I'm yours
Kinabukasan
Pagkagising ko ay sakit ng ulo ko kaagad ang naramdaman ko. Hawak ko ang ulo ko ng bumangon ako pero parang bigla nawala ang sakit ng ulo ko ng makita ko kung anong oras na. Late na late na ako sa school. Mabilis akong naligo at nagbihis kahit pa masakit ulo ko.
Pagbaba ko ay mabilis akong lumabas ng bahay hindi ko na pinansin ang sinabi nila ate basta nag paalam ako at tumakbo palabas.
Pagpasok ko pa lang ng gate ng school ay may naririnig na akong bulungan. Madaming estudyante ang nag kalat sa harap ng gate. May bisita kaya?
Hindi ko na lang sila pinansin at mabilis na naglakad papasok ng classroom namin. Saktong papasok na sana ako ng room ay naka salubong ko ang 3rd subject teacher namin.
"Oh Mr. Sarmiento mukhang na late ka ng gising ah"
"Opo eh"
Kumamot ako sa batok ko dahil sa hiya. Ngayun lang ako na late at hindi naka pasok sa dalawa kong subject kaya hindi ako sanay parang ang laking kasalanan nun saakin. Bigla ko tuloy naalala kung bakit ako na late ng gising. Huli kong natandaan ay yung nakipag inuman ako kay Liam. Sino kaya nag hatid saakin pauwi? Ay paniguradong sila Daniel yun.
Pagpasok ko ng silid namin ay saakin na agad dumapo ang tingin nilang nag tataka. Mabuti na lang at hindi na sila nag tanong dahil pumasok na si ma'am.
Pumunta ako sa upuan ko. Nakita ko doon ang katabi ko na naka yuko. Kinalabit ko ito para sabihin na nandito na si ma'am.
Nag angat ito ng tingin. Sabay pa kaming nagulat ng makita ang isa't isa. Parang higlang nagliwanag ang mukha nya ganun din ang paligid nya. Sya lang ang nakikita ko at wala ng iba.
Mabilis akong nagiwas ng tingin ng marinig kong tumikhim ang guro namin. Pasimple ko pang nakita yung mga tingin saamin ng mga kaklase ko. Kahit nararamdaman ko ang init ng pisnge ko dahil sa tingin nya saakin ay sinubukan kong mag focus sa harap ng pisara.
Hindi ko alam pero kanina ang tagal matapos ng klase namin ngayun naman ay parang gusto ko na lang i fast forward ang oras.
"Una na kami"
Tinanguan ko sila Daniel pero ang mata ko ay nag susumigaw na huwag silang umalis pero sa huli ay iniwan nila ako kasama si Neyah sa loob ng classroom.
Ang sabi nya matapos ng klase ay kailangan namin mag usap. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil sa mga titig na binibigay nya saakin simula kanina.
"Do you remember what happened last night?" She ask
Nang maisip ko ang nangyari kagabi na pagigikapg inuman ko kay Liam ay tumango ako. Galit kaya sya sa pakikipag inuman ko sa kasamang nyang lalaki na si Liam? Bakut naman sya magagalit may relasyon kaya sila.
"Really?"
Nag angat ako ng tingin dahil imbis na galit ay masaya ang tono ng pananalita nya.
"So it's official" She added
Kumunot nuo ko dahil hindi ko na intindihan ang sinabi nya. Anong official sa paginom? Official na lasingero na ako?
"Anong official?"
"Don't tell me hindi mo naalala?-- Ano ba ang naalala mo kagabi?" May bahid na galit ang tono ng boses nya sa pag tatanong. Ang sama din ng tingin nya na parang maling sagot ko lang patay na ako. Lumunok ako bago sumagot.
"Dun sa pakikipag inuman ko kay Liam"
Nawala ang maliit nyang ngiti at napalitan iyun ng masamang mukha. Masama ang tingin nya saakin at pa dabog na umalis. Tinawag ko sya pero hindi sya lumingon kaya sinindan ko na lang.
BINABASA MO ANG
She's Bad
Novela Juvenil"So your willing to let go of the person you love Mr Sarmiento?" My teacher immediately ask before i could speak. "Yes po" "And why is that? Your just going to let her go without hearing any explanation? What if it was a misunderstanding?" I immedia...