Hanggang sa matapos ang duty ko ay wala ako sa sarili. Puno ng pangamba at takot ang puso ko. Wala akong maisip kung sino ang nasa likod nito.
Tulala akong naglalakad hanggang sa makarating sa basement ng hospital kung nasaan naka park ang kotse ko.
Hindi ko maintindihan kong bakit pakiramdam ko kinikilabutan ako. Para bang may nagmamatyag sa akin. Nilibot ko ang tingin pero wala naman akong makita.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko at saka naglakad ulit papunta sa sasakyan ko. Medyo malayo pa ako.
Napatigil ako at nilingon ang likuran ng maramdamang may sumusunod sa akin. Mas binilisan ko ang lakad at agad lumiko para magtago.
Nang papalapit na sa akin ang yapak ay saka ako biglang lumabas para makita kung sino ito. Umawang ang labi ko ng makilala kung sino.
"Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko.
Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.
"I just want to make sure you're safe." aniya sa mahinang boses.
"You're creeping me out, Doc Salvado!"
He sighed heavily. Nang maglakad siya palapit sa akin ay agad akong umatras.
"Wag mo akong lapitan!" sigaw ko.
Tinignan niya ang buong lugar bago ibalik sa akin ang tingin.
"Hindi kita sasaktan." may diin sa salitang binitawan niya.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin sakanya. Naghahandang umatras kung sakaling lalapit siya.
"Don't come near me!"
"Calm down, I'm begging you. Hindi ako lalapit sayo. I just really want to make sure na okay ka lang." pakiusap niya.
"Wag mo na akong susundan ulit." matigas kong wika.
Tumango siya at agad akong tinalikuran. Sapo-sapo ko ang dibdib hanggang sa makasakay ako sa kotse. Nanginginig pa ako ng pinaandar ko ang sasakyan.
Habang nasa byahe ay sinubukan kong tawagan si Kyvex pero hindi siya sumasagot. Naiiyak na ako habang tinatawagan siya ulit.
After trying for five times, ibinaba ko ang cellphone. Dumiretso ako sa bahay. Nang makarating ay agad akong nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Nandito parin ang nararamdaman ko kanina. Ang pakiramdam na hinahabol ako.
Tinignan ko ang cellphone ng tumunog yun. It was a text message from unknown number.
"Stop calling him."
I bit my lower lip. Dahan-dahan kong nilapag ang baso dahil nanginginig na naman ako. Natatakot na ako ng sobra. Alam niya bawat kilos ko. Sino siya?
That night, natulog ako ng marami ang iniisip. I did not try to check my phone also. Natatakot ako at baka ano pa ang mabasa ko. Hindi ko na rin tinangkang tawagan si Kyvex. Hindi ko alam pero I have this feeling na hindi ko siya dapat tawagan.
Nang magising ako kinabukasan ay bumungad sa akin si Devy sa sala habang umiiyak. Nakayakap siya kay Ovexus, ayaw bumitaw.
"What happened?" tanong ko ng makalapit.
Tipid na ngumiti si Ovexus sa akin.
"May kailangan ako sa opisina. But she won't let me go." aniya.
Tumango ako at saka tinignan si Devy na pulang-pula ang mata.
"Baby Devy, do you want to hangout with mommy Vougne today?" I smiled at her.
Nilingon niya ang ama at saka binalik sa akin ang tingin.
"Your dad is busy today. He can't be with you. How about... going out with me?" I smiled softly.
Hindi parin siya nagsasalita kaya tinignan ko si Ovexus, nanghihingi ng tulong.
"Baby, mommy Vougne wants to be with you. Please?"
Tumango siya at saka bumitaw kay Ovexus. Nagpaalam ng maayos si Ovexus sakanya bago umalis. Nang makaalis ito ay kaming dalawa ni Devy nalang ang naiwan sa bahay. Mabuti nalang at wala akong duty ngayon.
"Baby, I want to eat some ice cream. How about you?" I smiled.
"I want ice cream too, mommy." she said shyly.
"Then let's have some ice cream!"
Dinala ko siya sa kwarto ko dahil magbibihis ako. Nang matapos ay siya naman ang binihisan ko. Hawak ko siya sa kamay habang naglalakad kami palabas ng bahay.
Last week, Ovexus introduced her to his whole family. They love her so much. Kyvex was so shock but he also adore her a lot.
Nasa sasakyan na kami habang nagmamaneho ako. Si Devy ay nasa passenger seat habang naglalaro sa ipad.
Sa likod ng sasakyan ko ay nakasunod ang body guard namin. Pinaalis ko sila kahapon na siyang pinagsisihan ko ng sobra.
But today, I can't risk it. Kasama ko si Devy. Hindi pwedeng may mangyari sa aming dalawa. Her safety is my top priority.
Nang makarating kami sa mall ay dumiretso kami sa ice cream shop. Hawak-hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami.
"Mommy, look oh nice dress!" aniya at itinuro ang isang pink na dress.
"It's cute. Do you want me to buy it?" I asked softly.
"Yes, I want mommy!" she giggled.
Nagtungo kami kung saan naroon ang dress. Napamangha ako ng makitang may pares ito. It's a pair of dress for a mother and daughter. I smiled while looking at it.
Tinawag ko ang saleslady at tinanong kung pwede bang isukat namin yun. Buti nalang at pwede kaya sinukat ko kay Devy ang dress.
"You look so pretty, love!" I smiled.
She smiled shyly.
"Thank you, mommy Vougne!"
Hinawakan ko ang pisnge niya at marahang pinisil.
"Mommy, you naman!"
I chuckled before nodding at her. Pumasok ako sa fitting room at sinuot ito. Nang makalabas ako ay nagtatatalon siya sa tuwa habang nakatingin sa akin.
"Ang pretty ng mommy ko!" she giggled.
I smiled painfully after hearing it. It feels so good at the same time it hurts. It always remind me of the past. Ang kamaliang ginawa ko. It keeps haunting me.
"You're silent, mommy. Are you okay?" she pouted a bit.
I smiled sweetly to assure her.
"Mommy is fine, love. Do you want some ice cream?"
"Yes!" tuwang-tuwang sagot niya.
Pagkatapos magbayad ay dumiretso na kami para pumunta sa ice cream shop. Pinagmasdan ko siya habang naglalakad kami. She looked so happy. I'm glad she's happy.
Nang lingonin niya ako ay binigyan ko siya ng malaking ngiti. Ngumuso siya sa akin, nagpapacute. I chuckled and give her a flying kiss.
"Love you, baby." I said.
"Love you too, mommy."
Nang makarating kami sa shop ay hinanapan ko siya agad ng table. Kampante akong iwan siya sa table dahil alam kung may body guard na nakabantay sa amin.
Bumalik ako sa table namin dala ang ice cream na inorder ko. Chocolate ice cream for me and strawberry ice cream for her.
Habang kumakain ako ng ice cream ay may nahagip ang mata ko. I tried to looked away dahil baka namamalikmata lang ako. Pero ng ibalik ko ang tingin ay mapait akong napangiti. Hindi ako namamalikmata. Sigurado ako sa nakita.
Kyvex is here. And he is holding Maria's hand.
BINABASA MO ANG
Untamable (COMPLETED)
Romance"You tamed me." Started: June 9, 2022 Ended: August 8, 2022