Chapter 6

5.5K 142 12
                                    

"What the hell!" she shouted.

Pumikit ako ng mariin.

"It's not your fault, Vougre." I told her.

"You should tell Dad about this, Vougne!" she said.

"No, I can't Devougre."

"Why not? Doctor ka na, Devougne. What's stopping you from telling our parents that you had a relationship with Kyvex." seryosong aniya.

"It doesn't matter anymore, Vougre. Wala na din naman kami."

"You broke up because of this, Vougne." she remind me.

"No, Vougre. Hindi lang ito ang dahilan." matigas kong wika.

"Oh ano pala? Diba nag break kayo kasi nagalit siya dahil hindi mo kayang ipaglaban." naiinis na wika niya.

"Bakit parang kasalanan ko? Hindi pa kami handa ng panahong 'yon, Devougre. Para namang hindi mo kilala si Daddy." humina ang boses ko.

"You're a coward, Devougne. Ikaw tong nag jowa, hindi mo naman pala kayang panindigan."

Napayuko ako sa sinabi niya. Mas masakit pala pag galing sakanya.

"Hindi mo man lang ba naisip na baka masyadong mababaw si Kyvex. Binitawan niya ako kaagad, Devougre! Siya itong hindi ako magawang ipaglaban." giit ko.

"You can't blame him! Limang taon na kayong magkarelasyon pero ni hindi mo mapakilala sa pamilya natin. Kahit man lang kay mommy at daddy!"

Napapikit ako habang dinadamdam ang mga salitang binitawan niya. She's blaming me. Kasalanan ko ba talaga?

"Diba ikaw dapat ang mas nakakaintindi sakin, Vougre. Alam mo naman kung bakit hindi ko siya pwedeng ipakilala diba." nabasag ang boses ko.

"Iyon nga, Vougne eh. Pinipilit kitang intindihin pero hindi ko talaga maintindihan. Ano pa bang kinakatakot mo?"

"Magagalit ang pamilya natin, Vougne. Hindi lang si mommy, daddy at kuya, pero pati narin sina lolo at lola. And you know how strict sina tito diba." I told her hoping she will understand me.

"Jusko naman, Vougne! Ilang taon ka na ba, you're 28 already. Kailan mo ba sisimulang unahin ang sarili mo ha?"

"I just don't want to disappoint them." pumiyok ako.

"Hindi mo man lang ba naisip na dahil sa pag iintindi mo sa sasabihin ng pamilya natin, nawala si Kyvex sayo."

"Nawala siya dahil hindi niya ako kayang intindihin, Vougre!" I raised my voice.

"Gaga ka! Nawala siya sayo dahil ikaw itong hindi siya inintindi sa loob ng limang taon."

"Ganyan ba ang iniisip mo? Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong ipagsigawan sa mundo na mahal ko siya, Vougre." sambit ko kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mata.

"But you didn't, Vougne. You kept him in the dark. Tinago mo siya. Sakit mo pala magmahal eh."

"You're really blaming me huh?" I laughed fakely.

"Sinasabi ko lang ang totoo, Devougne." matigas niyang wika.

"You know what, parehas lang kayo ni Kyvex. Hindi niyo ako naiintindihan." I ended the call after that.

Tinitigan ko ang cellphone ng ilang minuto umaasa na baka tatawag siya ulit at humingi ng tawad sa akin pero wala. Inis na nilagay ko ang phone sa drawer. I can't help it. I am so disappointed at her.

Sa lahat ng tao, dapat siya ang umintindi sa akin. Siya ang kasama ko sa mga panahong nahihirapan at nasasaktan ako. Siya ang nasa tabi ko ng halos hindi na ako makakain sa sakit na nararamdaman. Siya ang kasama kong lagpasan lahat ng iyon. Pero bakit hindi niya parin ako kayang intindihin?

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon