Chapter 25

3.7K 108 32
                                    

"What?" gulat na tanong ko.

"Hindi mo kaya?" hamon niya.

"Kaya ko." inirapan ko siya.

Ngumisi siya habang ang kamay ay naglalakbay sa aking braso.

"I'm looking forward to it."

"Baliw ka!" inirapan ko siya.

"Matagal na." humalakhak siya.

"Kyvex!" sigaw ko at agad tinampal ang kamay niyang humahaplos sa dibdib ko.

He chuckled as he raised his both hands.

Bumaba ang tingin ko sa labi niya. I bit my lower lip before pulling him closer. Sinalubong ko ang tingin niya habang hawak ang kwelyo ng damit niya.

"Do you want to kiss me?" he asked.

"Obvious ba?"

Ngumisi siya at hinila ako dahilan para mapaupo ako sa hita niya. I was about to shout at him when he shut my lips with his.

I closed my eyes and savor the feelings. Sinuklian ko ang marahan niyang halik. I tried to be aggressive but he immediately stop. I groaned in irritation.

"Kailangan kong pumunta sa site." he told me, panting a bit.

"Mamaya na." bulong ko, nang aakit.

"Kailangan ako ngayon." ngumisi siya.

"Mas mahalaga ba yun sakin?"

Humalakhak siya habang ang kamay ay unti-unting naglakbay papunta sa aking baywang. Ang isang kamay naman niya ay humahaplos sa aking hita.

"Walang mas mahalaga sayo sa mundong ito." he whispered before attacking my lips again.

We were enjoying each other's kisses when someone knock on the door. Mas mabilis pa sa alas kwatro na umalis ako sa hita niya.

He groaned. Halatang hindi nagustohan ang ginawa ko. He was about to pull me again pero tinampal ko ang kamay niya.

"May kumakatok, Ky!" I hissed.

"Epal naman." umirap pa siya bago tumayo.

Habang naglalakad siya palapit sa pinto ay inayos ko ang sarili. Ilang beses akong huminga ng malalim. What the fuck, Devougne? Muntik na kayong mahuli dahil sa kalandian mo!

Napalingon ako sa pintoan ng buksan niya ito. Nawala ang ngiti ko ng makita ang babae. Hindi ko agad gusto ang awra niya.

"Vex, ang tagal mo namang buksan ang pinto." reklamo nito.

"May kailangan ka?" tanong ni Kyvex.

"I was worried. Wala ka pa daw sa site kaya pumunta ako dito."

Pumasok ito at agad natigilan ng makita ako. Tumaas ang kilay ng babae at agad nilingon si Kyvex. He is looking at me right now. I smiled sarcastically at him.

"Maria, I'm with her." Kyvex said.

Lumapit siya sa akin kaya tumayo ako. Nang tignan ako ng babae mula ulo hanggang paa ay hindi ko maiwasan ang matawa.

"Done checking me out?" I asked, smirking a bit.

"Kaya ba hindi ka pumunta sa site?" tanong niya kay Kyvex, obviously ignoring me.

"Yes." Kyvex answered.

Nakita ko ang sakit na dumaan sa mukha ng babae. Hindi ko alam pero wala man lang akong maramdaman na kahit kunting awa.

She looked at me again and raised her brow. I did the same thing.

"Hi, I'm Engr. Maria Selvantes." aniya sabay alok sa kamay.

She didn't even smile. Tinanggap ko ang kamay niya habang hindi rin ngumingiti.

"Dr. Devougne Hasiah Carter."

Mas lalong sumama ang itsura niya sa sinabi ko. Maarte kong binitawan ang kamay niya at saka sinulyapan si Kyvex na nakangisi sa akin.

"So you're a doctor?" Maria laughed.

"Obviously." I chuckled.

Nilingon niya si Kyvex at matamis na nginitian.

"I didn't expect na doctor pala ang tipo mo, Vex. Last time I check, ang sabi mo sakin ang gusto mong girlfriend ay yung magkakaintindihan kayo. She's a doctor Vex, wala siyang alam sa trabaho natin." tumawa siya at saka ako nilingon.

I chuckled.

Tinaasan niya ako ng kilay. Lumapit ako sakanya bago nagsalita.

"So you mean, you are expecting Kyvex to have an engineer girlfriend right?" I asked, smirking.

"Oo." diretsahang sagot niya.

Humalakhak ako at saka lumapit kay Kyvex. Marahan kong hinawakan ang braso niya saka nilingon si Maria.

"Well, as his current girlfriend, kung magkakaroon man siya ng iba and well engineer. Gusto ko sana ay yung katulad ni Engr. Santos. Mabait, magalang at maganda. Halatang may delikadesa din. Walang balak maging mang-aagaw." I smiled sweetly.

Pinigilan ko ang sarili na matawa ng makita kong paano namula ang pisnge niya. Natamaan ka ba? Sapol na sapol.

"Oh you know her?" she tried to smile.

"Yes, I met her kanina. She's very nice. I like her for Kyvex sana pero Kyvex is mine na kasi." I smiled again.

"Baby, what? You like her for me?" reklamo ng bwesit na lalaking 'to.

"Oo, kung wala ako sa buhay mo. But then you have me, so of course no. My god Kyvex, akala mo ba pakakawalan kita pagkatapos mong sabihin sa parents ko kung gaano mo ako kamahal at kagustong pakasalan?" madramang saad ko.

Kyvex tried so hard to hide his smirk. He knows what I am doing. I rolled my eyes on him as I looked back at Maria.

"How about you, Engineer? May boyfriend ka ba?" I asked.

"No, I don't have one." she answered.

"Bakit? Walang may gusto sayo?" I asked, smiling like an innocent angel.

"Madami sila, Doc. Hindi ko lang sila gusto." ngumisi siya.

Humalakhak ako saka pabirong tinampal ang balikat niya.

"Baka naman dahil may hinihintay ka. Abangers ka no?" I chuckled.

"What do you mean by that?"

"Oh god, you know what I mean." I smiled.

"I'm sorry Doc, but I don't really know." hilaw siyang ngumisi.

Tumango ako saka umupo sa sofa. Nakatayo lang silang dalawa ni Kyvex habang nakatingin sa akin.

"Abangers. Yung nag aabang kung kailan magbbreak." diretsahang sabi ko.

Tipid siyang ngumisi bago umiling sa akin.

"Then I guess hindi ako abangers."

I tried so hard to stop myself from rolling my eyes.

"Baka mang-aagaw." I told her.

Umawang ang labi niya.

"Charot!" humalakhak ako.

"Baby, that's enough." bulong ni Kyvex.

Ni hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. Nilingon ko siya at nginusohan.

"Devougre thought me that." I pouted.

"Enough, alright?" bulong niya, natatawa.

"Fine." I chuckled.

Sinenyas ko si Maria dahilan para tumayo siya. Nanatili akong nakaupo habang pinagmamasdan silang dalawa. Maria is looking at him with gentle eyes. Habang nong saakin ay parang gusto niya akong ilibing ng buhay.

"Maria, susunod ako sa site mamaya. You can go now." sabi ni Kyvex.

Bigo ang mukha ni Maria ng umalis siya ng office. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya. Nang isirado ni Kyvex ang pinto ay nawala ang mapaglarong ngisi ko sa labi.

"Uuwi na ako." malamig kong saad.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon