Chapter 29

3.5K 93 7
                                    

Bumalik ako sa sala pagkatapos kumain. Kyvex volunteer to wash the dishes. I have no energy to argue so I just followed what he said.

Nakasandal ako sa sofa ng dumating siya sa sala. Ngumiti siya sa akin bago umupo sa tabi ko.

"Is my baby tired?" he asked, pouting a bit.

"Yeah... how about you, love? Aren't you tired?" I asked him.

"I'm fine." sagot niya habang hinahaplos ang aking pisnge.

"Do you want a child, Ky?" I suddenly asked.

Hindi ko alam kung bakit yun pa ang napili kong itanong.

"If you are the mommy, why not." he chuckled.

I laughed.

"Ilan ang gusto mo?" tanong ko ulit.

Imbes sagotin ang tanong ko ay inilapit niya ang mukha sa akin.

"Ilan ba ang kaya mo?" tanong niya pabalik.

I bit my lower lip to stop myself from smiling.

"Kahit ilan... basta ikaw ang ama." nahihiyang sambit ko.

"Simulan na kaya nating gumawa?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Ha? Baliw ka!"

Humalakhak siya habang marahang hinahaplos ang aking pisnge. Ngumuso ako saka kinurot siya sa tagiliran.

"Binibiro lang kita. You know I can wait until you're ready right?"

I nodded.

"I'm so lucky to have you, baby." he whispered.

I smiled softly at him. Tears are forming and ready to fall.

"No... I'm the luckiest to have you."

He wiped my tears before kissing my eyes.

"Mahal na mahal talaga kita."

"Alam ko... ramdam ko. At mahal din kita, Kyvex."

"I'm sorry, baby. It took me so long to come back to you." he whispered, guiding my face closer to him.

Nang magtama ang noo namin ay pumikit ako.

"I'm sorry for the years we spent away from each other." he added.

"I regret it, Vougne. I regret being a coward for a long time. I regret watching you from a far."

"Stop apologizing, love. Nandito ka na sa tabi ko... kasama na kita. What happened is meant to happen. We might lost each other years ago but at least we found each other again. Yun naman ang mas mahalaga diba. Ang bumalik ka sakin... kahit hindi ako karapatdapat sa pagmamahal mo."

Minulat ko ang mata at nagtama ang paningin namin.

"You deserve my love, Devougne. Wag na wag mong sasabihin ulit sa akin na hindi ka karapatdapat. You are my everything, baby. Ikaw lang ang kinakapitan ko sa mga panahong nakakapagod ang mundo."

Tumulo ang luha sa mga mata niya kasabay ng pagtulo ng luha ko. I smiled at him. I wiped his tears and kissed his eyes. Gaya ng ginagawa niya pag umiiyak ako.

"Mahal kita. Kalimutan mo na ang lahat, wag lang ang mga katagang yan. Mahal kita, Kyvex Beaumont. Ikaw lang noon, ngayon at habang buhay."

He nodded as he lightly hold my jaw to kissed me.

"I can't wait to marry you." he whispered.

I closed my eyes and kissed him again. You are my everything too, my love. Ikaw ang liwanag sa madilim na mundo. Ikaw ang lakas ko sa tuwing nanghihina ako. Ikaw ang lahat sa akin.

That night, I slept beside him. His arms are wrapped around my waist, hugging me tight. It was a peaceful night. To be with him as I closed my eyes and to see him first in the morning. I want that forever.

Alas sais ng umaga ay hinatid ako ni Kyvex sa bahay. Wala akong damit sa condo niya kaya kailangan kong umuwi ng maaga. As for him, may meeting siya around 8am kaya hindi niya ako mahahatid sa ospital and it's fine with me.

Exactly 8:30 ay nakarating na ako sa ospital. Sumalubong sa akin si Doc Salvado na halata sa mukha ang pag-aalala.

"What happened, Doc?" I asked him ng makalapit ako.

"Hindi mo pa alam?" tanong niya.

Umiling ako, medyo kinakabahan nadin.

What he said next made me lost my consciousness.

"Nasa ICU ang kakambal mo."

Nang magising ako ay ay bumungad sa akin si mommy na puno ng pag-aalala ang mukha.

"Mom, anong nangyari at nandito ako?" nagugulohang tanong ko.

"Bigla ka nalang nahimatay." malungkot na sabi niya.

Unti-unting bumalik sa ala-ala ko ang nangyari. Kinakabahang tinignan ko si mommy.

"Where's my sister mom?"

Nanghihinang napaupo si mommy. Bumangon ako at tinignan siya.

"Mommy, si Devougre?" tanong ko ulit.

"She's still in the ICU." aniya, halata ang lungkot at takot sa itsura.

"Why? What happened? Paanong... anong nangyari?" tumaas ang boses ko.

"Car accident, baby." humikbi si mommy.

Umawang ang labi ko. Car accident? Imposible! Paanong car accident? Devougre grow up joining car racing! Magaling siyang magmaneho paanong naaksidente siya!

"Mommy, imposibling car accident." naiiyak na sabi ko.

"I know, baby. Your daddy and kuya are investigating it right now. Pati sila hindi naniniwala na aksidente ang nangyari." umiiyak na sambit ni mommy.

"My sister is not a reckless driver mom."

Yumuko nalang si mommy habang umiiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahaplos ang likod. Kinabahan ako ng maalala si Devy.

"Where's Devy mommy?"

"She's at home. Mabuti nalang at hindi siya sinama ni Devougre dahil baka kung ano na ang nangyari sa apo ko."

The thought of losing Devy scared me.

"Pwede ko bang puntahan si Devougre, mom?"

Nilingon ako ni mommy. Umiling siya sa akin, nag-aalala.

"Baka mapano karin. Mas mabuting magpahinga ka dito."

"I'm fine, mommy. I really want to see my sister."

"You're pregnant, Devougne."

Natigilan ako sa narinig. Gulat na nilingon ko si mommy. Tama ba ang pagkakarinig ko? Buntis ako?

"Anong... sabi mo mommy?"

Ngumiti siya sa akin.

"You're pregnant anak."

Isa-isang naglabasan ang luha sa mata ko. Hindi ko alam kung ano qng dapat kong maramdaman. Masaya ako, sobrang saya ko. Pero hindi ko maiwasan ang matakot. Paano kong masaktan ko na naman siya?

"Is my baby okay mom?" I asked, crying.

"Yes. Your baby is healthy." she smiled.

"May iba bang nakakaalam nito?"

Umiling siya sa akin.

"Tayo palang dalawa."

I nodded at her.

"Please keep this a secret for now, mom. I want to surprise Kyvex. At isa pa, hindi ito ang tamang panahon para mag celebrate. Nasa ICU si Vougre."

Hinawakan ni mommy ang balikat ko at saka tumango.

"Pupuntahan ko lang ang kapatid ko, mom." paalam ko.

"Sige. Mag-ingat ka okay?"

"Ayaw niyo bang sumama sakin?" tanong ko.

"I can't see her like that... It breaks my heart, Devougne."

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon