Chapter 33

3.4K 92 9
                                    

Hindi maalis ang tingin ko sakanila. They look so happy together. Just like other couple. Holding each other's hand. Enjoying each other's company. Laughing and teasing each other.

Tangina.

Nang umalis si Maria ay kinuha ko ang cellphone para tawagan si Kyvex. Medyo lumayo rin ako kay Devy para hindi niya marinig.

I called him. Sinagot niya agad.

"Baby, I miss you."

Fuck you!

Ang lambing ng pagkakasabi niya, para bang hindi ako niloloko.

"Nasaan ka?" tanong ko.

Please don't lie to me.

Kitang-kita ko ang panic sa mukha niya habang nasa tenga ang phone. Matagal bago siya nakasagot.

"Office, baby. I'm busy right now."

Napapikit ako sa sakit at agad pinatay ang tawag. Hindi matigil ang luha ko habang tinitignan siya sa malayo. Bakas ang pagtataka niya habang nakatingin sa phone. Marahil nagtataka kung bakit ko binaba.

When I saw him typing ay inabangan ko ang cellphone. Walang message na dumating sa akin. I bit my lower lip and continue watching him.

Nang dumating si Maria ay nilagay niya sa bulsa ang cellphone niya. Nanghihinang inoff ko ang phone habang pinagmamasdan sila.

Masaya silang nag-uusap habang magkahawak ang kamay. Habang ako ay parang tanga na nakamasid lang sa malayo. Mapait akong napangiti.

Maybe she's really better than me.

Hindi ko na nasundan kung nasaan sila dahil bigla nalang silang nawala. Siguro ay umuwi na o baka pumunta sa ibang lugar. I smiled bitterly. Marahan kong hinawakan ang tiyan. Ngayon palang ay naaawa na ako sa magiging anak namin.

I sighed heavily.

Inayos ko ang itsura bago bumalik kay Devy. Ngumiti siya sa akin na agad ko ring sinuklian. I acted like nothing happened. I acted like I saw nothing. Umakto akong hindi nasasaktan. Kahit durog na durog na ako.

Nang makauwi kami sa bahay ay nakatulog si Devy. Binuhat ko siya habang papasok ako. Natigilan ako ng makitang nasa sala si Kyvex. Mukhang may hinihintay. Napansin ko rin na iba ang suot niya sa suot niya kanina sa mall. Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang paakyat ng kwarto.

"Saan kayo galing? Nakatulog?" tanong niya na hindi ko pinansin.

Nakasunod siya sa akin hanggang sa malagay ko sa kwarto ko si Devy. Nang matapos ko siyang kumutan at lahat ay saka ko siya hinarap.

"Umalis ka. Magpapahinga ako."

Nagulat siya sa simabi niya. Hindi niya siguro iniexpect na ganito ko siya patutunguhan.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

"Oo. Pagod lang ako." malamig na sagot ko.

Ngumuso siya at saka hinawakan ang kamay ko. Para akong napaso sa ginawa niya dahilan para bawiin ko ang kamay sakanya. Hindi maalis sa isipin ko na hinawakan niya ang kamay ni Maria.

"Bakit? May problema ba?"

Umiling ako. Malamig parin ang tingin sakanya.

"Walang problema. Ang sabi ko, pagod ako. Gusto kong magpahinga." giit ko.

Nagbaba siya ng tingin at saka lumapit sa akin. Umatras naman ako palayo sakanya dahilan para umawang ang labi niya.

"I miss you." he said softly.

"Okay." tipid na sagot ko.

"I miss you." ulit niya.

"Narinig ko! Alam ko." naiiritang sabi ko.

"Hindi yan ang sagot sa sinasabi ko." ngumuso siya, nagtatampo.

"Wala akong pakialam."

He sighed heavily. Tila ba napakabigat sakanya ng sinasabi ko.

"What's our problem, baby?"

Umiling ako sa tanong niya.

"Walang problema. Paulit-ulit ka naman Ky, nakakairita!" tumaas ang boses ko.

He swallowed hard. Nagbaba siya ng tingin pero hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng mata niya.

"Ngayon na lang tayo ulit nagkita after one week. Why are you like this?" he whispered, nasa baba parin ang tingin.

"Bakit parang kasalanan ko na ngayon lang tayo nagkita? Sino ba itong palaging busy? Ako ba?" pagtataray ko.

"I'm not blaming you." pumiyok siya.

"Edi hindi! Umalis ka nalang."

Inangat niya ang tingin sa akin. Puno ng pagsusumamo ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Hindi nagbago ang tingin ko sakanya.

"Why are you mad at me? May nagawa ba akong mali? Please tell me, baby." masuyong sambit niya.

Tangina mo. Gago ka!

"Hindi ako galit. Wala ka ding ginawang mali. Ang gusto ko lang ay umalis ka."

Lumapit siya sa akin at marahan akong hinila palapit sakanya. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko pero hindi ko magawa.

"You're mad at me." he whispered, kunti nalang maiiyak na.

Potangina naman. Anong iniiyak mo dyan? Parang di ka gumawa ng kalokohan ha!

"Hindi nga ako galit. Bakit ba pinipilit mo na galit ako? Nakakaasar ka!" I shouted in frustration.

Sinulyapan niya si Devy bago ako hinila ulit para yakapin.

"Baby, stop shouting please. Devy is here." bulong niya.

"Kung ayaw mong sumigaw ako, umalis ka na."

Umiling siya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Ayoko. Please let me stay with you. I miss you so much."

I bit my lower lip. Stopping myself so hard from cursing him.

"I love you, Devougne."

Kumuyom ang kamao ko kasabay ng pagpikit ko. Ilang beses akong huminga ng malalim bago minulat ang mata. I hate you, Kyvex.

Tinulak ko siya dahilan para makalayo siya sa akin. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. Nababasa ko sa mata niya ang sakit sa ginawa ko.

"Umalis ka na."

Nang sinubukan niyang lumapit ay umatras ulit ako. Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Bigo ang mukha niya ng umalis sa kwarto ko.

Nang ma lock ko ang pinto ay agad akong tumakbo sa banyo para duon umiyak. Walang tigil ang tulo ng luha ko. Ang sakit-sakit!

Ang hirap magpigil habang kaharap ko siya. Gusto ko siyang saktan at sigawan! Pero natutulog ng mahimbing si Devy. Ayokong makita niya kaming nagtatalo.

Halos sabunutan ko ang sarili para lang matanggal sa isip ang nakita kanina. The way he laughed, the way he teased her, the way he holds her hand! Ganon na ganon siya sakin.

I can't accept it. Hindi ko matatanggap to kahit kailan. I'm a selfish woman. Ang akin ay akin lang. Ang ginagawa mo sa akin ay hindi mo dapat ginagawa sa iba!

Tangina, nakakagago naman. Inaya pa akong magpakasal eh nagloloko naman.

Humikbi ako habang marahang hinahaplos ang tiyan. I can't imagine my child to grow up without a complete family. Hindi ko kaya.

Lumaki ako ng busog na busog sa pagmamahal ng pamilya. Kung may gusto man akong iparamdam sa magiging anak ko, yun ang pagmamahal ng pamilya sakanya. I want my child to have a complete family. Ayaw ko ng kahati.

"Wala akong pakialam kung hindi mo ako mahal. Pero akin ka, sa amin ka ng anak mo." marahas na bulong ko.

___________________________________________________________
lakas niyo naman sakin, 9:56 palang ha hahahaha

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon