Play
Naglalakad ako sa hallway habang nag babasa ng libro. Hindi ko pinansin ang bulungan sa paligid at ilang usapan dahil naka tuon ang atensyon ko sa librong binabasa ko. Agad din iyun nawala ng may humablot ng libro mula sa pagkakahawak ko.
"Ikaw pala akala ko naman kung sino na" Sabi ko matapos kong makita si Neyah na naka kunot ang nuo
"Alam mo ba una kitang nakita ay hawak hawak mo itong librong ito" Sabi nya sabay taas ng libro sa kamay nya.
Nag taka naman ako dahil noong pag kakaalala ko ay nagkita kami noong pinapagalitan sya ng teacher namin habang pauwi ako at hindi ko dala dala ang librong ito.
Neyah's Flashback
Unang araw ko sa bago kong school. Naglalakad ako papunta sa classroom namin ng biglang may humarang sa harapan kong tatlong lalaki.
"Hi miss bago ka?" Nakangiting tanong ng kalbo.
"Ngayun ka lang kase namin nakita dito" Sabi pa ng isa ng hindi ako nag salita.
"Pipi ka ba miss" Tanong ng pangatlong may panyo sa ulo
"Tabi" maikli kong sabi sa kanilang tatlo pero tinawana lang nila ako.
"Miss makikipag kaibigan lang naman kami"
"I don't need it so get lost"
"Miss wag ka mahiya kami lang toh kaya--" hindi na natapos ang sasabihin ng kalbo ng pinihit ko ang kamay nya na humawak sa braso ko.
Agad na rumesponde ang kaibigan nyang may panyo sa ulo kaya sinapak ko matapos kong itulak ang kalbong hawak ko. Maangas kong tinitigan ang isa pang lalaking naka tayo at a astang susugod saakin ng mabilis ko syang sinipa kaya bumagsak sya.
Rinig ko ang bulungan ng estudyante nasa paligid namin dahil sa pag papatumba ko sa tatlong lalaking wala naman binatbat.
Nawala ang atensyon ko sa tatlong lalaki ng may dumaan sa amin na lalaki. Naka salamin sya at maluwag na polo bagsak ang buhok habang naka tingin sa librong binabasa nya.
Parang wala syang pakielam sa gulong dinadaanan nya dahil naka focus sya sa binabasa nyang libro.Humarang ako sa kanya para sana sitahin sya ang kaso ay iniwasan nya ako na parang hangin na syang ikina inis ko. Walang sino man ang umiiwas saakin na parang wala lang ako. Oo nga't may uumiwas dahil sa takot sila saakin pero kahit saan ako mag punta ay napupunta ang atensyon nila saakin kahit saan pa yan pero sya dinaanan nya lang ako. Such a interesting person.
Hindi na ako pumasok pa sa sunod na klase at pumunta sa garden para tumambay sa puno. Nagising lang ako dahil sa lunch break na alarm. Tatalon na sana ako sa puno ng makita ko na naman yung lalaki na nag babasa na naman ng librong hawak nya kanina.
Ganun na ganun pa din sya. Hindi nya pinansin ang nas apaligid nya basta ang atensyon nya ay nasa librong binabasa nya.
Pinaka titigan ko ang librong binabasa nya ang kaso ay may newspaper na naka balot doon kaya hindi ko mabasa ang title.
Sa mga sumunod na araw ay pumapasok ako pero hindi sa mga klase. Tumatambay langko kung saan saan at madalas kong makita ang lalaking iyun na nag babasa.
Hangang sa pangalawang linggo nahuli ako ng teacher namin na naka tambay sa harap ng gate. Inaabangan ko kase yung lalaking naka salamin, hindi ko alam kung bakit basta inaabangan ko sya.
Hindi ko pinakingan ang seemon nya lalo na ng dumaan yung lalaking naka salamin palabas ng classroom namin. Binigyan ko sya ng masamang tingin habang sya Inosente naka tingin na para bang nag tatanong kung ano ang ginawa nyang masama.
BINABASA MO ANG
She's Bad
Teen Fiction"So your willing to let go of the person you love Mr Sarmiento?" My teacher immediately ask before i could speak. "Yes po" "And why is that? Your just going to let her go without hearing any explanation? What if it was a misunderstanding?" I immedia...