Kung gaano siya kasarap magmahal, ganoon din s'ya kasarap magluto. Conrad prepared every single meal we shared since day one.
Nang malaman niya kasi na puro food delivery lang from different food shops ang in-o-order ko for my meals and snacks before, he freaked out lalo na't hindi makakabuti sa magiging babies namin, at sa akin, ang mga kinakain ko, lalong-lalo na ang mga cravings ko.
Paano ba naman kasi, fries, milk tea, pizza, burgers, pastas, fried chicken, and the likes lamang ang pumapasa sa sikmura ko, the rest, sinusuka ko kahit sa amoy pa lang.
Kaya nga laking gulat ko sa sariling gustong-gusto ko lahat ng mga niluluto n'ya para sa'kin, sa amin. From the inviting smell, to kanin to ulam, pati sa mga healthy snacks at desserts, talagang lahat na lang ng hinahanda niya sa hapag-kainan namin gustong-gusto ko which is so unusual!
Pakiramdam ko nga, pag hindi s'ya ang nagluto, hindi masyadong masarap. At hindi rin ganoon ka-ganado ang kain ko. Hinahanap-hanap nga ng tiyan ko ang mga luto n'ya, eh, kaya siguro maya't-maya akong nagugutom.
Buti na lang, matiyaga at walang kapaguran n'ya pa rin akong si-nu-spoil ng mga luto at handa n'ya. He became my favorite chef and person since then!
Totoo nga talaga iyong kasabihan na 'The way to a man's heart is through his stomach' lakas makadagdag pogi points ng mga luto niya, eh. Baliktad nga lang kasi ako ang nilulutuan n'ya imbis na ako ang magluto para sa kanya. And take note, wala pa 'yon sa iba pa n'yang ginagawa para sa'kin, ah.
Sarap nga sa pakiramdam, eh. Nakaka-overwhelm lang, to the point na minsan, napapatanong na naman ako sa sarili ko kung ano ba ang nagawa ko at minahal niya ako ng ganito?
Ewan din kung natural lang ba talaga sa kanya ang pagka-sweet at pagkamaalaga, o dahil lang ba ito sa magiging anak namin pero, habang tumatagal na-re-realize kong talagang napakaswerte namin ng kambal sa kanya.
Napakaswerte ko at ng magiging anak namin dahil si Conrad ang magiging ama nila!
At sa mga nakikita ko sa mga kilos n'ya- even in the way he looks at me, his genuine smiles and his simple gestures, iyong mga galawan niyang laging pinaparamdam sa akin na kahit ano'ng mangyari ay hindi n'ya ako iiwan at lagi akong aalagaan, kahit wala naman akong halos ginagawa para sa kanya, though ilang araw pa lang kaming magkasama sa iisang bubong buhat nang magkasundo kaming dito sa Condo ko na lang s'ya mag-si-stay since naghahanap s'ya ng Condo'ng paglilipatan na malapit sa school, masasabi kong hinding-hindi ako nagsisisi at minahal ko rin s'ya, at pinili kong magtiwalang muli sa kanya, lalo na sa mga pangako n'ya.
At sana nga ay magtuloy-tuloy na kahit pa tuluyan ko nang maalala ang aking nakaraan. Kahit iyong parte na kung saan ay minsan naming nasaktan ang isa't-isa na naging dahilan ng aking pagka-aksidente at pagka-amnesia.
Ewan ko rin kung bakit ni minsan ay hindi sumagi sa isipan kong baka buntis na'ko mula nang lumipat ako dito sa Condo. Medyo pihikan din kase ako pagdating sa pagkain noon pa man kaya siguro 'di ko na napansin ang kaibahan ng appetite ko noon at ngayon.
'Tsaka, akala ko kase, dahil lang sa kakatulog ko almost every after meal o any time of the day basta feel ko lang na bumibigat na ang mga talukap ko sa mata, kaya nalilipasan na ako ng gutom dahilan kaya akala ko ay nagka-ulcer na ako at mas lalong naging pihikan sa pagkain 'tong tiyan ko.
May mga minsan nga sa school na hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako habang nakikinig sa professors namin. Buti na lang talaga at wala kaming terror na professors sa sem na ito and so far, hindi pa naman ako pinapatawag sa Dean's office. Binabawi ko rin kasi sa scores ko sa exams para naman hindi nila masabing tinatamad akong mag-aral kesyo may medical reasons.
BINABASA MO ANG
This Time We'll Never End
RomanceAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...