Conrad's POV
"Dude, I think you should really move on. She's gone. Dead. Tanggapin mo na ang nangyari 3 years ago, and stop blaming yourself!" sermon na naman ng kaibigan ko.
Kung hindi ko lang talaga ito matalik na kaibigan, at kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa pulis na'to, baka nasapak ko na. Ang kulit, e!
Nasa VIP room kami nitong sikat na club. Hindi ako mahilig pumunta sa mga ganito, itong kaibigan ko lang talaga ang nagyayaya sa akin tuwing weekends.
Nagka-clubbing din daw kasi ang binabantayan niyang anak ng boss niyang si Yvonne Ivory Salazar. Bodyguard siya nito.
Most of the time, after work, nasa penthouse lang ako. Yakap-yakap ang mga lumang damit ng pinakamamahal ko, habang naglalasing at sinasariwa ang mga ala-ala naming dalawa.
"You will never understand, dude. Easy to say, hard to do. I tried..."
Tuluyan bumalong ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala. Hindi na ako nakapagsalita sa sikip ng dibdib. Tila may kung ano'ng bumara sa lalamunan ko at tanging ang pagluha ko na lamang ang paraan upang kahit papaano'y maibsan ang lungkot na aking nararamdaman.
Miss na miss ko na talaga siya...
Ang maamo niyang mukha, ang pagkislap ng kanyang mga mata sa tuwing sinasabi at pinapakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal... ang mga titig niyang nagpapaalala sa akin noon na kahit sino o ano pa ako, tanggap niya ako at mamahalin nang lubos...
All she ever wanted was my love and attention back then. She gave me her world, and made me the happiest and blessed man ever... but all I have given to her was pain and heartache.
I ruined her life...
I have hurt her...
She died because of me.
She was my first love and certainly will be my last. I'm too guilty to move on. I loved her too much to love another woman.
Kung may iba nga lang na pwedeng mag-alaga kay mama, kahit pa malayo naming kamag-anak, ay baka matagal na akong sumunod sa kanya.
My babe... My love... I wonder why am I still trying to live when you're not even here by my side?
Muli kong sinariwa ang unang beses ng aming pagkikita. It was 4 years ago...
Papauwi na ako galing sa trabaho nang marinig ko mula sa malayo ang sigaw ni aling Maria- ang inutangan namin noon ng almost two hundred thousand pesos noong ma-ospital si mama. Na-hit and run si mama noon habang inaatake sa puso sa daan. At dahil sa pag-aalalang pinapahiya na naman nito ang mama dahil sa hindi namin mabayad-bayaran nang buo ang utang, dali-dali kong tinakbo ang bahay namin kahit sa sobra kong pagod sa araw na iyon.
Napakasimple lang ng pamumuhay namin noon pero kontento na kami ni mama sa kung ano'ng meron kami sa buhay. Hindi pa kami gaanong ginugulo ng ama ko at ng pamilya niya noon.
Mahirap lang kami, oo, pero hindi matutumbasan ng anumang halaga ang contentment sa buhay namin ni mama.
We're struggling financially, but we're happy and doing our best to survive- and that's all that matters.
Nagtaka ako kung bakit biglang natahimik ang lugar namin bago pa man ako makarating, pero hindi ko binawasan ang bilis ng aking pagtakbo. Baka kasi ano na naman ang ginawa ng ale kay mama na hindi pa naman nagsusumbong sa akin at tanging sa kapitbahay ko na lang naririnig ang mga pinagdaanan nito sa kamay ni aling Maria.
Habol hininga akong nakarating sa amin ngunit ganoon na lamang ang aking pagtataka nang makita ang napakalapad na ngisi ng ale paalis sa amin habang pinapaypay ang makapal na bundle ng pera na mukhang tig-wa-one thousand.
BINABASA MO ANG
This Time We'll Never End
RomantikAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...