PROLOGUE

68.6K 1.4K 617
                                    

Prologue




Tila nakikisimpatya sa aking nararamdaman ngayon ang panahon. Madilim ang kalangitan kahit na hapon pa lamang. Sa nadadaanan ko ay nakikita ko ang mga tao na nagmamadaling naglalakad sa daan at ang iba naman ay nakita kong natataranta sa pagkuha ng kanilang mga sinampay dahil sa sama ng panahon.

Hindi ko mawari ang aking nararamdaman ngayon. May panghihinayang. May sakit. May puot. At may takot. Naninikip ang dibdib ko at sa anumang oras ay babagsak na rin ang luha ko. Gaya ng ulan sa kalangitan na nagbabadya na ring bumuhos anumang oras. Tila ba'y konting kilabit nalang dito ay bubuhos na ito.

Isang kulog at kidlat ang dumaan bago sinundan ng malalaking pagpatak ng ulan. Ang mahinang pagbagsak ng butil ng ulan ay unti-unting lumakas. Sinabayan ng mga mata ko ang pagpatak ng ulan. Lumuluha ang langit kasabay ng pagluha muli sa aking mga mata. Sa gitna ng malakas na ulan ako'y lumuluha rin sa sakit na aking nararamdaman. Dahil hindi sigurado sa aking patutunguhan ngayon. May maabutan pa ba ako o wala.

Nilalakbay ko ang daan patungo sa Hacienda Granville. Gustuhin ko mang sumakay ng tricycle kaso wala ng bumabyahe sa sama ng panahon.

Kaya heto ako ngayon. Sa gitna ng napakalakas na ulan ay tinatahak ko ang daan patungo sa Hacienda Granville. May kalayuan pero lalakarin ko lang layo mula sa bahay ko hanggang doon sa bahay kung saan siya ngayon.

Basang-basang ako sa ulan. Nanginginig ang mga labi ko at pati na yata ang kalamnan. Ang tuhod ko ay kaunting-kaunti nalang at bibigay na rin kaso desidido akong makarating doon sa patutunguhan ko.

Hindi ko matanggap ang mensaheng pinadala sa akin ni Theo. Hindi ko matanggap na makikipaghiwalay siya sa akin sa isang text lamang. Kay dali bang ako'y limutin at ganon-ganon lang niya akong hiwalayan? Isang text lang? Wala lang ba sa kanya ang pinagsamahan namin? Ang relasyon namin?

Katulad ng naririnig kong rumaragasang baha dulot ng ulan sa tulay na aking tinatawid ay para ring baha na dumaan sa isip ko ang mga alaala naming dalawa. Ang mga masasayang araw na magkasama kami. Ang mga araw na parang wala na talagang makakapaghiwalay sa amin. Ang mga araw na tila ba siya'y akin na at ako ang sa kanya. Ang taong naging kanlungan ko ay di ko inasahang maging kalbaryo ko.

Malabo ang paningin ko dahil sa luha at sa lakas ng ulan. Sobrang nangangatal ang mga labi ko dahil sa ginaw pero nagpapasalamat pa rin ako na may kaunti pa akong lakas na natitira nang makarating sa harap ng mansyon ng mga Granville.

Tinangala ko ang matayog at magarbong tarangkahan ng mansyon. Naka-ulit sa itim na bakal ang apilyedo nilang sumisigaw sa kapangyarihan sa buong probinsya 'Granville' na kulay ginto at naka-kurba.

Huminga ako ng malalim at saka ko pinindut ang doorbell. Nakita kong namumutla at kumukulubot na ang palad ko dahil sa lamig at sa pagbabad ko sa ulan.

"Dios mio! Ineng anong ginagawa mo dito? Bakit na nagpapaulan?" anang ni Aleng Senya. Nakapayong siya at nakahawak ng isang kamay niya ang laylayan ng kanyang mahabang palda.

"N-nandyan po ba si Theo?" Imbes na sagutin ay tinanong ko si Aleng Senya.

"H-hindi maganda ang mood ni senyorito Theo ngayon, ineng." Pati si Aleng Senya ay parang nalulungkot para sa akin.

"P-pwede ko po ba siyang m-makausap? Kahit saglit lang po."

Nag-uusap kami ngayon ni Aleng Senya sa pagitan ng tarangkahan.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon