chapter 20

20 7 0
                                    

Understanding

Bumalik sa dati ang dalawa at kitang kita naman iyun ng mga kaibigan nila sa kung paano sila mag holding hands sa palalakad palabas ng room.

"Nag bati lang hindi na namansin tsk" Mapait na sabi ni Keith habang pinag mamasdan ang dalawa na nasa harap nilang nag lalakad.

"Tigilan mo ko John baka hindi kita ma tansya!" Inis na sabi ni Julie dahil kanina pa sya kinukulit ni John.

Nag kukulitan lang sila habang nag lalakad sa cafeteria. Kanya kanya silang upo pag karating doon ng hindi pina pansin ang mga estudyante na naka tingin sa kanila.

"Guys!! Graduating na tayo kaya wala ng masyadong gagawin saan nyo gusto pumunta?" Tanong ni Desmond na kakarating lang sabay siksik sa kanila.

"Punyeta! Wag kang tumabi saakin!" Inis na sabi ni Daniel sabay usog dahil na si siksik sya.

"Uy narinig ko yun, libre mo ba?" Tanong ni Jermaine sabay upo at tabi kay Desmond.

"Wag ka sa kanya tumabi may galis yan!" Hirit ni Keith.

"Order lang ako guys ano gusto nyo?" Tanong ni John na laging madalas kumuha ng order nila pero walang pumamsin sa kanya dahil lahat sila may kanya kanyang kausap.

Tiningnan nya si Julie na nakikipag usap kay Jian nang hihiram ito ng libro pero si Jian naman ay hindi sya pina pansin. Kumamot sya ng ulo sabay alis na lang.

"Darius ito na yung panyo mo oh sorry pala kahapon ah"

Tumingin si Neyah kay Carla tsaka inikutan ito ng mata. Hindi naman sya nag seselos dahil nag paliwanag na si Darius sa kanya pero ayaw nya pa din sa babae.

"Walang anuman" Sagot ni Darius sabay kuha sa panyo nya.

"Pwede ba ko maki upo dito?" Tanong ni Carla.

"Sige ba dito ka oh!" Sagot ni Desmond sabay usog kaya nainis na naman sa kanya si Daniel.

"Napaka kapal ng mukha mong mag yaya eh ikaw nga nakiki upo lan-- punyeta wag mo ko itulak!!" Inis na sigaw ni Daniel sabay usog na naman.

"Kuha lang ako ng order" Sabi ni Neyah sabay tayo. Sinundan sya ng tingin nila Julie na tila may hinala kung ano ang nangyayari.

"Yow yow yow ano ganap!!" Sigaw ni Noah na bagong dating lang.

"Wala! Lulubog lilitaw ka na lang lagi ano ka ba? Ipis!?" Sarkastikong sabi ni Daniel.

"Grabe ka mukha bang ipis tong pogi kong mukha?"

"Kanina ka pa galit ah may problema ka ba!?" Tanong ni Desmond

"O baka naman nag seselos?" Sabat ni Julie na may nakaka lokong ngiti sa labi.

"Ako!?! Bakit naman ako mag se selos?" Galit na tanong ni Daniel.

"Bakit ano bang nangyari?" Sabat ni Jermaine.

"Nakita kase namin yung Jessica, Ika for short remember yung childhood nya may kausap na lalaki" Sabat ni Keith sabay halakhak.

Naalala nya kase kanina lagi kaseng binabati ni Ika si Daniel o kaya ay kinu kulit pero kanina ay hindi sya pinansin kahit pa nakita ni Ika na dumaan si Daniel.

Natawa na din si Julie dahil naalala nya yung nag dadabog na itsura ni Daniel para syang binag sakan ng langit at lupa.

"Talaga??sayang hindi ko nakita"

"Pwede ba!? Hindi ako nag se selos manahimik kayo! At ikaw Desmond doon sa mga kaibigan mo maki siksik hindi ka welcome dito!! Ang ingay ingay mo pa!!" Sigaw ni Daniel na namumula sa galit at hiya.

She's BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon