Chapter 6

27 16 1
                                        

Friends don't leave each other

Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok. Kagabi ay napag isip isip ko na dapat akong humingi ng tawad kay Neyah. Dahil may kasalanan din naman ako dahil sumama ako sa kanya ng hindi sinisigurado kung totoo nga iyun.

"Oh Aga natin ah" Wika ni ate Joyce sabay lapag ng sinangang, egg at tuyo sa lamesa.

"Aba ang ayus ng itsura natin ngayun ah" Sabi namna ni ate Ann sabay hagod ng tingin sa kabuuan ko

Hindi ko kase suot ang salamin ko. Ang buhok ko naman ay naka gilid dahil basa a iyun baka kase tumulo sa mukha ko ang tubig.

"Naks! May nililigawan ka na ba huh? Ayus!! Nag bibinata ka na" Sabi naman ni Ate Nicole sabay halakhak nola ni ate Ann

Namula naman ako doon kahit hindi naman totoo

"Ano!? Anong nan liligaw meron na ba huh Luan!?Sino yun?" Tanong ni ate Joyce

Mas lalo pa akong namula hindi dahil sa nakakaasar na tawa nila ate Nicole kundi sa biglang litaw ng mukha ni Neyah a isip ko.

Hindi ko naman sya nililigawan ano ka ba umayos ka nga. Pagsita ko sa sarili ko sa isip.

"Ah wala po ah" Pah tangi ko sabay iwas ng tingin dahil sa kahihiyan.

Ngayun lang namin napagusapan ang gantong bagay kaya hindi ako sanay.

"Anong wala bat ka namumula ayiee" Pangaasar saakin ni Ate Ann at kung ano ano pa ginatong ni Ate Nicole per hindi ko na lang sila pinansin.

"Ate una na po ako" Pag baling ko kay ate Joyce na naniningkit ang matang aka tingin saakin.

"Hindi ka ba kakain? Niluto ko paborito mong almusal"

I pouted dahil gustong gusto ko nga ang almusal pero mas gusto ko ang makarating agad sa school.

"Ano ka ba ate pupuntahan na nya ang nililigawan nya" Sabi ni ate Nicole na may nakaka lokong ngiti.

Para tumigil na sila ay kumain na lang ako. Patuloy nila akong inaasar na dalawa samantala kami ni ate Joyce ay tahimik lang. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko sabay tayo at alis na. Rinig ko pa ang pag cheer saakin nila ate Ann pero hindi ko na sila pinansin.

Pagkarating ko doon ay kukunti pa lang kami. Nandoon na din si Jian pero si Daniel wala pa. Kumoara kase kay Daniel ay parehas kaming tutok sa pagaaral ni Jian.

"Kamusta? Napapadalas ata ang pag sama mo kay Neyah?" Tanong nya na tutok padin sa librong binabasa.

"Ayus lang, hindi naman kami madalas na mag kasama sadyang nag kataon lang" Sagot ko

"Eh bakit ka may pasa kahapon?" Tanong nya na syang ikina tigil ko.

Ang pasa ko ay hindi pa masyadong magaling kaya tinakpan ko ng concealer. Natuto ako nun kay ate Ann. Lagi kong ginagawa yun kapag may pasa ako. Tyakpan ko ng concealer para hindi makita nila ate dahil paniguradong susugod sila dito sa school.

One time noong nabully ako at umuwing may pasa ay sinugod nila ang lahat ng teacher kk at sinabi kung gaano sila kapabaya kaya simula noon ay hindi ko na pinapakita kung may sugat or what ako. That's why I'm really doing my best to avoid chaos because I know na madadamay sila ate.

Hindi ko namalayang hindi ko na pala nasagot ang tanong nya. Mabuti na lamang at dumating ang teacher namin at nag umpisa ng mag turo.

Pasimple kong nilibot ang tingin ko sa classroom. Wala pa din ang hinihintay ko. Bagsak balikat akong humarap sa guro namin. Hindi ko na alos maintindihan ang sinasabi nya dahil lutang ang isip ko hangang sa dumating ang second subject namin

She's BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon