Chapter 26

3.6K 91 12
                                    

"Are we good?" he asked, holding my hand.

"I guess."

Bumuntong-hininga siya saka ako hinila upang yakapin.

"I love you." he whispered.

"I know, Ky."

"I love you." ulit niya.

"Oo nga alam ko."

"I love you, baby."

I sighed heavily.

"I love you too." I whispered.

"Are we good?"

He groaned when I pushed him a little. Kumawala ako sa yakap niya at medyo lumayo sakanya.

"Uuwi na ako. And you, pumunta ka na sa site." I told him.

Umiling siya at muling hinawakan ang kamay ko.

"Okay na tayo diba?"

I looked away. Okay na sana kami.

"Alam niya ba na may girlfriend ka?" I asked.

"Oo." sagot niya.

"Kailan?"

"Noong nagkabalikan tayo."

I sighed.

"Gusto ka niya." sabi ko.

Mukhang hindi na siya nagulat don.

"I know." mahinang sagot niya.

"Kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sakanya?"

"Devougne!"

Mukhang hindi niya nagustohan ang tanong ko.

"Hanggang kailan mo pagdududahan ang pagmamahal ko sayo?"

"Hindi ko alam, Kyvex." sagot ko.

"Vougne, kaibigan ko lang siya. I don't have any romantic feelings for her. She is a friend and she will remain as friend." giit niya.

"Hindi ako komportable, Kyvex! Mababaliw ako kakaisip na sa araw-araw ay kasama mo ang babaeng yun."

Baka magustohan mo siya! Baka mas better siya sakin. Baka mas deserving siya sayo!

"Then ano ang gusto mong gawin ko? Iwasan siya? Hindi ko lang siya basta kaibigan, Devougne. Katrabaho ko din siya! Hindi mo ba naiintindihan yun?" he pleaded.

I chuckled sarcastically.

"Hindi ko naiintindihan."

Bigo ang itsura niya habang nakatitig sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na matagalan ang titig niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang takot ako. Kung bakit sobrang threatened ko sa babaeng yun. Siguro dahil alam ko sa sarili ko na kahit ano mang oras ay posibling mawala siya sa akin.

"Baby, please understand. Kahit ngayon lang, intindihin mo naman ako." pakiusap niya.

"Uuwi na ako."

Huminga ako ng malalim at naglakad palapit sa pinto. Hindi ko pa nakakalabit ang door lock ng yakapin niya ako galing sa likod.

"Trust me, Vougne. Ikaw lang ang mahal ko."

"I'm scared, Ky. Inaamin ko she's pretty." mapait na sambit ko.

"You're the prettiest for me."

I bit my lower lip as tears fell from my eyes.

"Palagi mo siyang nakakasama." nabasag ang boses ko.

"Ikaw lang ang gusto kong makasama." malambing na aniya.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon