Amorah's POV
"Okay ka na talaga, ha? Sure ka?"
"May kailangan ka ba? Sabihin mo lang. Pagkain, inumin... Gosh, muntik nang humiwalay kaluluwa ko dahil sa'yo, girl!"
"Stressed ka ba sa school kanina? Sinabi mo sanang pagod ka, bukas na lang sana tayo nag-karaoke!"
Naiiyak na tanong ng mga kaibigan habang nag-aalalang nakatitig sa akin, kahit sinabi na ng doktor na ayos na ang lagay ko. Naupo na ako ngayon sa aking hospital bed.
"Okay na nga ako. Pa-discharge na nga, 'di ba?" sabi ko sabay tawa para kumbinsihin ang mga itong ayos na nga talaga ako.
Halos sabay-sabay silang nagbuntong-hininga pero bakas pa rin sa mukha na hindi kumbinsido. Na parang walang makakapawi sa pag-aalala nila sa mga oras na iyon.
Umiling si Jia, lalong nanubig ang mga mata. "Pinag-alala mo talaga kami kanina..."
Nakangusong tumango sina Yve at Lia sa sinabi nito. I sighed and smiled at them. Ngumiti sila pabalik sa gitna ng lungkot sa mga mata. Akmang yayakapin na ako ng tatlo nang pigilan kami ni Conrad.
"Wait!"
Literal kaming nag-freeze lahat sa narinig. Nasa ere ang nakataas na mga braso ng mga kaibigan nang sabay naming nilingon si Conrad. Nagtataka. Sina Zeke at Andrei naman ay nakaawang pa ang mga labing napatingin sa amin. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan at nadamay lang sa pagtigil. Nakatayo sila malapit sa pinto, pinagigitnaan si Conrad, na nakataas pa ang isang kamay bilang pagsenyas sa amin. Nasa restroom si Arthur at 'di pa nakakabalik.
Bahagyang kumibot ang kilay ni Conrad sa gulat nang mapansin na literal nga kaming natigil na lahat. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang tawa.
"Bakit? Anong problema?" hindi na naitago sa boses ko ang nararamdaman.
Umawang ang mga labi ni Conrad na parang may sasabihin pero mukhang nagdadalawang isip pa. He licked his lips while thinking of a response.
Bumagsak ang mata ko roon. It became redder now that he has licked it. Uminit ang pisngi nang maalala ang mga pagkakataong nahalikan ko ang mga iyon. According to my recent collected memory... at noong... nasa classroom kami just days before he suddenly went gone.
He was... a good kisser. I mean, wala akong mapagkukumparahan dahil siya pa lang naman ang nakalikan ko pero... tuwing hinahalikan niya ako... para akong natutunaw... at nadadala sa kung saang dimensyon... forgetting where we are and who I even am.
Then, I remember that one specific night... even with the dizziness and tiredness... where I clearly saw how he hungrily kissed and sucked my...
I almost made a loud gasp on that specific memory that kept on replaying in my curious mind since that time.
Sh*t, Amorah! Really? 'Di ka pa tapos sa pag-alala roon? That was already weeks ago, right? At baka nakakalimutan mong nasa ospital ka pa? You fool! Tigang na tigang lang?
Hiyang-hiya kong nilayo ang tingin sa kanya habang pinapakalma ang nagwawalang sipa ng puso dahil sa naalala.
Sh*t! Ang pula na siguro ng mukha ko ngayon. At bakit parang nilalagnat ako? Okay na ako, 'di ba? Should I ask the doctor if I have a fever, then? Baka mild lang kaya ako papayagang lumabas na?
Narinig ko ang pagtikhim ni Andrei at ang malalim na buntong-hininga ni Zeke.
"Matagal pa ba? Dalian mo sir pogi, ma-s-stiffneck na ako nito!" reklamo ni Yve na ikinatawa ng lahat.
"Sorry..." paumanhin ni Conrad sa mababang boses.
May sinabi ang iba pa na ikinatawa rin nila pero hindi ko na masabayan at 'di na rin sila matingnan dahil sa hiya.
BINABASA MO ANG
This Time We'll Never End
RomanceAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...