She's pretty.
I smirked as I continue stealing glances at her. Thank god mom and dad forced me to join them. If they did not pursued me, I would've not seen such a beautiful girl. Her family and mine are close friends. Every december 23, nagcecelebrate ang family namin. Nasa isang beach resort kami ngayon.
She's cute.
My lips parted in amusement when she started pouting. It looks like she is arguing with her twin sister. They look a like a lot, but there is something in her that makes her more special in my eyes.
"Stop looking at her."
It was kuya Ovexus. Siniko niya pa ako.
"What's your problem?" I rolled my eyes.
"You've been staring at them for a while now. Stop it." he warned me.
"What do you mean by staring at them? I am not!"
"I saw you." he glared at me.
"Whatever. Don't talk to me."
Lumayo ako kay kuya dahil masyado siyang epal. Hindi ko naman siya pinapakialaman pero masyado siyang pakialamero.
I stopped walking when she ran towards me. Hindi ako makapagsalita at natulala nalang. Muntik siyang mabunggo sa akin buti nalang at nahawakan ko siya sa kamay.
"Are you okay?" I asked her.
When her eyes met mine, I stilled for a second. She is breathtaking! Alam kong maganda siya dahil ilang minuto ko na siyang tinititigan pero iba pala ang ganda niya sa malapitan.
"I'm fine. Pasensya muntik na akong mabunggo sayo." she said cutely.
I can't help but chuckled.
"Okay lang. Pero mas mabuti kung mahulog ka sakin." sabi ko, nagyayabang ng kunti.
But she is as innocent as angel. Malamang, hindi niya ako magegets!
"Bad ka! Bakit mo naman ako gustong mahulog sayo?"
Umawang ang labi ko. Hindi ko alam tatawanan ko ba siya o ano. Pero dahil pabibo ako tinawanan ko siya.
"How old are you, baby girl?" I asked playfully.
Sinamaan niya ako ng tingin bago sumagot.
"I'm nine years old!" maarteng sagot niya.
Mas lalo lang akong napangiti ng irapan niya ako. Ang ganda niya naman mag taray. Imbes mainis ako, mas lalo ko lang siyang nagugustohan.
"I'm ten years old." sabi ko.
Umismid siya sa akin bago umiling. Ilang beses niya pa akong inirapan bago siya sumagot.
"Hey, I'm not asking you."
Hindi ko napigilan ang matawa. Ang taray taray ah, ang liit naman. Ngumisi ako at mas lumapit sakanya. Sinamaan niya ako ng tingin at humakbang palayo.
"Maldita... yan ang mga gusto ko."
Umasim ang mukha niya at namewang.
"You're just ten pero ang landi mo na. You're not even gwapo. Mas gwapo ang kuya mo!" she rolled her eyes before walking away.
Dahil sa sinabi niya, mas lalo lang akong naaasar kay kuya. Sa tuwing makikita ko ang mukha niya ay nagagalit ako. Hindi ko matanggap ang sinabi ng babaeng yun.
December 23 of 2002, I've met the most beautiful girl I've ever seen.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hanggang sa naiinis nalang ako sa mundo. Bakit ang tagal mag december. Isang beses sa isang taon ko na nga lang siya nakikita. Naiinis ako.
BINABASA MO ANG
Untamable (COMPLETED)
Romance"You tamed me." Started: June 9, 2022 Ended: August 8, 2022