Chapter 3

6.5K 146 16
                                    

"How's everything Vougne?"

I sighed at her question. After Kyvex left ay tumawag si Devougre sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sakanya. Sasabihin ko ba na alam ni Daddy ang pagsisisinungaling namin at ang tungkol kay Kyvex.

"Everything's fine, Vougre. Don't worry." I lied.

"Nice! Akala ko buking na tayo eh." humagikhik siya.

"Ah no." I said awkwardly.

"Are you okay?" she asked seriously.

Mukhang napansin niya ang pagiging balisa ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. I badly want to tell her everything. Gusto kong sabihin sakanya na si Kyvex ang mapapangasawa niya but I don't want to upset her. Mukhang masaya siya sa bakasyon niya.

"I'm fine, Vougre. Pagod lang ako." malambing kong wika.

"Are you sure, Vougne? Please don't lie to me." pakiusap niya.

"I'm not lying, okay? I'm just really tired." sambit ko.

"Why? what did you do ba?" tanong niya.

"Family dinner." I chuckled.

"Nakilala mo na ang mapapangasawa ko?" gulat niyang tanong.

Saglit akong natahimik bago siya nasagot.

"Oo."

"Sino?" tanong niya.

Pumikit ako ng mariin bago nagsalita ulit.

"Hindi ko kilala. But he seems to be from a wealthy family." I told her.

"Gwapo ba?" humalakhak siya.

I bit my lower lip to stop myself from smiling.

"Sakto lang." mahinang sagot ko.

"Weh?" tumawa siya.

"Oo na! Gwapo siya, so? I don't like him." napairap ako sa kawalan.

She chuckled.

"Wala naman akong sinasabi na gusto mo. Ikaw ha, nahahalata na kita." mas lalo siyang tumawa.

"Oh shut up, Devougre Hesiah." I rolled my eyes kahit na hindi niya naman makikita 'yon.

"Tumitibok na naman ba ang marupok mong puso, Devougne Hasiah?" tudyo niya.

"Hindi, okay? Ayoko na ng ganon." I scoffed.

"Anong ayaw mo na, gaga ka ba! Ano tatanda kang mag-isa?" humalakhak siya.

"Kung kinakailangan aba edi mas mabuti!" sagot ko.

"Oh baka naman mahal mo parin si Kyvex kaya ganyan ka magsalita." tumili siya.

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Mahal ko parin ba talaga? Napapikit ako saka umiling. Malalim akong bumuntong hininga. Tumigil ka Devougne, hindi mo deserve ang duwag na katulad niya.

"I'm sorry."

Natauhan ako ng marinig ang malungkot na boses ng aking kakambal.

"Why are you saying sorry?" I asked softly.

"Because I mentioned him. Alam ko na ayaw mo pag binabanggit ang pangalan niya pero inaasar pa kita." bakas sa boses niya ang pagsisisi.

I chuckled.

"Gaga, ayos lang. Naka move on na ako, Vougre. It's been 6 years, ang tagal na din." ani ko.

"Ang tagal na nga pero hindi mo parin kayang maghanap ng iba." bulong niya na narinig ko naman.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon