Chapter 18

4.2K 104 38
                                    

"Hindi ka na galit sakin?" tanong ko.

Nasa kwarto kaming dalawa. Kanina pa umuwi si Kyvex dahil may emergency daw sa kompanya. Si mommy at daddy naman ay umalis para mag date. Kaming dalawa lang ni Devougre ang naiwan ngayon sa bahay at ang mga kasambahay.

"Hindi naman ako nagalit sayo." sagot niya.

"Liar. Ilang araw mo akong hindi kinausap." sambit ko.

"Nainis lang ako. Pero hindi ako galit." aniya.

"I'm sorry, Vougre." I told her.

Huminga siya ng malalim.

"No. Ako dapat ang mag sorry. May hindi ako magandang nasabi sayo, pasensya na."

"Okay lang yun, may punto ka naman kasi matigas lang talaga ang ulo ko." ngumisi ako.

"But I could have said it in a nice way. I'm sorry."

I smiled at her.

"Kahit hindi ka humingi ng tawad, pinatawad na kita. And thank you Vougre, kasi ginising ako ng mga salita mo."

"I love you!" she chuckled.

"I love you too!"

Niyakap niya ako ng mahigpit bago humiga sa kama. Tinignan ko siya at naabutan ko na nakangiti siya habang nakapikit. Humiga din ako sa kama sa tabi niya at pumikit.

"By the way, where have you been?" I asked her.

"Sa tabi-tabi lang." humalakhak siya.

I sighed heavily before talking again.

"He's back." I said.

"Yeah right." puno ng sarkasmo ang boses niya.

"Did you see him?"

"Yes."

I swallowed hard. Nagmulat ako at tinignan siya. Nakapikit parin siya habang ang dalawang kamay ay nasa tiyan.

"Are you okay?"

"Of course, Vougne. Hindi naman big deal sakin ang makita siya."

I rolled my eyes.

"Hindi big deal huh?" I mocked her.

Nagmulat siya at nilingon ako. I bit my lower lip when I saw her sad eyes.

"Nakalimutan mo atang hindi naging kami. We just fuck and fuck, Vougne. No strings attached." she smiled sadly.

Hiniwakan ko ang kamay niya at marahang pinisil.

"Wala ka bang balak ipaalam sakanya?" tanong ko.

"Ang alin?" nag-iwas siya ng tingin.

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Vougre."

"Ayoko." sagot niya.

"Sa pamilya natin?"

Malungkot siyang ngumiti.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin at ipapaliwanag."

"Maiintindihan ka nila, Vougre. Mahal nila tayo." ani ko.

"Hindi ko kaya." tumawa siya.

"Mas mahina ka parin talaga sakin." matigas kong wika.

"Vougne, wag mong simulan."

"Ayaw mong maging doctor. Pero dahil mahina ka, hindi mo sinabi kay mommy at daddy ang totoong gusto mo. Sa tingin mo ba hindi ka nila maiintindihan? Vougre, susuportahan ka nila sa gusto mo!"

"Hindi ganon kadali yun, Vougne. Hindi ko din alam kung ano ang gusto ko. Kaya nga nong nag desisyon kang mag med, sumunod din ako." saad niya.

I sighed.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon