Chapter 33

21 1 0
                                    

Nagulat ang lahat nang makita akong hawak-hawak ni Conrad sa kamay nang tuluyan akong nakababa sa shotgun seat ng BMW at dinala ni Conrad sa harap ng mga naroon. Lalo na sina mom at dad. Agad kaming nagyakapan at nag-iyakan. Hindi makapaniwalang magkasama na ulit kami.

"My baby... miss na m-miss ka n-namin... Sobra. W-Walang araw o g-gabi akong h-hindi nananalangin na s-sana ay ligtas ka palagi..." iyak ni mommy sa gitna ng aming yakapan.

Paulit-ulit akong humingi ng tawad sa kanila dahil sa paglayo ko at sa lahat ng nagawa ko. Paulit-ulit din nila akong sinasabihang ayos lang ang lahat at ang mahalaga ay magkasama na kaming muli at wala nang mas importante pa doon.

I am indeed blessed with such loving and understanding parents, kaya sobrang guilty ko sa nagawa.

I know, it was so selfish of me to think of my own escape when my parents was also suffering from everything I have been through.

Nang magmulat mula sa ilang araw na pagkakatulog at nagising sa ibang bansa nang kidnap-in ako ni lolo mula sa ospital ay agad kong pinaghahahanap sina daddy at mommy. Alam kong sila, maliban sa akin, ang pinaka-naapektuhan sa sumabog na eskandalo.

Naalala ko pa noon ang paghihisterya dahil sa litong-lito kong isip kung ano ang uunahin: ang dulot at pait ng mga bumalik na ala-alang tila kidlat ang pagkalat sa buo kong sistema, o ang magulo at tila bangungot kong kasalukuyan?

Ang presensya ni grandpa at ang himalang pagkakaligtas ng kambal sa aking sinapupunan ang nagbigay sa akin ng lakas upang magpatuloy sa araw-araw.

Kung tutuusin, para ko na rin silang tinalikuran sa mga panahong iyon... ngunit hindi ko mahanap sa sarili ang lakas ng loob upang harapin sila at humingi ng tawad sa lahat, lalong-lalo na, sa katigasan ng ulo ko, at sa pagkapahamak at pagkapahiya nila dahil sa akin.

I was too coward to face my parents after everything they had said and done for me. After every warnings and reminders, which I thought was not necessary before.

I was too stubborn. I only thought of myself. I only cared about my freedom. I ignored their warnings and guidance, and when finally facing the consequences of my actions, and with all the issues life had suddenly thrown at me, I left them.

I left everyone, who have truly loved and believed in me, without a word.

Nagsisisi ba ako na minahal ko si Conrad? Hiniling ko ba na sana'y hindi na lang kami nagkitang muli? O... pinagbigyan ang sariling nararamdaman na bigyan siya ng pagkakataon? Nakakahiya man, at siguro'y masasabi na wala akong kwentang anak dahil sa pagiging makasarili, but my answer would definitely be NO.

I never regretted meeting him nor loving him again. If I did, pakiramdam ko'y para ko na ring pinagsisihang nagkaroon kami ng Adie at Abby. Masyado ko rin siyang mahal noon, hindi pa man bumabalik ang mga ala-ala ay 'di na'ko halos pinapatulog ng puso sa sabik na makita at makasama siya.

Isa pa, hindi niya kasalanan ang nangyari. It was not him who set me and my family up. It was not him who wanted for things to turn that way. Isa pa nga siya sa nagdusa.

Iwasan ko man siya noon o itanggi ang sariling nararamdaman, mangyayari ang nakatadhanang mangyari.

I know, we, could have chosen a different path, a different approach for us to be together and fight for our love... To wait, and patiently wait for the right time, perhaps. Like, dating first, then ipapakilala muna sa parents before anything else... Ngunit masyadong mabilis ang mga pangyayari at nangyari na ang lahat. And all of it, I did, without any regrets...

So, I am not blaming anyone for what happened. Not Conrad, but myself. And those people who have hurt us.

May ibang option naman kasi ako noon maliban sa iwan sila tulad ng ginawa ko... To stay and stand beside Conrad and fight for our relationship and prove to everyone, the media and the public, they are wrong. But then, as I said before, who could blame me when all I saw that night seemed so true... and I was so afraid to confirm the truth. And witness my own heart pound into dust.

This Time We'll Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon