"Ky, where are you?"
Ilang sandali siyang natahimik bago sumagot. Katawagan ko siya ngayon.
"Office. I'm sorry baby, I'm kinda busy right now."
Tumango ako kahit na hindi niya naman makikita yun.
"I understand. But can you come here if you're free? I miss you." paglalambing ko.
"Of course, baby. I miss you too." he whispered.
"Alright. See you later."
"See you, baby." he ended the call after that.
It's been one week since Devougre's accident. Hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising. And I also haven't told Kyvex about my pregnancy.
Lately, he was always busy. Ilang minuto ko lang siyang nakakausap ay pinapatay niya na agad. Iniintindi ko nalang kahit nakakainit ng ulo.
Nilingon ko si Devougre na hanggang ngayon wala paring malay. I sighed heavily. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Vougre, gumising ka na. Hindi ka ba napapagod kakapikit." pagbibiro ko.
"May ibabalita sana ako sayo. For sure, ikaw ang magiging pinakamasaya para sakin."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Ang bigat-bigat sa dibdib makita siyang nakaratay dito at walang malay.
"Hindi na ako maiinggit sayo. Vougre, may tatawag narin saking mommy."
I smiled softly at her.
"Hindi ko na kailangan makihati sayo. Kaya gumising kana please, kailangan nating mag celebrate. Miss na miss ka na namin. Alam mo ba, palaging malungkot ang mag-ama mo. Kailangan ka nila, Vougre."
Malungkot akong nakatingin sakanya. Hindi parin siya gumigising. Hindi ko alam kung ano ang kailangan pa naming gawin.
And about her accident. Tama ang hinala naming lahat. It was not a simple accident. May tao sa likod ng lahat ng ito. Patuloy parin sa pag iimbestiga si daddy at kuya. Tumulong nadin si Ovexus para mas mapabilis ang kaso.
Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari to sa kapatid ko. Imposibling may kaaway siya. She is very friendly. At kung meron man, ganon ba ka grabi ang galit niya at humantong sa ganito?
Dahil sa nangyari kay Devougre ay naglagay ng body guard si daddy sa amin. Lahat ng myembro ng pamilya ay may kanya-kanyang body guard. Ang hindi ko lang maunawaan ay bakit mas madami sa akin.
"Sana hindi tama ang hinala ko." mahinang sabi ni Ovexus.
"Pero paano kung tama ka? Paano kung hindi talaga si Devougre ang target? Paano kung nagkamali lang?" sagot ni kuya Deiv.
"Wala akong maisip kung sino ang posibling gumawa nito. Devougre is very friendly. At si Devougne naman ay bihira lang lumabas at makisalamuha. Sino naman ang magagalit sakanya?" litong tanong ni daddy.
Nasa labas sila ng room ni Devougre at nag-uusap. Marahil ay hindi nila napansin na nakalabas na ako at nakikinig sa usapan nila.
"Kumikilos na si Kyvex. Kailangan ko na lang ng go signal mula sakanya bago ituloy ang plano." seryosong sambit ni Ovexus.
Is that the reason why he is so busy right now?
Pero hindi ko maintindihan. Kyvex is an engineer, anong matutulong niya sa kaso?
"What if mali tayo?" kuya Deiv asked in a low voice.
"Edi mas mabuti. Kasi pag napatunayan ko na may kinalaman siya dito, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sakanya." malamig na sagot ni Ovexus.
Sino ang tinutukoy niya? Wala akong maintindihan!
"Devougne!"
It was daddy who called me.
Nang lingonin ako ng dalawa ay nagulat sila. Kumunot ang noo ko saka marahang naglakad palapit sakanila.
"May lead na ba kung sino ang gumawa nito?" tanong ko.
"Kanina ka pa ba dyan?" kuya asked.
Umiling ako.
"Kakalabas ko lang nong tinawag ako ni daddy." pagsisinungaling ko.
"Wala pang lead." sabi ni daddy.
"Tingin niyo ba... si Devougre talaga ang target?" hindi ko napigilang tanong.
Hindi nakatakas sa akin ang pasimple nilang tinginan. I sighed heavily. Mukhang alam ko na ang sagot kahit hindi pa nila sagotin.
"Wag mo na masyadong isipin yun. Kami na ang bahala. Just be careful, princess." daddy gave me a smile.
I nodded at them.
"I need to go. May duty ako mamaya." paalam ko.
Nang tumango sila sa akin ay agad akong naglakad paalis. Hanggang sa makarating ako sa office ay wala ako sa sarili.
Muntik na akong napasigaw ng may humawak sa aking balikat. Sapo ko ang dibdib ng makitang si Doc Salvado lang pala yun.
"Doc!" gulat na sambit ko.
"Are you okay? You look nervous." aniya.
"Okay lang ako, Doc. Nag-aalala lang ako para sa kapatid ko." ngumiti ako.
He smiled at me before taking a step closer. Marahan niyang hinawakan ang balikat ko at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.
"You should be more careful, Devougne."
Umawang ang labi ko.
"What do you mean, Doc?" tanong ko.
Saglit siyang nag-isip bago umiling sa akin. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya.
"Wala naman." ngumiti siya saka umalis.
Habang pinagmamasdan ang likod niya ay hindi ko maiwasan ang matakot. Hindi lang para sa sarili ko kung hindi pati narin sa baby ko.
Hindi pwedeng may mangyaring masama sa akin. Hindi lang buhay ko ang nasa katawan ko ngayon. Pati narin ang buhay ng magiging anak ko.
Pumasok ako sa office at agad na umupo. Sinandal ko ang ulo at hindi mapigilang isipin ang lahat ng nangyari. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.
Nang tumunog ang cellphone ko ay doon lang naputol ang iniisip ko. Sa pag-aakalang si Kyvex ang tumawag ay walang sabing sinagot ko ito.
"Yes, love?" I answered sweetly.
"Hmm... that's nice to hear."
Kinilabutan ako sa boses na narinig. Boses ito ng lalaki at nakakatakot. Malaki ang boses nito. Gulat kong tinignan ang phone at nanginig sa takot ng makitang hindi si Kyvex ang tumawag.
"Sino ka?" tanong ko.
"Hindi mo na kailangang malaman." humalakhak ito na parang demonyo.
"Ano ang kailangan mo sakin?" matigas na tanong ko.
"Stay away from him, Doc." may babala sa boses nito.
"Ano ba ang sinasabi mo?"
"Stay. Away. From. Him." ulit nito.
"Sino ang tinutukoy mo?" kinakabahang tanong ko.
"Bahala ka na kung sino ang isipin mo. Basta layuan mo siya. Kung ayaw mong mapahamak ang mga mahal mo sa buhay."
"Sino ka ba huh? Ano ba ang kailangan mo?!" tumaas ang boses ko.
Napapikit ako ng tumawa ito. Nanginginig na ako sa takot.
"Stay away from him, alright? Kung ayaw mong ibunyag ko ang ginawa mo 6 years ago."
Nabitawan ko ang cellphone sa takot at gulat. Anong alam niya sa ginawa ko? Paanong nalaman niya? Sino siya?
BINABASA MO ANG
Untamable (COMPLETED)
Romansa"You tamed me." Started: June 9, 2022 Ended: August 8, 2022