Chapter 21

3.7K 102 18
                                    

"I have a boyfriend, Doc."

Seryosong sambit ko sabay layo ng kamay ko.

"I know. You introduced him to me." he said.

"You like me." I pointed out.

Nagbaba siya ng tingin kasabay ng pag buntong-hininga.

"I love you." he whispered.

My lips parted.

"I'm sorry, Doc Salvado."

He looked at me and smiled a bit.

"I understand, Devougne. You don't have to say sorry. You are not obligate to love me back."

I nodded before looking away.

"Kailan pa?" tanong ko.

"It started three years ago." he chuckled.

"Ano ang nagustohan mo sakin?"

Nilingon niya ako at saka tipid na ngumiti.

"Ask your boyfriend. I'm sure we have the same answer."

Tinapik niya ang balikat ko saka naglakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin. Wala akong masyadong kaibigan. Isa si Doc Salvado sa taong malapit sa akin. Pero dahil sa nangyari ngayong araw, baka magbago ang pakikitungo niya sa akin.

I sighed heavily. Pumasok ako sa opisina at agad umupo sa upuan. I checked my phone and slightly bit my lip when I only saw one missed call from Kyvex. He must be busy.

Inalis ko sa isipin ang nangyari kaninang umaga at nag focus sa trabaho. Mabuti nalang at hindi masyadong hectic ang schedule ko ngayong araw.

Alas dose ng bumaba ako para kumain sa canteen. Wala akong gana pero kailangan ko paring kumain. Nang matapos ay agad din naman akong bumalik sa opisina.

I froze when I saw Kyvex standing near my office. Nakapikit siya at mukhang pagod na pagod. Huminga ako ng malalim bago naglakad palapit sakanya.

"Kyvex." I called.

Lumingon siya sa akin sabay buntong hininga.

"About what happened this morning, I'm sorry."

I nodded.

"Sino yun?" I asked.

"A friend."

"Bakit magkasama kayo ng ganon ka aga?"

Bumuntong-hininga siya at saka lumapit sa akin.

"She is also an engineer."

"Tapos?" pagak akong natawa.

"Obviously, we are working Vougne!" aniya, naiirita.

I chuckled sarcastically.

"Working? At seven in the morning? Mukhang hindi trabaho ang inaatupag niyo base sa narinig ko."

Dumilim ang mukha niya. Umatras siya ng kunti at tinalikuran ako. I remain calm kahit taliwas sa pinapakita ko ang gusto kong gawin. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong magalit.

"Nasa hotel kami---"

"Ah nasa hotel kayo?!" tumaas ang boses ko.

"Can you please let me finish?!"

"Stop! Ayoko ng marinig. Umalis ka nalang." nanginig ang boses ko.

"It's not what you think, Devougne! Hindi lang kaming dalawa ang nasa hotel. Andon din ang ibang katrabaho namin." he said, frustrated.

"Leave, Kyvex." I said coldly.

"If you only answer my call, sana mas maaga akong nakapag paliwanag!"

Tinignan ko siya sa mata. Kitang kita ko ang pagod sa itsura niya. Hindi ko alam kung saan siya pagod. Sa trabaho niya ba o sakin.

"Nakakairita ka!" I shouted in frustration.

"Oh god, I am not cheating on you!"

"Okay, Vex." I mocked.

Tinalikuran ko siya at agad pumasok sa opisina ko. Hindi pa ako nakakaupo ng hilahin niya ako palapit sakanya.

"Kung gusto mo, pumunta ka sa site. I will introduce you to her. Stop doubting my love for you, please?" he whispered.

"I'm busy." I bit my lower lip.

"Palagi naman." sagot niya.

Nang lingonin ko siya ay naglalakad na siya paalis ng opisina ko. Nanghihinang napaupo ako sa aking upuan. What the hell is happening to you Devougne? Si Kyvex ang boyfriend mo! Si Kyvex!

Si Kyvex na ni minsan ay hindi pinaramdam sayo na may iba. Si Kyvex na mula noon, ikaw lang ang nakikita. Si Kyvex na walang ibang pinapahalagahan kundi ikaw.

May tiwala naman ako sakanya. Sadyang hindi ko lang maalis sa isipan ko ang narinig kanina. She called him Vex. They must be close. And that hurts me a lot. Kasi ako lang naman ang babaeng malapit sakanya noon, bakit ngayon may iba na.

Pinairal ko ang pride ko. Hanggang sa natapos ang shift ko ay hindi ko siya tinawagan o kaya tinext. Hindi ko rin chineck ang phone ko dahil alam kong wala din namang text o tawag galing sakanya.

Umuwi ako sa bahay pasado alas dies ng gabi. Dumiretso agad ako sa kitchen dahil hindi pa ako nakakapag dinner. Kinuha ko ang gatas at nilagay sa baso. Ininit ko din ang spicy chicken at saka kumuha ng kanin.

Tahimik lang akong kumakain sa lamesa ng may narinig akong naglalakad palapit. Nagulat ako ng makita si Devougre na mugto ang mata. Agad akong tumayo at nilapitan siya. Kung hindi ako lumapit ay hindi niya ako mapapansin.

"Vougre!" ani ko sabay hawak sa kamay niya.

Gulat siyang napalingon sa akin. Mukhang hindi niya inaasahan na makikita niya ako.

"Vougne, kakauwi mo lang?"

"Yes. Are you okay?" I asked.

She chuckled.

"Oo naman."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Wait here." sambit ko.

Binalikan ko ang pagkain at agad niligpit. Pagkatapos uminom ng tubig ay nilapitan ko siya at hinala papunta sa sala. Nang makaupo ay hinarap ko siya para tanongin.

"Ano ang nangyari? Umiiyak ka?"

She looked at me sadly. I panicked when she cried so much. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin kaya niyakap ko nalang siya.

"Tahan na, iiyak mo lang. Nandito lang ako." bulong ko.

"Mahal ko siya, Vougne." humagulgol siya.

I sighed heavily.

"Alam ko, kahit hindi mo aminin."

"I saw him sa club. May kasama siyang babae. They look so happy while dancing! Tapos nong nakita niya ako, biglang naglaho ang ngiti niya." humikbi siya.

"Umalis siya agad ng makita ako kaya sinundan ko siya. I ran after him only to see him kissing someone else!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Marahan kong hinawakan ang buhok niya. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng kapatid ko. Siya ang tipo ng tao na hindi umiiyak. Pero umiyak siya, ibig sabihin non sobrang sakit na talaga.

"Nakatingin siya sa akin, Vougne. Habang hinahalikan niya ang babaeng yun, nasa akin ang tingin niya." nanginig ang boses niya.

"He was torturing me! Alam na alam niya talaga kung paano ako sasaktan. Ang sakit-sakit makita na hawak siya ng iba."

A tear fell from my eyes.

"Kambal nga tayo." bulong ko.

___________________________________________________________
Mamaya ulit charot HAHAHAHAHA Hindi ako sure basta surprise nalang HAHAHAHAHAHAHAHAHA

May tanong ako sagutin niyo ha, kilala niyo ba kung sino ang guy na mahal ni Devougre? HAHAHAHAHAHA

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon