Chapter 9

27 13 2
                                    

Project





Binura ko ulit ang sinulat kong message na kanina ko pa tintitigan. Nagiisip ako ng magandang sasabihin kay Neyah tungkol sa project na gagamitin namin.

Neyah kailan tayo gagawa ng project?

Iniling ko ulit ang ulo ko at binura ang message. Baka sa massage request pa ko mapunta. I a add ko muna sya. Pag ka add k sa kanya ay agad kong sinara ang tab ko para hindi ko na sya ma stalk.

Bumaba na lang ako at kumain ng agahan. Nagkwetuhan kami nila ate ng ilang oras bago ko napag pasyahang umakyat para mag aral.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nagayus lang muna ako ng ilang gamit ko bago umupo sa study table.

Nag open na ko ng tab at nag pati ng message dahil may nakita akong isang notification dun.

Darius

Yun lang ang sinabi nya matapos nya kong ma accept. Pinakatitigan ko muna ang message nya nag babakasali na hindi ako namamalik mata.

"Sino yan?"

Agad kong sinara ang laptop ko at nilingon ang taong nasa gilid ko na nakatingin din sa latop dahil sa biglang pag salita nya.

"Ate Nicole"

"Oh? Bakit gulat na gulat ka? Sino ba kasi yan?"

Napalunok naman ako dahil sa tanong nya. Ngayun lang ako nailang sa simpling tanong nya. Kase sa sitwasyon ngayun parang alam naman na nya kung ano ang sagot kahit parang hindi naman.

"Ah- kaklase ko partner ko sa paggawa ng project" Inayus ko ang bagong salamin ko na bagong bili.

"Talaga ba? Bakit nag ba blush ka? Crush mo noh?yieee"

"H-hindi ah"

Tumalikod ako sa kanya at nag kungwaring inaayus ang libro dahil ramdam ko ang pagiinit ng pisnge ko.

"Suss deny pa, patingin nga ako"

Hindi ko inaasahan na kukunin nya ang laptop at inilayo saakin.

"Isa! Isusumbong kita kay ate sige ka" Sabi ng ng a asta pa akong kukunin yun. Dahil sa takot na baka isumbong nya ako ay hindi ko na kinuha sa kanya yun

Ngiting tagumpay syang umupo sa upuan ko kanina sabay bukas ng laptop. Alam kong pwedeng pwede ko yun agawin sa kanya pero hindi naman ako ganun kaya labis ang pag pipigil ko at isa pa talagang isusumbong nya ako pag ginawa ko yun.

Kahit wala naman akong ginagawang masama ay mabilis ang tibok ng puso ko.

Yun pa din ang massage na nandoon pag ka bukas ni ate ng laptop.

"Ano ba yan!? Sya pa alaga unang mag message sayo dapat ikaw. Ikaw lalaki eh!" Reklamo ni ate

Kumuha ako isa pang upuan at umupo sa tabi nya. Nakita kong may pinag pipindot si ate Nicole hangang sa nakarating sya sa profile ni Neyah. Agad nyang pinindot ang profile picture nya.

Nakasandal sya sa big bike nya. Suot ang fitted jeans at crop top na brown shirt na may tatak na 'Queen Bitch'
Ang buhok naman nya ay malayang nakalugay na tinatangay ng hangin.
Sa likod nya ay kita ang papasikat na araw. Hindi sya naka tingin sa camera kaya naka side ang mukha nya pero kahit pa ganun ay kita pa din ang kagandahan nya.

"Maganda sya ah pero mukhang bad girl"

Nagising ako sa katotohanan ng magsalita si ate Nicole.

"Ano? Nililigawan mo na ba?" Tanong ni ate at agad akong umiling.

"Kaibigan ko lang sya" Pag tangi ko

"Oh akala ko ba classmate lang tapos ngayun kaibigan na? Ang bagal mo naman kase pumorma sige ka baka unahan ka ng iba dyan" Pangaasar nya.

She's BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon