chapter 21

23 6 6
                                    

Sneak in

Pag akyat ni Darius ay mabilis syang nag palit ng damit. Bukas na lang nya gagawin ang mga assignment nya tutal wala naman silang pasok.

Tinangal nya ang salamin sa mata at Hihiga na dapat sya sa kama ng may kumalabog sa bintana nya. Hindi iyun kalakasan pero rinig pa din nya. Hindi na sana nya pa pansinin iyun dahil inaantok na sya ng bigla ulit tumunog. Parang pini pitik ang bintana.

Tumayo sya at nilapitan ang bintana tsaka binuksan.

....

Nanlaki ang mata ko ng makita kong nasa baba si Neyah na may hawak hawak na maliliit na bato.

"May tali ka ba dyan?" Mahinang bulong ni Neyah na sapat para marinig ko.

"What are you doing here? Gabi na" pa bulong kong sigaw.

"Kumuha ka ng tali at itali mo sa kahit saan. Dalian mo nilalamok na ako dito" Inis na sabi ni Neyah sabay galaw ng braso nya.

Ganun pa din ang suot nya. Naka suot pa din sya ng uniform at may leggings na suot. Kaya braso nya lang ang nilalamok.

Kumuha na lang ako ng tali at tinali sa kama nag lagay din ako ng pabigat sa kama para hindi ito masama sa pag hatak. Matapos kong tsaka ko hiagis pa baba ang kabilang dulo ng tali.

"Mahuhulog ka!?" Taranta kong sabi dahil inaakyat nya ang kwarto gamit ang tali.

Paulit ulit akong nana langin na sana hindi sya mahulog. Nilahad ko kamay ko kaya inabot nya yun. Buong puwersa ko syang hinatak paakyat. Jusko pag sya nahilog katapusan ko na.

Mahina akong dumaing ng maipasok ko sya sa loob ng kwarto ko. Inangat nya ang sarili nya at ngiting tiningnan ako tsaka ko lang na realize na naka patong pala sya saakin. Umupo ako kaya na pa upo sya sa hita ko.

"Alam mo bang napaka delikado ng giawa mo paano kung na hulog ka tsaka anong ginagawa mo dito diba sabi ko umuwi ka na? Gabing gabi na" sunod sunod kong sabi habang hawak ang braso nya.

"Ayaw mo ba kong nandito?" Sumimangot sya sa sinabi ko at malambing akong niyakap

Gusto

"Tara na kailangan mong umuwi" Hinawakan ko sya sa braso para patayuin.

"Nooo"

"No uuwi ka na paniguradong papagalitan ka ng magulang mo" Sabi ko sabay tayo at niligpit ang tali

"My parents aren't here"

"Nasaan sila?" Tanong ko dahil last time ata na nag tanong ako about sa parents nya ay hindi sya sumagot or naiba ang usapan.

Ngayun ko lang naalala na hindi ko pa pala kilala ang magulang nya or hindi ko alam kung nasaan sila dahil hindi naman sya pala kwento mas gusto nyang ako lang ang nag ku kwento saaming dalawa habang sya todo kinig. Napailing ako sa isip ko dahil ngayun ko lang napag tanto yun.

"Abroad ayay~" Sagot nya sabay sampa sa kama ko at humuhiga.

"Neyah tara na ihahatid na kita wala o nandito man ang parents mo ay kailangan mong umuwi isa pa pag nakita ka nila ate hindi lang ako ang patay kundi ikaw din" Sabi ko sa kanya sabay lapit kung saan sya naka higa.

"Hindi naman nila malalaman kung hindi mo sasabihin" Sagot nya sabay kuha ng unan at niyakap iyun.

"Sige na please dito ko matulog uuwi ako agad bukas promise. Ang cute ng kama mo"

Tinitigan ko ang nagmamaka awa nyang mukha. She looks cute on my pink bed. Nakakahiya tuloy na nakita nya ang kulay ng kama ko. Paborito ko kase ang kulay pink

She's BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon