"Sana all!" parinig ni Zeke with matching tingin-tingin pa sa kisame. Nakaupo ito sa mini sofa ng kwarto di kalayuan sa kinauupuan ni Jia.
Napatawa kaming lahat sa sinabi niya, parang si Jia kasi ang pinaparinggan nito pero ang kaibigan kong inosente ay sumabay lang sa amin ng pagtawa.
Kawawang nilalang!Niyakap ako ni Conrad mula sa likod, ginaya ang posisyon nina Andrei at Yve na nakatayo di kalayuan sa amin. Nakangiti niyang pinapanood ang bagong love birds. Halatang masayang-masaya siya para sa dalawa.
"Pasensya na talaga, tol, pero hindi pwede," maya-maya'y sabi niya nang humupa na ang tawanan, nakangiti pa rin sa dalawa. "Iisang kwarto lang kami nitong misis ko kasi buntis siya. And she might need my help with everything. Buntisin mo muna kasi para maawa ako- aray!" impit niya nang tampalin ko siya sa braso nang may kalakasan. Loko-loko talaga! Tumawa pa nga kahit ang sama na ng tingin ko sa kanya. "Joke lang po, misis ko," nakangisi niyang sabi sa'kin. Marahan niyang kinurot ang pisngi ko saka hinalikan ang tuktok ng aking ulo.
Inirapan ko lamang siya. Nakakainis, kinilig ako do'n! Hindi pa nga siya nag-po-propose eh, misis ko na agad?
Nakita kong inangat ni Yve ang kanyang kamao na ikinatawa naman ni Andrei. Hinalikan iyon ni Andrei saka ang pisngi ni Yve at halos mangisay naman sa kilig ang kaibigan kong marupok. May pahampas-hampas pang nalalaman sa braso ni Andrei, eh gustong-gusto naman!
"Dito na lang kami, babe, para naman matahimik iyang kaluluwa ni Andrei kahit papaano," sabi ko.
"Parang multo lang ah," maagap na komento ni Andrei nang may himig pagtatampo. Sabay kaming napalingon sa kanya. Nakatingin na ito kay Yve at nakanguso na parang batang nagsusumbong. "Parang patay lang my loves, 'no? Patay na patay sa'yo," dugtong nito kaya napuno ng kantiyawan at tawanan ang lugar. Agad na pinamulahan ang mukha ni Yve sa kilig at tinampal ulit sa braso ang nobyo.
"I'll be okay, wag kang mag-alala. Nandito naman ang mga kaibigan ko eh. But in any case I need your help, tatawagan kita, okay?" nakangiting saad ko sa kanya habang nagtatawanan pa ang mga kasama namin, hinahagod ko ang parte ng braso niyang natampal ko kanina.
Bahagyang kumunot ang noo ni Conrad habang titig na titig sa mukha ko na para bang sinasaulo ang bawat detalye nito. I bit my lower lip. Ano ba 'yan, ang bilis ko namang kiligin? Kung bakit kasi ganyan siya makatitig, eh ngayon lang naman kami maghihiwalay ng kwarto sa pagtulog mula nang maging kami.
Oo, assuming na kung assuming, pero ganito kasi ang mga titigan niya sa tuwing mahihiwalay ako sa kanya, like kung papasok na'ko sa school or going somewhere na hindi ko siya makakasama dahil sa may work siya.
Hindi siya nagsalita agad, parang hinihintay niya lang na magpaliwanag ako kung bakit. And I so like this side of him. Gusto niyang laging marinig muna ang side ko before arguing, unless of course, if what he thinks is the only option we have- which we rarely encountered. He likes listening to me muna daw kasi, and I appreciate the fact na ayaw niya akong pinipilit sa gusto niya. He just suggests, analyze both of our ideas, then weigh things and follow what we both think really suits or is best for the current issue.
Marami nga akong natutunan sa kanya eh, parang feeling ko, nagma-mature na rin ako when it comes to decision-making dahil sa kanya. He's so sharp, capable and wise. And of course, freaking hot! And he's my boyfriend. I internally smirked at the idea.
Ang swerte ko!
Umawang ang kanyang bibig na parang magsasalita na nang maunahan siyang magkomento ni Lia.
"Oo nga, girl, mas maganda iyon. Para tayong bumalik sa pagkabata!" sabik na saad ni Lia at pumapalakpak pa nga.
Katulad ko'y napangisi rin nang malapad sina Yve at Jia. Nagtinginan kaming apat. Kita ko rin ang sabik sa kanilang mga mata. Parang Senior High school pa lang yata daw kami huling nag-sleep-over sa bahay ni Lia. Iba-iba kasi ang course namin kaya siguro hanggang KTV or malling lang kami mula noong makabalik ako sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
This Time We'll Never End
RomanceAmorah Andrea Michaels-Mateo Story (Love Shot Series #1) Having an amnesia, mas pinili ni Amorah na mapag-isa at hindi pumasok sa isang relasyon, lalo na nang malaman niyang isang lalaki pala ang dahilan ng kanyang pagka-aksidente 3 years ago. Isa...