Chapter 40

4.8K 118 24
                                    

I smiled while caressing my big tummy softly. I'm 8 months pregnant. Sobrang laki na ng tiyan ko. At masakit narin minsan pag gumagalaw ako.

Natawa ako ng mahina nang sumipa ito. Kahit masakit ay hindi non mapapantayan ang sayang nararamdaman ko. Hindi na ito isang panaginip. Totoo na ito.

For the past few months, natutonan kong patawarin ang sarili ko. Tinanggap ko ng buo ang pagkakamaling ginawa ko. Pinatawad ko ang sarili ko.

I just realized that life is short. Hindi mo alam kung kailan ka mawawala o ang mga taong mahalaga sa buhay mo. Gusto kong ipanganak ang anak ko ng wala akong galit sa sarili ko.

Gusto kong ibigay sa anak ko ang buo kong pagmamahal. Ayokong maramdaman nila na may kulang sakanila. Gusto kong ibigay ang lahat, hanggat makakaya ko.

Bago ko napatawad ang sarili ko, mahirap ang pinagdaanan ko. Pero sa tuwing maiisip ko ang bata sa sinapupunan ko, kahit mahirap, hindi ako sumuko.

My daughter, I'm sorry if I failed as your mother. But I promise you, I will take care of your siblings. Iingatan ko sila ng sobra. Kasi alam ko, yun din ang gusto mo. Alam kong napatawad mo na si Mommy.

Anak, kahit kailan ay hindi ka mawawala sa puso ko. Palagi kang may puwang dito. Mahal na mahal kita. Akala ko talaga, hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. But then someone pushed me to forgive myself.

Ang taong hindi ko inaasahang patatawarin din ako.

"Baby, why are you spacing out?" he whispered.

Niyakap niya ako galing sa likod pero tama lang na hindi maipit ang tiyan ko. Ngumuso ako saka umiling sakanya.

"Iniisip ko lang ang mga nangyari sa nakalipas na buwan. It felt so unreal."

Sinandal niya ang ulo sa aking leeg. Inaamoy-amoy niya ako habang ang isang kamay ay hinahaplos ang aking tiyan.

"I love you, Mrs. De Leon."

I smiled as I touched his face softly. Nakatalikod parin ako sakanya.

"Thank you for the unconditional love. Thank you, love. I love you so much."

Marahan niya akong hinarap sakanya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge bago ako pinatakan ng halik sa labi. I giggled.

"You're so adorable, Doc. Hindi ka pa nga nanganganak gusto na kitang buntisin ulit." ngumisi siya.

Umawang ang labi ko. Nag-iinit ang pisnge ko dahil sa hiya.

"Shut up, Engr. De Leon." inirapan ko siya.

"I love you, baby. Thank you for marrying me."

"No... Thank you, Kyvex. Thank you for loving me."

Your love saved our relationship.

PAALIS na ako ng may yumakap sa akin galing sa likod. Napahagulgol ako ng mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Umiiyak siya habang yakap-yakap ako.

"Where do you think you're going?"

"I'm sorry. I'm sorry. Love, I'm sorry." I cried so hard.

"Did I tell you to leave, Devougne? Did I tell you to leave me?!"

"No... you did not..." humikbi ako.

"Then why are you leaving me?" humikbi siya.

"Sinaktan kita Ky... anong gusto mong gawin ko?"

"Stay. Stay with me, Vougne." he whispered.

"Para saan pa? Hindi mo na ako kayang mahalin. Masasaktan lang natin ang isat-isa."

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon