Chapter 9

5.1K 126 40
                                    

Tahimik lang ako habang hila-hila ni Kyvex. Ilang beses akong bumuntong-hininga dahil sa kaba. Hindi ko alam kung paanong nakita niya kami ni Ovexus. And damn may isa pang problema! Paano kong nakita niya ang kinain namin? God, lagot ako!

Napatigil ako ng bigla siyang tumigil. Malamig ang tingin niya sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan. Ano bang kinakagalit niya? Wala naman kaming ginagawang masama ng kuya niya!

"What?" naiinis na tanong ko.

He sighed harshly.

"At ikaw pa ang naiinis ngayon?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Ano ba kasi ang problema mo?" tanong ko.

"Why are you with him?" seryosong tanong ko.

"Bakit hindi ba pwede?" kumunot ang noo ko.

"Tinatanong pa ba yan?" naiinis na sagot niya.

"Wala kaming ginagawang masama ni Ovexus. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang inaasta mo." ani ko.

"For god's sake, call him kuya!" he gritted his teeth.

"He's just two years older than me, Kyvex." I told him.

"Kahit na, mas matanda parin siya." aniya.

"You're being unreasonable." kumunot ang noo ko.

"And I'm jealous." ngumuso siya.

"You just told him that you don't get jealous."

"Of course that's a lie!" he hissed.

I bit my lower lip to stop myself from grinning. Mas lalo siyang ngumuso ng makita ang pagpipigil ko ng ngiti.

"Why are you jealous huh? He's your kuya, Ky." ngumiwi ako.

"And you're laughing with him." he said bitterly.

"Am I not supposed to laugh with other guy now?" I asked.

He looked away.

"Pwede bang sakin ka lang tumawa at ngumiti?" mahinang aniya.

"You know that's impossible, Kyvex." I said honestly.

Nilingon niya ako habang nakakunot ang kilay.

"Make it possible." he told me.

"Baliw ka ba?" umawang ang labi ko.

"Baliw na baliw. Dati pa." bulong niya na hindi ko narinig.

"Pardon?" I raised my brow.

"Wala. Umuwi na tayo." he tsked.

Habang nasa sasakyan ay nanatili akong tahimik. Hindi din naman siya nagsasalita at seryoso lang nakatingin sa daan. Simula ng pumasok kami sa sasakyan ay hindi niya na ako sinulyapan. Nakanguso ako habang tinitignan siya.

Somehow nakalimutan ko kung ano ba talaga ang nangyari sa amin. Parang bumabalik yung pakiramdam na masigla ang puso ko lalo na pag kasama siya. Pero may takot din dahil alam kong nagsisinungaling ako sakanya.

"Si Kyvex tahimik lang." kanta ko.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Nakagat ko ang labi dahil sa nagawa. Napapikit ako habang tahamik na nagdadasal na hindi niya narinig 'yon. Years ago, lagi ko yang kinakanta pag naiirita siya sa akin at hindi ako pinapansin. Old habits die hard I guess.

"Sing it again." he said seriously.

"Ha?" kunware ay hindi ko magets.

"Sing it again." ulit niya.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon