Chapter 19

4.1K 95 29
                                    

"Akala ko busy ka. Why are you here all of the sudden?" I asked him.

"Aren't you happy to see me?" he raised his brow.

I rolled my eyes.

"I am, of course. I'm just worried about your work. And also, I'm kinda busy Ky."

He pouted before pulling my hands and kissed it. I smiled at him.

"I owned the company." he chuckled.

"Kahit na. Ano nalang ang sasabihin ng mga empleyado mo?" ngumuso ako.

"They will understand. At isa pa, hindi naman nakakaepekto sa trabaho ko ang pagpunta sayo."

Bumuntong-hininga ako saka marahang tumango sakanya. Pasimple kong sinulyapan ang oras at napabuntong-hininga nalang ulit. Ilang minuto nalang ay may pasyente na ako.

Mukhang napansin niya ang pagsulyap ko sa oras dahil bigla siyang tumayo. Tumingala ako habang nakatingin sakanya.

"Bakit?" tanong ko.

"I need to go." he smiled a bit.

I sighed heavily.

"I'm sorry, Ky. I'm really busy." I bit my lower lip.

Umiling siya sabay hawak sa magkabila kong balikat.

"I understand, baby. See you later, alright?"

"Sure." I nodded.

"I love you." he whispered.

I grinned.

"I love you, love."

He chuckled before pulling me for a tight hug.

"I really need to go." he laughed.

"Yeah."

"See you later, baby."

Pinagmasdan ko siyang lumabas sa opisina ko. Ngumiti ako bago naupo muli sa aking upuan. Ilang minuto nalang ay darating na ang pasyente ko. Kyvex and I really need to adjust. Kailangan naming masanay na hindi palaging nagkikita. May kanya-kanya kaming trabaho na kailangang unahin.

Mahalaga ang trabaho ko. Bawat oras ay nasa kamay ko ang buhay ng tao. Hindi pwedeng maging pabaya ako. It's not easy to be a neurosurgeon.

Ilang sandali lang ay kumatok si nurse Ava para ipaalam sa akin na dumating na ang pasyente. Agad akong naghanda at saka lumabas ng opisina.

Nang makalabas ako ay bumungad sa akin ang magulang ng bata na kailangan kong operahan. Naiiyak ito habang puno ng pag-aalala ang mukha.

"Doc!"

"Doc, tulungan mo ang anak ko." humikbi ito.

"Doc, ang anak namin. Tulungan mo ang anak namin." pakiusap ng ama.

I give them a small smile.

"I can't promise anything. Pero isa lang ang sinisigurado ko, gagawin ko ang lahat para iligtas ang anak niyo."

"Salamat doc."

Marahan kong tinapik ang kanilang balikat saka naglakad papunta sa OR. Nang makapasok ako ay handa na si Doc Salvado at ang isa pa naming doctor na kasama.

Nang magsimula ang operasyon ay wala namang naging problema. Nang patapos na ay panatag ang loob ko. Pero hindi namin inaasahan ang mga nangyari. Tumunog ang electrocardiogram na ikinagulat naming lahat.

Lahat kami ay hindi inaasahan ang nangyari. Nang mag flatline ay agad kumilos si Doc Salvado para irevive ang pasyente. I thought it was a successful operation. Saan ako nagkamali?

"Time of death, 6:35pm."

A tear fell from my eyes. I failed. Anong nagawa kong mali?

Napalingon ako ng tapikon ako ni Doc Salvado. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Nagbaba ako ng tingin. Paano ko sasabihin ito sa mga magulang ng bata? I failed the operation.

"Hindi mo kasalanan, Doc. We did our best to save her."

"Alam na ba nang mga magulang ng bata?" I asked.

"Yes."

Napapikit ako saka huminga ng malalim. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Kakausapin ko sila." pumiyok ang boses ko.

"Let's talk to them together."

Tumango ako habang wala sa sarili. Nang makalabas kami ay bumungad sa amin ang umiiyak na magulang. Nang makita nila ako ay humagolgul sila.

"Doc, ang anak ko!"

"Doc, bakit hindi mo iniligtas ang anak ko?"

Nagbaba ako ng tingin. This is the first time that I failed the operation.

"I'm sorry. We did our best, ma'am, sir." nanghihinang sabi ko.

"Ang anak namin doc!"

"Ginawa na po namin ang lahat." ani ni Doc Salvado.

Halos hindi ko maalala kung paano ako nakarating sa opisina. Napalingon ako kay Doc Salvado na nakatingin lang sa akin. Bumuntong-hininga ako at saka marahang pumikit.

"Saan ako nagkamali, Doc?" I asked.

"This is the first time you failed an operation right? Doc Vougne, hindi natin hawak ang buhay nila. We tried our best to save her. You tried so hard. What happened is meant to happen."

Tumango ako sa sinabi niya.

"Alam ko. Hindi ko lang maintindihan. Wala namang mali sa ginawa natin. Bakit hindi naging okay?" kinagat ko ang labi.

Tumayo ako at saka naglakad palapit pintoan. Tumigil ako at saka nilingon si Doc Salvado. Puno ng pag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"I'm fine, Doc. Siguro masasanay din ako." nabasag ang boses ko.

Tumayo siya sa inuupuan niya at agad akong niyakap ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa kaya hindi ako makagalaw.

"I'm sorry, Devougne. I couldn't save her." he whispered.

Tumulo ang luha ko kasabay ng pagpikit ng mata ko. Hinayaan ko siyang yakapin ako dahil wala akong lakas para awatin siya. Alam kong dapat normal lang ito sa trabaho ko. Pero hindi ko maiwasan ang masaktan.

Ang batang inoperahan namin ay napakabata pa. She's just 9! Ang bata niya pa para mawala. Ang bata niya pa para hindi masilayan ang mundo. Ang mundong pinagkait ko ring makita ng anak ko.

Humagulgol ako sa bisig niya. Hindi lang dahil sa sakit na naramdaman kanina kung hindi dahil sa mga ala-alang bumalik sa akin. I am such a terrible person. I don't deserve to be a doctor. I don't deserve my profession.

I really had the guts to save other people's lives when I killed my own child years ago.

__________________________________________________________
Advance update? HAHAHAHAHA Anyways wala akong masyadong alam about hospital stuff, operation something o anything related sa pagiging doctor. So kung may mali man please feel free to educate me. Thank you!





Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon