chapter 28

11 4 0
                                        

Cry

Kinabukasan maaga akong nagising at naligo para tumulong sa baba. Narinig ko kagabi na maaga silang aalis.

Pagkababa ko ay naabutan ko si manang na nagliligpit ng mga gamit.

"Manang nasaan na po ang iba?" Tanong ko dahil wala na akong makitang mga tao dito hindi gaya kahapon na halos mapuno na.

"Maaga silang umalis para hindi na daw abutan ng ulan"

"Nagsabi po ako kagabi na sasama ako ah bakit inuwan nila ako" Bulong ko

Bumagsak ang balikat ko. Gusto ko pa naman sumama at tumulong kahit man lang mag stay ako doon sa batang hindi ko binitawan kahapon. Ang sabi ng nurse ang nanay daw ay may sakit din kaya hindi nya pwedeng alagaan ang anak nyang nahawa na din dahil baka umikot sa kanilang dalawa ang sakit. Hindi ko alam kung ganun ba talaga yun pero hinayaan ko na lang at least ako nag alaga doon sa bata kahit pa nakaka pagod. Kung hindi pa nga ako pina akyat ni Darius para matulog ay wala alaga akong balak bitawan yung baby. Kawawa naman din kase.

"Ay teka ang niluluto ko"

Tumulong na lang ako kay manang sa pag gawa ng sopas habang nag lilinis na din. Kaming dalawa lanh kasi ang nandito dahil ang karamihan ay tumutulong sa pag aayus sa labas at ang iba naman ay nasa Court para tumulong. Mukhang malaki ang naging pinsala ng bagyo.

Mabuti at malamig pa din ang panahon dahil may kunti pang ambon kaya masarap mag sopas ngayun.

"Lagyan mo ng toothpaste" Sabi ni manang sabay abot ng toothpaste saakin ng makita nya akong nilalagyan ng ice ang kamay ko.

Habang nag hahalo kase ako ay may tumalsik saaking sabaw bagong kulo pa naman yun kaya masakit. Hindi ko alam na pwede pa ng toothpaste ang gamitin.

"Thank you po"

Tumango saakin si manang at nginitian ako bago lumapit sa malaking kardero na nag lalaman ng sopas para sa mga pasyente at iba pang na epektuhan ng sakuna.

Hapon na ng matapos kami at saktong dating din ni Luix. Mukhang sya ang pi pick up ng pagkain.

"Teka lang Luix sama ako!" Sabi ko at dali daling bumaba. Nag palit kase ako ng bistida dahil puno ako ng pawis.

As usual ang bistida na naman ni manang ang suot ko na kasama sa mga pina hirapm na. Hindi pa ako sanay dahil bihira lang ako magsuot ng dress pwera na lang kung ra rampa ako.

"Hindi ka pwedeng sumama yun ang bilin ni Darius"

...

"Patay ako nito tsk"

"Bakit agad silang umalis, hindi nyo man lang ako sinabihan" Sabi ko hindi pinansin ang binulong nya na narinig ko naman

"Ayaw ka kasing ipagising ni Darius alam kase nya na pagod ka kagabi sa pag aalaga sa mga bata"

Hindi na ako sumagot dahil wala naman akong sasabihin. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag tanaw sa labas.

"Uyy ikaw hah ano ba talaga relasyon nyo ni Darius" Nag tataka kong nilingon si Luix na nangaasar na naka ngisi.

"What?"

Napaka weird ng lalaking ito kanina takot na takot tapos ngayun bigla ng naka ngisi. May sayad

"Siguro secret relationship na kayo noh" nang aasar nyang sabi.

"I don't know what your talking about"

"Halata naman eh pero curious ako dahil parang ang sungit sungit mo sa kanya kahit pa mag ka relasyon kayo. Araw araw ka bang may dalaw?"

"Wala nga kaming relasyon, okay" Inirapan ko sya pag harap ko.

She's BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon