Chapter 10

5.1K 117 22
                                    

"Oh magkasama pala kayo."

Namamanghang sabi ni mommy ng makapasok kami sa bahay. Siya ang sumalubong sa amin ni Kyvex. Hindi ko rin inaasahan dahil ang akala ko ay may duty siya ngayon.

"Tita Delancy hinatid ko lang..." sagot niya kay mommy.

Ngumisi lang si mommy saka tumango. Kinindatan niya pa ako bago siya umalis. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin. Nang balingan ko si Kyvex ay may tinatagong ngiti siya sa labi.

"What's happening?" tanong ko.

"Wala." ngumiti siya.

"Okay. Ang weird niyo." ngumiwi ako.

He chuckled.

"Let's go to your room."

"Ha?" gulat na ani ko.

"What? Ihahatid kita sa kwarto mo." ngumuso siya.

"I can manage!" kinakabahang sagot ko.

"Don't worry I won't do anything. Nasa bahay tayo ng parents mo, I respect them as much as I respect you." he smiled softly.

Napangiti ako sa sinabi niya. Marahan akong tumango saka siya hinila paakyat sa kwarto ko. Nang makarating kami sa tapat ng pinto ay binitawan ko ang kamay niya.

"Gusto mong pumasok?" tanong ko.

Ilang segundo niyang tinignan ang pinto bago ibinalik sa akin ang tingin. Malakas siyang bumuntong-hininga bago umiling sa akin.

"Hindi na."

"Bakit ayaw mo?" I asked him.

"Baka hindi ko kayanin lumabas." he chuckled.

"Baliw!" tumawa ako.

"Pumasok ka na." aniya.

"Sure ka hindi ka talaga papasok?" tumikwas ang kilay ko.

Tumango siya. Binuksan ko ang pinto at saka pumasok. Hindi ko muna sinara ng makita ko ang titig niya sa akin. Ngumuso ako dahilan para mag-iwas siya ng tingin.

"I need to go." sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Okay. Ingat ka, Ky."

"Bye, baby." he said softly before kissing my forehead.

Kumaway siya sa akin bago tuluyang bumaba. Hindi ko napigilan ang ngiting kumawala sa aking labi. Agad kong sinarado ang pinto at halos tumalon pahiga sa kama ko dahil sa saya.

Wala ka paring kupas, Kyvex. Nakakapanghina parin ang ngiti mo. Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng maalala ang maamo niyang mukha. Kabaliktaran ng kay Ovexus. Kyvex face is a soft one while Ovexus is rough.

Kyvex has thick eyebrows, red lips, pointed nose and fair skin. Singkit ang kanyang mata na pag siya ay tumatawa ay nawawala. He is a chinito and not to mention he is 6'1. When you look at him, it's like seeing an angel sent from heaven.

Ovexus and Ky almost had the same features. Singkit ang mata, thick eyebrows, red lips and pointed nose. Same as Kyvex he is also 6'1. The only difference is Ovexus is moreno. And he looked like a hot devil. Dark and hard.

Napailing ako ng maalala ang sagutan nila kanina. Hindi ko parin alam kung paanong nalaman ni Kyvex na magkasama kami ni Ovexus. Hindi niya naman pinagseselosan si Ovexus dati. Like what he said, he don't get jealous. And it's true kasi ni minsan ay hindi siya nagreklamo sa akin. Or maybe kaya hindi siya nagrereklamo kasi hindi ko naman siya binibigyan ng dahilan para magselos. Palagi kong sinisigurado na siya ang mahal ko kahit na itinago ko siya sa lahat maliban sa kakambal ko at sa kapatid niya.

Alam ko kung gaano ako kamahal ni Kyvex dati. Kung gaano niya ako inintindi. Kahit isang beses ay hindi kami nag away dahil sa babae. Hindi niya pinaparamdam sa akin na may iba. He is always that soft, understanding, loving and caring boyfriend. Until he lost it.

Sa isang iglap nagbago ang lahat. Noong una hindi ko maintindihan kasi okay naman kami. Bakit biglang nagkaganito? Bakit nagbago? Tapos sinabi niya sa akin kung bakit siya napapagod. Gusto kong intindihin pero hindi ko magawa.

We started our relationship when I was 17 and he is 18. He ended our relationship when I was 22 and he is 23. And now that I am 28, I am still fucking stuck with him. Siya parin. Walang papantay. Walang papalit.

Sa limang taong relasyon namin, hindi ko nagawang sabihin sa pamilya ko ang tungkol sakanya. While the first day I said yes to him, pinakilala niya agad ako sa buong pamilya niya. A part of me understand his reason. Hindi ko lang talaga kayang tanggapin ng buo. Kasi baka tama si Devougre. Baka hindi ko lang matanggap na ako ang mali.

My lola Yara and lolo Lian always remind us to focus first on our study. Same as my tito and tita. Walang araw na hindi pinapaalala ni lolo at lola na unahin ang pag aaral namin dahil darating din naman ang tamang panahon para sa pag-ibig. Naiintindihan ko naman kung bakit sila ganon mag-isip. Lola Yara got pregnant when she was 15, si lolo naman ay 16 sa panahong 'yon. Kaya ganon nalang sila kahigpit sa amin dahil ayaw nilang maulit ang maling nagawa nila.

The reason why I was so scared to tell them about my relationship with Kyvex. Kasi hindi pa ako nakapagtapos ng pag-aaral. Hindi pa ako doctor. Kakagraduate ko lang sa pre-med course ko ng hilingin ni Kyvex na ipakilala ko siya sa pamilya ko. Natakot ako.

Kasi alam kong hindi sasang ayon si lolo at lola. At hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ang desisyon nila kasi pamilya ko sila. Hindi sila nagkulang ng pagmamahal sa amin. I don't want to be ungrateful.

And in exchange, I lost Kyvex. I lost the love of my life. I lost my partner. I lost my bestfriend.

I blamed him for ending our relationship. Galit ako dahil bumitaw siya. Galit na galit ako dahil hindi niya pinaglaban ang relasyon namin. Galit na galit ako dahil hindi niya maintindihan kung bakit hindi pwede.

Sakanya ko binuhos lahat ng sisi sa nakalipas na anim na taon. Kasi yun lang ang paraan para mabawasan ang bigat sa puso ko. Para hindi ko maisip na baka hindi talaga siya ang mali. Baka ayaw ko lang tanggapin na dahil sa akin, kaya kami nasira. Kaya kami natapos.

Lumaki ako na sigurado lagi sa desisyon. Lumaki akong palaging tama. Kaya akala ko, tama ang naging desisyon ko sa relasyon namin. I started questioning myself when he left me. I started using the word what if.

What if pinakilala ko siya sa pamilya ko? What if pinaglaban ko ang relasyon namin? What if siya naman ang inintindi ko?

Ang dami kong what ifs. But it never change anything. Nawala na si Kyvex sa akin. And it took him 6 years bago bumalik. Pero hindi para sa akin. Bumalik siya para pakasalan ang kakambal ko.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon