Chapter 14

5K 136 39
                                    

"Ha?"

Nalaglag ang panga ko habang nakatingin sakanya. So all this time alam niya?

"You knew?"

Tipid siyang ngumisi saka marahang hinalikan ang aking kamay.

"Family dinner. When I saw the shock in your face, nagduda na ako. Nakumpirma ko lang ng makalapit ka sakin. I memorized your scent, Vougne. You can't fool me." he shrugged, nagyayabang.

"Pero bakit hinayaan mo akong ipagpatuloy ang pagpapanggap gayong alam mo na naman pala?" I said breathily.

"Dahil gusto kitang makasama."

I bit my lower lip as I looked away. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung maramdaman.

"I remember you called me by my sister's name when you kissed me. Siya ba ang iniisip mo habang hinahalikan ako?" hindi ko napigilang usal.

"No, the fuck! I just want to see your reaction that's why."

Nilingon ko siya.

"You're not mad at me?" my eyes furrowed.

"I was." he answered seriously.

"Was?"

"I realized how wrong I am, Devougne. I'm an asshole for forcing you to introduce me to your parents."

Pain stroked my heart. His bloodshot eyes are telling me how he regret everything.

"I was at fault too, Ky. I kept you in the dark that it made you feel like I am not proud of you." I whispered painfully.

Umiling siya saka marahang hinawakan ang aking pisnge.

"I should have understand you more. Kung nag antay lang ako, hindi sana tayo nagkasakitan." nabasag ang boses niya.

"You waited for five years." my voice cracked.

Yumuko siya sa sinabi ko.

"Ang tagal mong naghintay, Kyvex." I added.

"It's not enough, baby. I should have waited until you become a doctor... If I did maybe we didn't drifted ways." tears fall from his eyes.

"Hindi Kyvex... If I was only brave enough to tell my family about our relationship, hindi ka sana napagod kakahintay. Hindi mo sana ako sinukuan." nanginig ang boses ko.

"It's my fault, Vougne. Ang babaw ng dahilan ko. Binitawan kita agad."

Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin. Tumulo ang luha ko ng makita kong gaano siya nasasaktan. Kung gaano kalungkot ang mga mata niya.

"I'm sorry kasi sinisi kita... I'm sorry kasi paulit-ulit kong sinabi sayo na ang babaw mo. Nagkamali ako, Ky. Maling-mali ako, love." I cried harder.

"Pero sumuko ako, Vougne. Iniwan kita ng mapagod ako. Kung sana pinili ko nalang na magpahinga... tapos lumaban ulit. Kung hindi lang sana sarili ko ang iniisip ko. Kung sana inisip ko din ang nararamdaman mo. I failed, baby. I failed to protect our love like what I promised when I was still courting you." malungkot niyang wika.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Humagulgol ako ng yakapin niya ako pabalik. Hindi ko inisip ang nararamdaman niya dati. Dahil gaya niya, sarili ko lang din ang iniisip ko. It's not just him who failed to protect our love, I failed too.

"It hurts, Ky. When you let go of me. Ang sakit-sakit kasi tingin ko ang dali lang sayo na bitawan ako. I was blinded by my own pain that I forgot yours. Hindi ko naisip na hindi lang pala ako ang nasasaktan. You failed to protect our love because you're protecting it alone. Na tayong dalawa sana pero... hindi ko nagawa." sabi ko.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon