Life
"Thank God tapos na!"
Napailing na lang ako sa sinabi ng kaibigan kong si Jian
"Wow hah! Para namang hindi ka nanghula o nangopya tsk" Sabi naman ni Daniel habang inaayus ang mga gamit nya.
"Huy!! Napagod din naman akong yumuko at mag sulat" Sabi ni Jian habang turo turo si Daniel.
Kakatapos lang ng periodic test namin kaya inaayus na namin ang mga gamit namin para makauwi. Pagkalagay ng mga papel ko at ballpen sa maliit na bag ay isinuot ko na ito.
"Ano na? Darius salita salita din bago mapanis ang laway" Pag baling saakin ni Daniel sabay tawa na sinabayan ni Jian.
"Wala naman akong sasabihin ah?" Taka kong sabi sakanila
Sumimangot naman si Daniel saakin habang si Jian ay napahawak sa tiyan nya sa pag halakhak.
Inayus ko na lang ang salamin ko bago nagpaalam dahil mukhang wala naman na silang sasabihin pa. Kailangan kong mag advance study parasa susunod na Quarter.
Sa paglabas ko ay nakita ko ang bago naming kaklase na pinagagalitan ng guro namin. Habang sya naman ay bored na nakatingin sa guro namin. Sa pagkakaalala ko ay noong nakaraang linggo lang sya nag transfer dito kaso matapos ng unang pasok nya ay hindi na sya muling nagpakita. Ngayun lang ata sya pumasok kaya sya pinapagalitan.
Bahagya akong nagiwas ng tingin ng bigla syang tumingin saakin. Nanliliksik ang mga mata nya na para bang kailangan mo syang luhudan at magbigay galang sa kanya.
Kinuyom ko ang kamao ko bago nag patuloy sa paglalakad dahil rinig ko na ang boses nila Daniel na papalabas na sila.
Sa pagdaan ko sa gilid nya ay nakita ko sa gilid ng mata ko ang nanliliksik nyang mata na naka tingin saakin. Ano bang ginawa ko at ganyan sya tumingin saakin?
Nakahinga ako ng maluwag ng malampasan ko sya. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad palabas sa eskwelahan. Paglabas ko ay pumunta ako kay manong na nagtitonda ng street food.
"Musta ang exam nyo ihjo?" Nakangiti nyang sabi saakin. Habang niluluto ang kwek kwek na gustong gusto ko.
Alam na alam na talaga ni manong kung ano ang gusto ko.
"Maayus naman po" Sagot ko
Nag kwentuhan lang kami tungkol sa buhay namin gaya ng dati. Minsan nababangit nya ang anak nyang babae na kasing edad ko daw.
"Naku! Pag may pagkakatanon ay ipapakilala kita sa kanya parehas kasi kayong subsob sa pagaaral"
"Aasahan ko po yan"
Hindi ko namalayan ang oras at mag gagabi na pala kaya nag paalam na ako kay manong ng maubos ko ang pagkain ko.
Sa paglalakad ko ay napahinto ako ng may narinig akong daing. Nasa madilim na parte iyun ng kanto. Gusto ko man hilahin ang mga paa ko paalis dahil ayaw kong madamay ay hindi ko magawa. Kahit nanginginig ang paa ko ay lumapit ako doonsa madilim na parte.
Sa maliit na ilaw na nanggagaling sa poste ay nakita ko ang pigura ng babae na binalibag ang lalaking mukhang lasing at wala din itong pangitaas na damit. Nag kalat ang lamesa at bote ng mga alak sa sahig.
"Tsk mahina naman pala kago eh"
Wika ng babae sabay harap saakin. I stunned when I can finally see her face. Anong ginagawa nya dito? Bakit nya binugbog ang mga lalaking iyun?
"What!?" She hissed
Wala sa sarili akong umiling. She's bad. I should avoid her but I can't just leave her looking like that
"A-are you okay?" I asked after scanning her.
I look at her face i can see his one side cheeks turning red. Namamakat ang kamay doon sa isa nyang pisnge.
I was about to ask her again dahil hindi sya sumagot pero naglakad na ito papunta saakin. I hardly gulp when she's looking at me intently as she walk. My hands become sweaty while looking at her.
Binuksan ko ang bibig ko para sana mag tanong kung ano ang gagawin nya dahil malapit na sya. Pero napapahiya ko yun sinara dahil sa pag lampas nya saakin.
Tiningnan ko ang likod nyang papalayo. Wala sa sarili kong inayus ang salamin ko dahil sa hindi malamang kaba.
Nagising lang ako ng may narinig akong daing. Mukhang nagigising na ang mga lalaki. Mabilis akong umalis sa lugar na iyun dahil baka madamay ako.
Naku!! Anong oras na panoguradong patay na naman ako sa mga ate ko.
Mabilis kong narating ang bahay namin. Sa labas pa lang ay kitang kita ko na si ate na naka abang sa harap ng gate namin. Pag kakita nya saakin ay binigyan nya ako ng matalim na tingin kaya napayuko ako.
"Darius!! Alam mo ba kung anong oras na?! Bakit ngayun ka lang umuwi!?! Gumagala ka na ba ngayun huh!?! Gabing gabi na! Grabi ang pagaalala namin sayo!?!"
I bow my head as guilt started to fill me up. I can tell ate is really worried about me.
She's ate Joyce at sya ang pinaka matanda saamin. Sya din ang tumatayong nanay namin kaya naintindihan ko naman kung ganyan sya saakin.
I was about to speak ng biglang lumabas si ate Nicole. Ang pangalawa kong ate
"Hay naku! Hayaan mo nayan nag bibinata na sya kaya natural lang na gumala gala yan o bumarkada"
"Ano!?! He's still young Nicole at paano kung bad influence ang mga barkada nya huh!?!"
Nag kabit balikat na lang si ate Nicole bago pumasok sa loob. Alam kasi nyang pag may sinabi si ate Joyce ay hindi sya uubra dahil lagi kaming talo kay ate.
"Pasok!!"
Napatalon ako sa sigaw ni ate bago pumasok sa loob. Habang papasok kami sa loob ay tuloy tuloy lang sya sa pag bulyaw nya. Pag kapasok namin ay binigyan ko ng maliit na ngiti si ate Ann na syang pangatlo kong ate. Ako ang pinaka bunso saamin at ako din ang nag iisang lalaki.
"Sinasabi ko sayo Darius ayus ayusin mo yang buhay mo!" Pinal na sabi ni ate Joyce hangang sa naging tuloy tuloy na ang mga sinabi nya. May mga iba pa akong hindi naintindihan.
Matapos ang madami nyang sinabi ay huminto na sya.
Mukhang tapos na syang pagalitan ako kaya ako naman na ang nagsalita at humingi ng sorry.
"Yes ate hindi na po mauulit sorry po ulit"
"Huy Joyce wag mo nga inaaway itong baby boy nayin" Sabi ni ate Ann sabay akbay saakin at gulo ng may kahabaan kong buhok.
"Ewan ko sainyo sige na kakain na tayo" Pagirap ni ate Joyce saamin.
Kinindatan naman ako ni ate Ann kaya napangiti nalang ako. Pumunta kaming kusina at sabay sabay na kumain.
Matapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng pingan at matapos noon ay umakyat na ako sa kwarto ko.
Maliit lang ito at sakto sa isang tao samantala ang kabila naman ay malaki kaya sama sama na sila ate doon.
Nagpalit na ako ng damit bago ako humiga. Napatitig ako sa kisame ng maalala ko ang nangyari kanina. Ano kaya nangyari sa kanya?
Buntong hininga ako bago napag pasyahang matulog na dahil may pasok pa kami bukas.
BINABASA MO ANG
She's Bad
Подростковая литература"So your willing to let go of the person you love Mr Sarmiento?" My teacher immediately ask before i could speak. "Yes po" "And why is that? Your just going to let her go without hearing any explanation? What if it was a misunderstanding?" I immedia...