Chapter 30

3.6K 101 22
                                    

Hindi na ako nagulat ng makita si Ovexus sa labas ng ICU kung saan naroon si Devougre. Halos napangiwi ako ng makita ang itsura niya.

He's a mess! Magulo ang buhok, hindi maayos ang damit at naka tsinelas lang. Mukhang nagmamadali siya papunta dito ng mabalitaan niya ang nangyari.

"Ovexus." I called him.

Lumingon siya sa akin na hindi man lang ngumiti. Puno ng pag-aalala at takot ang mukha niya.

"Devougne, okay ka na ba? I heard kay tita Delancy nawalan ka daw ng malay." sabi niya sa maliit na boses.

"Okay na ako. Nag-aaalala ako para sa kapatid ko."

Binalik niya ang tingin sa kapatid ko. I wonder if alam na niya ang tungkol kay Devy.

"Alam ba ni Kyvex ang nangyari ngayon?" tanong ko.

Tumango siya habang nanatili ang tingin sa loob.

"Oo. Kaming dalawa ni Kyvex ang tinawagan ni Deiv."

Lumapit ako sakanya at marahang hinawakan ang balikat niya. Nilingon niya ako at tipid na nginitian.

"Magiging okay din siya." sabi ko.

"Dapat lang. Hindi siya pwedeng mawala ulit sakin." mapait siyang ngumiti.

"Sigurado akong hindi ka niya iiwan ulit. Kilala ko ang kapatid ko Ovexus. Mas marupok yan sakin."

Kahit papano ay tumawa siya. Sabay naming tinignan ang kapatid ko. Ang daming nakakabit sa katawan niya lalo na sa may ulo.

Hindi ko maiwasan ang mag-alala. Andaming test ang ginawa sakanya. Hanggang ngayon hinihintay parin namin ang resulta.

Nilingon ko ulit si Ovexus ng may maalala ako. Hindi ko alam kung tama ba na ako ang magsabi sakanya ng bagay na ito. Pero he deserve to know his daughter. Kailangan ni Devy ng ama lalo na ngayong hindi pa namin alam kung kailan magigising si Devougre.

"Ovexus, I have to show something." sambit ko.

He looked back at me.

"Ano yun?"

Tipid akong ngumiti.

"Nasa bahay siya. Kailangan ka niya."

Nabalot ng pagtataka ang mukha. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti. Kahit nagtataka ay sumunod siya sa akin. Siya din ang nagmaneho dahil baka daw mapano ako at malagot pa siya sa kapatid niya.

Habang nasa sasakyan ay pansin ko ang pagiging tensyonado niya. Alam kong kinakabahan siya. Siguro dala narin ng nangyari kay Devougre.

Nang makarating kami sa bahay ay nauna akong maglakad papunta sa pinto. Nang buksan ko ang pinto ay pumasok na ako. Nilingon ko siya ng nagdadalawang isip siya na pumasok.

Huminga siya ng malalim at saka pumasok sa loob. Nauna akong maglakad papunta sa sala at nakasunod naman siya. Hindi pa kami tuloyang nasa sala ay dinig na dinig na namin ang iyak ni Devy.

"Where's my mommy?" umiiyak na saad niya.

"Baby, nasa hospital si mommy. May nangyari kasi sakanya. But she is okay. Babalik din siya sa atin." pag aalo ni mommy.

Nang nasa sala na kami ay napalingon sila sa amin. Si mommy at Devy lang ang nasa sala.

"Mommy Vougne!" umiiyak na sigaw nito at tumakbo palapit sa akin.

Sinalubong ko ang yakap niya at niyakap siya ng mahigpit. Humihikbi siya habang yakap-yakap ako.

"Mommy Vougne! Okay lang naman po si mommy ko diba?" umiiyak na tanong niya.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon