Chapter 39

3.8K 92 9
                                    

Nagising ako ng maramdaman na may humahaplos sa pisnge ko. Minulat ko ang mata at nakita si Kyvex. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Bumalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari. Nanghihinang umupo ako sa kama. Paano ako napunta sa condo niya? Ang huling naaalala ko ay nakaupo ako sa buhangin habang umiiyak.

"Ky... anong ginagawa ko dito?"

"I brought you here."

I nodded. I tried to looked away. Pinipigilan ko ang luhang unti-unting nabubuo sa mga mata ko.

"Wala ka bang sasabihin sakin?" malamig na tanong niya.

Nilingon ko siya at agad nagbaba ng tingin. Nang iangat ko ang tingin para matignan siya ay binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Alam mo na. Sinabi niya na lahat. Wala na akong dapat pang sabihin."

Umalis ako sa kama niya at handa nang umalis sa kwarto ng magsalita siya.

"Wala akong pakialam sa sinabi niya. Kailangan kong marinig mula sayo ang lahat."

Humarap ako sakanya habang mapait siyang tinignan.

"Ano ba ang gusto mong marinig? Na pinalaglag ko ang anak natin?"

"V-Vougne... please, I need your explanation. Gusto kong maintindihan kung bakit mo nagawang... ipalaglag ang anak natin."

Humagulgol ako habang nakatingin sakanya.

"Pinalaglag ko ang anak natin. Pinatay ko siya! Tama si Maria, mamamatay tao ako!" I cried harder.

"Oo ginawa ko yun, pinalaglag ko. Pero Ky, pinagsisihan ko lahat. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Maaaring may alam si Maria pero wala siyang alam sa nararamdaman ko! Wala siyang alam kung paano ako naghirap!"

Hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa akin. Pinapakinggan lahat ng sinasabi ko.

"Tatlong taon, Kyvex!" humagulgol ako.

"Tatlong taon akong binabangungot! Hindi ako matahimik. Sa pag pikit ko ng aking mata, bumabalik sa akin lahat! Kung gaano ako kasamang tao, kung gaano ako kasamang ina!"

"Sa loob ng tatlong taon na yun, araw-araw akong nananaginip. Nasa madilim na kwarto ako kasama ang isang batang babae. Masama ang tingin niya sa akin! Galit siya sa akin! Kinamumuhian niya ako! Pero... hindi ko masisisi ang anak natin. Kasi kung galit siya sa akin... mas galit ako sa sarili ko. Kasi duwag ako, napakaduwag ko!" sigaw ko habang puno ng luha ang mukha.

"Blame me all you want, Ky. Hindi ako magagalit sayo, hindi ako magtatampo. Because I deserve more than your anger. Maiintindihan ko ang lahat ng mararamdaman mo kasi naramdaman ko din yan sa sarili ko."

Nagbaba ako ng tingin.

"I am not justifying my action, Ky. Gusto ko lang malaman mo na hindi ako naging masaya sa ginawa ko. Hanggang ngayon, wala akong ibang maramdaman kung hindi pagsisisi. Ang dami kong what ifs, Kyvex. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko na maibabalik ang anak natin." humikbi ako.

"I was 22, Kyvex! Wala akong alam sa pagiging ina. Bukod sa hindi pa ako handa ay natatakot ako. Dalawang buwan simula nong naghiwalay tayo ay nalaman ko na buntis ako. Takot na takot ako, Kyvex. Ni hindi kita mapakilala sa pamilya ko! Paano ko sasabihin sakanilang buntis ako?"

Humagulgol siya habang nakatakip ang kamay sa mga mata. Napaluhod ako habang umiiyak. Nasasaktan siya, nasasaktan ko na naman siya.

"I'm sorry for being selfish, Kyvex. I'm sorry because I choose myself. I'm sorry kung duwag ako at mahina. I'm sorry. I'm so sorry!"

"Ang sakit... Vougne. Sana sinabi mo nalang sa akin agad." he cried harder.

"Wala akong lakas ng loob, Ky. Natatakot ako, I'm sorry. Takot na takot ako, Kyvex. Ayokong mawala ka sakin."

Umiiyak siya, hindi makatingin sa akin.

"Maiintindihan ko kung galit ka sakin. Maiintindihan ko kung hindi mo na ako kayang mahalin. Maiintindihan kita, Ky." humagulgol ako.

"Narealize ko lang kasi na ikaw itong palagi akong iniintindi. Samantalang ako, wala pa akong masyadong ginawa para sayo. Kaya ako naman ngayon, Ky. Hayaan mo akong intindihin ka ngayon." tumulo ang luha sa mata ko.

"Alam ko walang kapatawaran ang ginawa ko. Pero hindi ako magsasawang humingi ng tawad sayo. I'm sorry, Ky. I'm sorry if my love for you was not enough for me to be brave. I'm sorry because I'm selfish."

Tumayo ako habang pinupunasan ang mukha. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Pulang-pula ang mata niya, gaya ko ay mugto ang mga mata niya.

"I will give you space. Kahit gaano katagal, maiintindihan ko. Kahit hindi ka na bumalik sa akin. Maiintindihan ko, Kyvex. Alam ko na mali ang ginawa ko. Pero sana Ky, sana hindi mo pagdudahan ang nararamdaman ko para sayo. Hindi ko hihilingin na patawarin mo ako. Pero sana... kahit yung pagmamahal ko nalang... sana panghawakan mo. Mahal na mahal kita. And I'm so sorry for hurting you. I'm sorry kasi simula nong minahal mo ako, puro sakit ang inabot mo. You don't deserve it, Kyvex."

"I'm sorry, Devougne." humikbi siya.

Umiling ako habang mapait siyang nginitian.

"You don't have to. Wala kang kasalanan sakin, Kyvex." I smiled painfully at him.

"Devougne..."

"I'm sorry!" nabasag ang boses ko.

Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang makita siya na umiiyak. Ang sakit-sakit. Para akong pinapatay ng paulit-ulit. Ang hirap huminga.

Tinalikuran ko siya at agad umalis sa kwarto. Nang makalayo ako ay hindi ko mapigilan ang mapahagulgol. Hawak-hawak ko ang dibdib habang umiiyak. Matagal ko na tong pinaghandaan. Pero kahit ganon... ang sakit parin pala.

Seeing how hurt he is. I can't handle it. Parang pinipiga ng ilang beses ang puso ko. Minahal niya lang naman ako, pero wala siyang ibang natanggap kung hindi sakit at pagdurusa. Puro pasakit ang binigay ko sakanya.

Nang makarating ako sa pinto ng condo niya ay mapait akong napangiti. Maiintindihan ko kung hindi niya ako patatawarin. Kasi kahit ako... hindi ko parin mapatawad ang sarili ko.

At hindi ko alam kung dadating ba ang araw na mapapatawad ko ang sarili. Because I didn't just lost my child, I also lost Kyvex. Ang tanging natitira nalang sa akin ay ang baby sa tiyan ko. Siya nalang ang nandito.

The saddest thing about our relationship is that, it started with a smile on our face. But it ended, with full of tears.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon