa school.

This Time We'll Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon