chapter 16

25 12 3
                                    

You're the best

"Darius totoo ba talagang girlfriend mo na si Neyah?" Tanong ni Desmond. Natawa naman sila Noah sa tanong nya.

Nag papahinga kami dahil kakatapos lang ng practice namin ng basketball. Sa kabutihang palad ay naka sali ako sa team nila dahil na din sa tulong nila Jian kaya thankful ako. Last week pa noong try out at after kong malaman na kasali ako ay wala akong iang ginawa kundi mag practice ng mag practice.

Na move ang sport fest namin next week dahil nga nag karoon ng pag babagong mga player kaya sina mantala ko o namin na yun para makapag ensayo.

"Bro ano ka late sa balita ang tagal na kayang naging sila" Sagot ni Keith.

"Aba malay ko bang fake news tsaka hirap din kase paniwalaan lalo pa at ilang si Neyah sa mga estudyante" Hindi makapaniwalang sabi ni Desmond

"Sinabi mo pa, sa tingin ko nga hindi nya kami kakaibiganin kundi dahil kay Luan eh" Sabi ni Daniel

"True she should be grateful dahil kinaibigan natin sya" Tila nag tatampong sambit ni John na may halong pagmamayabang.

"Speaking of she's coming" Saad ni Jian na naka tingin sa entrance ng court.

Sinundan ko ang tingin nya. Nakita ko si Neyah na naglalakad kasabay nya sila Julie. Kahit medyo madami sila at pare parehas ng suot ay sa kanya lang napunta ang atensyon ko. She's walking gorgeously. Pag lapit nya saakin tsaka ko sya napag masdan ng buo

Kulay blue na fitted na pang taas na may tatak ng school namin at short na blue kaya litaw ang mahaba at maputi nyang legs. Naka messy bond ang buhok nya at medyo pawis sya. I admit she look hot

May napapalingon pa sa kanila, lalo na sa kanila dahil siguro ngayun lang nag suot ng ganto si Neyah. Kapag kase practice nila ay naka leggings sya o jogging pants.

Nagising ako sa pagiisip ko ng naramdaman kong yumakap saakin si Neyah. Rinig ko ang ilang pag sana all nila Keith sa likod ko pero hindi ko na sila pinansin ng ibaon ni Neyah ang ulo nya sa dibdib ko.

"Na miss kita luan"

"Anong na miss hoy! Kahapon nag ditch ka ng practice para lang mapanood mo si Darius sa pag lalaro!" Rinig kong sigaw ni Julie na kaharap nya si John at mukhang nag uusap sila.

"Wag ka sumabat sa kanila kinakausap kita" Rinig kong sabi ni John.

"Pwede ba Keith puro ka hinge ng pagkain saakin mukha ba akong ref!" Rinig ko asik ni Jermaine na syang kasama din nila Neyah dahil sya yung nag mo monitor sa kanilang volleyball player.

"Hindi mo ba ko na miss" Rinig kong sambit ni Neyah kaya bumalik sa kanya ang tingin ko.

Week past ng maging busy kaming dalawa sa kanya kanya naming practice kahit pa kahapon na pinanood nya kami ay hindi kami nakapag usap dahil hindi ako pwedeng umalis sa gitna ng practice kaya nandon lang sya naka upo.

"Na miss" Sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit at ngumiti dahil naamoy ko ang oabango nyang masarap sa ilong.

"Talaga ba mukhang hindi, ano na enjoy mo na ba yung mga tingin ng mga cheer leader dito ha!" Sarkistiko nyang sabi.

Humiwalay sya ng yakap saakin at tinaasan ako ng kilay. Bakit ang ganda nya kahit nag susungit?

"Hindi naman sila ikaw kaya bakit ko sila pag tutuunan ng pansin" Sagot ko sabay tawa ng mahina at nahihiyang kinamot ang likod ng ulo ko.

Parang nawala lahat ng pagod ko kaninang nag practice kami dahil sa biglang pag dating nya.

Ngmuso sya para pigilan ang pag ngiti sabay butong hininga.

She's BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon