PopcornKinbukasan ay maaga akong nagising kagaya ng nakasanayan. Nag ayus na ako ng sarili ko bago bumaba. Pag baba ko ay nakita ko si Ate Joyce na nag kakape habang may pandesal na hawak.
Tuwing umaga pala ang pasok nya kaya maaga din syang nagigising. Isa syang nurse sa ospital. Si ate Nicole naman ay mamaya pa ang pasok. Isa yang manager ng isang hotel. Habang si ate Ann ay nag aaral din gaya ko.
"Kumain ka na muna" Sabi nya sabay abot ng gatas na tinimpla nya saakin. I thank her before I eat
Kami kami lang ang nandito. Matagal ng wala ang tatay samantala si nanay naman ay OFW. Minsan ay kinakamusta nya kami pero bihira lang iyun dahil mag kasalungat ang oras dito at sa oras ng pinag ta trabahuhan nya.
Hindi kami mahirap. Hindi din mayaman. Masasabi kong may kaya kami. Kontento na ako sa gantong buhay. I'm happy and contented to this kind of life
"Mr. Sarmiento ikaw nga ang tumulong kay Ms. Flores" Sabi ng guro namin
Hindi na ako nakaangal pa dahil lumabas na ito ng silid namin. Napatingin ako sa harap kung saan nakatayo sya habang hawak ang chalk.
Lumunok muna ako bago tumayo. Rinig ko pa ang bulong nila Daniel saakin na magiingat daw ako kaya mas lalo pa akong kinabahan. Hindi naman sila nakakatulong eh
Pagkarating ko sa harap ng pisara ay tumabi ako sa kanya pero may sapat kaming distansya.
"A-ako na lang ang magbibilang" Sabi ko
Kakatapos lang namin mag check ng mga papel kaya kailangan namin iayus iyun ng highest to lowest. Yung isa ay magbibilang habang nangongolekta at ang isa naman ay kailangan isulat sa papel ang mga score na nakuha ng mga bawat papel.
"Ayokong magsulat" Masungit nyang sabi saakin.
"A-ako na lang pala ang magsusulat
at ikaw na ang mag highest to---""Ayoko tinatamad akong magsalita" Bored nyang sabi saakin sabay upo sa teacher desk.
She look cool as she cross her legs. Nagiwas ako ng tingin ng bigla nya kong tingnan.
Tumingin ako kay Jian na nanghihingi ng tulong pero tumango lang ito na pahiwatig na ako na lang ang gumawa. Ang mga kaklase ko naman ay tahimik lang walang nagabalang sitahin sya. Hindi ko alam kung takot sila sakanya o sadyang wala lang silang pakeelam dahil ang iba ay nag ce cellphone lang.
"50?"
"49?"
"48"
Ang tuloy tuloy ang bilang ko hangang sa natapos na kaya sinulat ko na sa papel ang mga iyun. Nanginginig pa ang kamay ko dahil ramdam ko ang titig nya saakin.
Kahit naiilang ay hindi ko na iyun pinansin. Binilang ko na ang nakuha kong papel pero kulang ng tatlo iyun.
Pagkaangat ko ng tingin ay sumalubong saakin ang mata nya nakatingin saakin. Tinaasan nya ako ng kilay.
"K-kulang ng tatlong papel" Sabi ko na nagbabakasakaling iiwas nya ang tingin saakin.
Inirapan nya ko bago bumaling sa mga kaklase ko na kanina pa maingay. Iginala nya ang tingin sa loob ng silid at ganun din naman ako.
Ng may nakita akong papel na nasa table ng tatlo kong kaklase ay lalapit na sana ako. Sila ang kanina a nag ce cellphone mukhang hindi nila narinig ang pagbibilang ko dahil sa ingay ng mga kaklase ko.
Before I made my way to them ay naunahan na nya ako.
Pagkalapit nya ay bigla nyang kinuha ang cellphone ng tatlong babae.
BINABASA MO ANG
She's Bad
Teen Fiction"So your willing to let go of the person you love Mr Sarmiento?" My teacher immediately ask before i could speak. "Yes po" "And why is that? Your just going to let her go without hearing any explanation? What if it was a misunderstanding?" I immedia...