Chapter 9

17 1 0
                                    

3rd Person's POV

"Are we late?"

Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. Si Andrei, kasama ang isang guwapo at matipuno ring lalaki na naka-business suit ay papalapit sa kanila.

"Ang guwapo!" manghang saad ni Lia sa bagong dating. Nakatitig ito sa kanya habang nakangisi.

"Alliyah!" babala ni Zeke sa kapatid.

"Kuya! Humahanga lang. 'Tsaka, totoo naman, ah. Ang guwapo niya!" patiling wika nito. Zeke rolled his eyes.

"Sarap sa eyes!" manghang saad ni Yve.

Kumunot ang noo ni Andrei nang makita ang reaksyon ni Yve. Umismid naman si Yve nang makita ang reaksyon nito. Zeke noticed Jia pressing her lips into a thin line, habang nakatingin sa bagong dating. Wala sa sariling napalingon si Jia kay Zeke kung kaya't nagsalubong ang mga mata nila. Nagulat ito at agad na pinamulahan. Agad na nagbaba ng tingin sa hiya dahil nahuli siya nitong nagnanakaw ng tingin.

"What are you doing here?" Conrad's cold remark to the new comer.

"Magkakilala kayo?" pagtataka ni Zeke na ngayo'y nakatingin kay Conrad ngunit seryoso itong nakatuon sa gawi nina Andrei.

"Of course," nakangiting tugon ng bagong dating nang tuluyang makalapit.

Nakatingin silang lahat dito.

"Hello, beautiful girls," bungad nito sa kanila. Kinuha nito ang kamay ni Lia at hinalikan ang likod ng palad. Manghang nakatitig at hindi mawala-wala ang pilyong ngisi. "I'm Arthur Martinez, baby."

Lia gasped, then smiled widely diplaying her perfect set of white teeth. "I'm Alliyah Vivienne Primacio, baby. You can call me Lia for short. Pwede ring baby kung gusto mo," halos maghugis puso ang mata nito sa kilig.

Niyakap ni Zeke ang magkabilang balikat nito gamit lamang ang isang braso saka hinatak palayo kay Arthur. Inis itong napaatras at napasandal sa malapad na dibdib ng kapatid.

"Tama na. Isusumbong kita kay dad n'yan," babala na naman nito.

Tinanggal ni Lia ang braso nito at padabog na tumabi sa kapatid. Walang nagawa kundi tumahimik at ngumuso na lang.

"Hi, Arthur. I'm-"

Hindi na natapos ni Yve ang pagpapakilala nang kinuha ni Andrei ang kamay na inabot kay Arthur. Hinalikan pa nito ang likod niyon. Nagulat si Yve, maging ang mga kaibigan, at bago pa makabawi ay inunahan ito ni Andrei.

"She's mine, dude. I mean, Yvonne ang pangalan niya," pakilala nito, pinapaalam ang teritoryo. Pinagsiklop nito ang mga kamay nila. Sa mangha at gulat ni Yve ay hindi ito nakapagprotesta.

Arthur smirked at the sight, "I see. Relax, Chavez. I'm quite territorial, too. So, I understand. She's off limits, don't worry," nagtaas pa ito ng mga kamay na parang sumuko.

Napasinghap si Yve. Tumango lang si Andrei kay Arthur.

"H-Hi," nahihiyang bungad ni Jia nang nakangiti. "I-I'm Jianna. You can call me Jia as well," inabot nito ang kamay kay Arthur upang sana'y makipag-handshake ngunit si Zeke ang tumanggap. Humalik sa likod ng palad, saka umakbay sa dalaga na ikinagulat nito. Napatitig si Jia kay Zeke, pulang-pula at hindi makapaniwala, pero na kay Arthur ang mata nito, while claiming his teritory.

Napangisi si Arthur sa nasaksihan, "Woah! Now I know why you don't like the girls in Paris."

Tumikhim lang si Zeke. Mangha at takang-taka namang nakatingin ang magkakaibigan kina Zeke at Jia.

"Magkakilala pala kayo, kuya? Ba't 'di mo ako pinakilala noon?" usisa ni Lia.

"Sinasabi ko sa iyo, Alliyah. Pag 'di ka tumigil, alam mo na ang mangyayari." Napanguso na lamang ito sa sinabi ng kapatid.

This Time We'll Never EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon