CHAPTER 25

17.8K 525 40
                                    

Chapter 25

Laurenz Pov


"I miss you, baby."

Natawa nalang ako habang tinitingnan si Theo sa screen ng telepono ko. Nawala na ako sa oras kung kailan kami nagsimulang mag-video call. Simula nang dumating ako galing sa school at hanggang ngayon na gumagawa ako ng activities ay ongoing pa rin ang tawagan namin. Kumain na ako't lahat-lahat pero naka-on pa rin ang cam sa telepono ko. Parang wala itong trabaho roon. Ngayon nga ay nakaharap sa akin itong telepono, nilgay ko sa stand noong cellphone ko. 

"Uuwi ka naman sa susunod na araw, Senyorito." Masaya kong wika rito. Nakabusungot pa rin ang mukha niya.

Nakadapa siya sa kanyang kama habang nakaunan naman sa isang unan ang kanyang baba. Nakikita ko ang isang painting na nakapaskil sa ibabaw ng headboard sa kama niya.

Kanina ay nakadamit pa si Senyorito Theo pero ngayon ay nakahubad na.

"Kumusta po pala ang wedding anniversary ng parents ninyo, Senyorito? Maraming tao po ba? May mga artista na dumalo?" Pagpapa-ulan ko ng tanong sa kanya. Hindi kasi siya nagkukwento sa akin tungkol sa wedding anniversary ng parents niya, which is nangyari noong nakaraang gabi. Siya lang ang laging magtatanong sa akin dito sa San Concepcion, e. Nagtatanong siya kung kumusta ba ang araw ko, ang pag-aaral ko, o 'di naman kaya'y tinatanong na niya kung nakakain na ba raw ako!

Umikot ang mata nito.

"Of course, baby, there are a lot of people and some celebrities too." Tamad nitong sagot sa mga tanong ko.

Napatigil ako sa pagsusulat.

"Talaga po? Sino-sino naman po?" May atat kong tanong dito.

"Baby," ungol nito.

Ngumuso ako sa kanya.

"Alam n'yo po ba na si sir Aziel palang po ang celebrity-ng nakita ko." Paawa ko rito. Hindi naman talaga into acting si sir Aziel sa mga nakikita ko. Parang model lang siya at endorser ng ilang brands. Pero sikat na sikat! Kasabayan niya ata si Xavier Faliero kaso iyong si Xavier ay umaarte talaga!

Tumalab ang paawa ko kay Senyorito at kahit na ayaw niya ay napakwento tuloy siya nang wala sa oras. Hahaha! Masaya akong nakinig na kwento niya at nai-imagine ko iyon! Sana makadalo rin ako sa mga bongghan na party. Hindi iyong trabahante ako.

"Senyorito, matutulog na po ako." saad ko rito nang matapos ako sa pagliligpit. Kinuha ko ang telepono kong nakalagay doon sa stand.

Tumayo ako at tumungo sa aking maliit na kama.

Gumalaw din naman si Senyorito roon sa pwesto niya at sumandal sa headrest ng kama niya.

"Babye na po. Goodnight!"

"Hmm, goodnight baby. I love you."

Dumausdos na ako upang makahiga na.

"I love you too, Theo."

Akmang pipindutin ko na ang end call button nang pigilan ako ni Senyorito.

"H'wag mong patayin ang tawag Laurenz. I sing a song for you. And I wanna watch you sleep."

Ngumiti ako rito at tumango. At para na rin makita ko siya nang maayos kahit na nakahiga na ako. Kinuha ko ang stand ng telepono ko sa table ko at dinala iyon sa kama. Pinuwesto ko iyon sa gilid ng uluhan ko at dumistansya rin ako rito.

Kinaway ko ang kamay ko habang nakatuon doon kay Senyorito na nakasandal sa malawak na headrest n'ong kama niya.

Nagsimulang mag-hum si Senyorito sa isang kanta nang makapwesto na ako.
Nakakakanta si Senyorito Theo kahit papaano at ngayon ay kinanta niya ang isa sa mga sikat na kanta ng NSYNC, ang This I Promise You.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon