⚠️ SLIGHT MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.
(Ewan ko. Kayo nalang humusga kasi for me apaka slight lang naman nito.😂) Enjoy reading nalang mga beh!
________________________Chapter 27
Laurenz Pov
Sinipa lang ni Senyorito Theo ang pintuan gamit ang isang paa niya at saka sunod kong narinig ang pag-lock doon sa pinto sa kanyang likuran. At ginawa niya iyon sa kalagitnaan nang 'di napuputol naming halikan.
Dapat ba akong nagpasalamat na gabi na at sinara ko na ang lahat ng bintana sa bahay?
Pina-angkla ni Theo ang dalawang kong braso sa kanyang balikat at sunod na sinapo ang pang upo at saka ako muling binuhat.
"On the sofa or in your room?" bulong niya sa gitna nang halikan naming dalawa. Saglit akong tumigil sa paghalik sa kanya. Nang pakawalan niya ang labi ko ay huminga ako nang malalim at kumapit nang mahigpit sa kanyang leeg.
Nilingon ko ang sofa kung saan ang mga papel at ilang gamit ko sa school. May ginagawa kasi akong assignment bago siya dumating.
"S-sa kwarto ko nalang." sagot ko sa kanya. Ayaw ko namang magusot iyong mga nagawa ko na kapag doon kami umupo.
"Okay, then." Ngumisi siya sa akin kaya naman tinago ko kaagad ang mukha ko sa noknok ng leeg niya.
Mas lalong uminit ang pisngi ko nang pagpisilin niya ang dalawang umbok ko.
"I miss these." tukoy niya roon sa bagay na kanyang pinisil.
"Namiss rin po kita."
Kahit na nasa akin ang atensyon ni Senyorito Theo. Nabuksan niya pa rin iyong pintuan ng walang hirap saka sunod na sinara.
Binuksan niya ang ilaw.
"Anong parte ng katawan ko ang namiss mo?" tanong niya habang naglalakad tungo roon sa aking munting higaan.
Umupo siya sa gilid noong higaan ko at akmang aalis na ako sa kandungan niya nang hinigpitan niya ang pagkakayakap ng braso niya sa aking baywang. Sumalampak ako pabalik sa kandungan niya.
"Lahat. Lahat po namiss ko." Ngumunguso kong saad sa kanya.
Tumaas ng kilay niya. Parang hindi siya naniniwala sa akin.
"Lahat nga." ulit ko.
"Then, can you kiss my whole body?"
"P-po?"
Napailing siya.
"Anyway, did you always wear these kinds of shorts while I was away?" Pag-iiba niya sa usapan namin.
Binaba ko ang tingin ko doon sa cotton short shorts ko. Aaminin kong sobrang ikli nga noon kumpara sa ibang shorts ko at natatabunan nga iyon sa malaki kong overrun t-shirt. Pero nandidito naman na ako sa bahay at malapit na ring matulog. Kaya walang kaso iyon sa akin.
Napaigtad ako nang unti-unti niyang ipasok ang dalawang kamay sa loob ng shorts ko mula sa ibaba tungo pataas.
Tumingin ako kay Senyorito na nakamasid lang pala sa akin. Parang walang ginagawa ang kamay niya sa ibaba, ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/290219671-288-k638625.jpg)
BINABASA MO ANG
El Grande Series 2: Theodore Granville|✔
Romance《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 2nd installment. WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish.