Chapter 17

4.7K 139 20
                                    

Totoo nga ang sabi nila, pag masaya ka ang bilis lumipas ng oras. Hindi mo namamalayan ang lahat. Kabaliktaran naman pag malungkot ka, pakiramdam mo napakabagal ng oras.

Pauwi na kami ni Kyvex. Dalawang araw lang kaming pwedeng manatili doon dahil may trabaho kaming dalawa. Pareho kaming may responsibilidad na naiwan. Kung pwede nga lang na doon na lang kami lagi.

Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. Lumilipad ang isip ko kung saan-saan. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot at kaba. Para bang may hindi magandang mangyayari sa susunod na araw.

I sighed heavily.

"Baby, are you okay?"

I looked at him and smiled a bit.

"I'm fine." I answered.

"What's bothering you?"

"Hindi ko alam, Ky. Pero may takot at kaba akong nararamdaman." ani ko.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ko ng hawakan niya ito.

"Everything is okay, baby. Stop worrying alright?" he smiled a bit.

I nodded at him.

Binaling ko ang tingin sa labas. Ayokong mag-alala siya sakin. Hindi ko lang maintindihan kong bakit ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung ano ang kinakatakotan ko.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami kung hindi lang ako tinapik ni Kyvex. Gulat akong napatingin sakanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin. Mukhang malalim nga ang iniisip ko at hindi ko man lang namalayan na nakarating na kami.

"Okay lang ako. Tara na." ngumiti ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinton. Hinawakan ko ang kamay niya habang naglalakad kami papasok sa bahay. Nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako sa nakita.

Nasa sala sina mommy at daddy kasama si Devougre. Natigil ang paghinga ko ng lumingon siya sa akin at saka sa kasama ko. Nag-iwas siya ng tingin at saka sinenyasan si mommy at daddy dahilan para lumingon din ito sa amin.

"Nakabalik na pala kayo!" masayang sambit ni mommy.

"Yes tita. Devougne and I agreed to come back since may trabaho pa kaming naiwan." sabi ni Kyvex ng makalapit kami sakanila.

"Oh right." tipid na ngumiti si mommy sabay sulyap sa akin.

"Devougne, did you enjoy?" Dad asked.

I looked at him.

"Yes, dad." I nodded.

"That's good." he smiled.

Nabaling ang tingin ko kay Devougre na nakatitig sa akin. I sighed heavily.

"Vougre, kailan ka pa nakauwi?" I asked.

"Kahapon lang." sagot niya.

Tumango ako saka nilingon si Kyvex. Naabotan ko siyang nakatingin sa akin. Ngumiti siya ng kunti saka hinigpitan ang hawak sa akin.

"Tita Delancy, Tito Haux, I want to marry your daughter."

Gulat akong napalingon sakanya. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nang lingonin ko si mommy at daddy ay nakatingin lang sila kay Kyvex, mukhang hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"I know I am engaged with Devougre. Pero mahal ko po si Devougne. Mahal ko parin siya."

Huminga ako ng malalim at saka tinignan si Kyvex. Ngumiti siya sa akin dahilan para kumalma ako ng kunti.

"Then why did you agree to marry Devougre?" Dad asked coldly.

"Because I was hoping to see Devougne. Baka sakaling mahal niya parin ako. So I took the risk and agreed to be Devougre's fiance." he answered, still looking at me.

"Anong ibig mong sabihin?" Dad asked again.

Nilingon ko si Daddy at binigyan ng tipid na ngiti.

"I was in a relationship with Kyvex 6 years ago. We were in a relationship for 5 years but we broke up because I was a coward."

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Kyvex.

"Natatakot ako na baka magalit at madisappoint kayo pag nalaman niyo na may boyfriend ako. Lola and Lolo won't like it either. Pati narin sina tito at tita. Pinangunahan ako ng takot dahilan para mawala sa akin si Kyvex." nagbaba ako ng tingin.

"It's my fault, tito, tita. Hindi ko inintindi si Devougne." Kyvex said.

Umiling ako.

"Ako ang may kasalanan. I'm sorry mom, dad, kung ngayon ko lang sinabi. I'm sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. It's too late but I know I owe you that." sambit ko.

"Thank you for telling us, Vougne. Pero alam na namin matagal na." ani mommy sabay ngiwi.

"Ha?" nagugulohang ani ko.

"I told them 6 years ago." Devougre said.

Umawang ang labi ko habang nakatingin sakanya.

"You see, Vougne. Kahit hindi ko sabihin kay mommy at daddy, malalaman din nila. Umiiyak ka araw-araw, hindi kumakain ng tama, nagkukulong lagi sa kwarto. Sa tingin mo ba kung hindi nila alam, hahayaan ka nilang maging ganon ng halos isang buwan?"

She sighed heavily.

"I'm sorry, alright. Alam kong pinapangunahan na naman kita pero wala akong ibang choice kundi sabihin sakanila. Nag-aalala sina mommy sayo." aniya.

"Kaya ba alam ni kuya?" tanong ko.

Ngumiwi siya saka umiling sa akin.

"Actually, no." sagot niya.

"Paano niya nalaman kung ganon?"

Tumikhim si Kyvex dahilan para lingonin ko siya.

"Nahuli niya tayo. Dalawang taon pa ata ang relasyon natin ng mahuli niya tayong dalawa." sambit niya.

"Ha? Pero wala naman siyang sinabi sa akin?" nagugulohang ani ko.

"He confronted me alone." he chuckled.

"Did he hurt you?" I asked.

"Well, he kinda punched me but it's alright."

"Buti nga suntok lang inabot mo." sabi ni Mommy.

"Buti nga." humalakhak si Kyvex.

Nilingon ko si daddy na tahimik lang habang pinagmamasdan kami.

"Dad." I called him.

"Are you happy?" he asked me.

"I am, daddy." I smiled at him.

"Please always be happy, princess." he smiled.

"Thank you, dad."

He gave me a thumbs up. Niyakap ako ni mommy at Devougre. Hindi ko napigilan ang maiyak. Ang sarap pala sa pakiramdam pag malaya ka habang nagmamahal. Nawala ang bigat sa puso ko.

"My god, kung hindi ko lang plinano ang lahat baka hindi kayo nagkabalikan!" humalakhak si Devougre.

Napabitaw ako sa yakap niya.

"What do you mean?" tanong ko.

Ngumiwi siya bago nilingon si mommy at daddy.

"I asked daddy to arranged my marriage. Sinabi ko din na si Kyvex ang gawin niyang fiance. Tapos kunyare magmamakaawa ako sayo para magpalit tayo. Tapos ayon, tada!" tumawa siya.

"You bitch." I whispered.

"Just thank me." umirap siya.

"Traydor." ngumuso ako.

"You're so grateful, sis." sarkastikong aniya.

This girl!

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon