CHAPTER 40

23.4K 653 117
                                    

Chapter 40


Theodore Pov

When my senses came back, I was greeted by a scorching heat of the sun. It took a few minutes before my eyes adjusted to the strong strike of sunlight. I still wasn't fully awake, but I could hear the sounds of waves crashing from afar. The salty breeze in the air slowly nudged my senses to realize where I was right now.

Natakip ko ang braso ko sa aking mata nang  tumama sa akin ang nakakasilaw na sinag ng araw. Lumingon ako sa kanan at kaliwa. Napaahon ako mula sa pagkakahiga ko sa buhangin nang ma-realize ko kung nasaan ako ngayon. Anong ginagawa ko rito sa tabing dagat? Napatingin ako sa aking sarili pero maayos naman ako. Kung ano ang suot ko kahapon ay iyon pa rin ang suot ko hanggang ngayon.

I tried to collect my memories pero ang huli ko lang na naalala ay ang proposal ni Aziel. Nando'n ako. Kasama ko si Tyreese at si Laurenz.

What the fuck!? Just what the hell happened? How did I ended up here?

Nilibot ko ang aking mata sa paligid at wala akong nakikita ni isang tao o bahay man lang. Puro kulay berdeng mga halaman ang nakikita ko at iilang mga puno ng niyog. The place was so peaceful. The sea in front of me was so bright and clean. The sand from where I was sitting was so fine and white. Maliban sa iilang mga tuyong dahon ay wala ka ng ibang makikita sa mga buhangin.

Tumayo ako at naglakad sa paligid. Dammit! Was I trapped in this secluded place?

"Help! Help! Is someone out there?!" Napahawak ako sa baywang ko at kunot-noong sinuong ang mataas na araw.

At habang naglalakad ako ay may napansin akong isang tao na nakahiga rin sa buhangin.

"Hey! Hey!" subok kong tawag dito kaso parang 'di ako nito naririnig.

Nagjog ako patungo rito at dahan-dahan g humina sa paghakbang ang mga paa ko nang unti-unti kong makilala kung sino iyon.

"Laurenz?" I rushed towards him.

"Laurenz!" tawag ko ulit kaso tulog pa ito.

I tried to squint my eyes around and I spotted a small hut. Sinubukan kong gisingin si Laurenz kaso hindi ito nagigising. That's why I decided to carry him towards the hut. Hindi ko alam kung may nagmamay-ari ba roon o may nakatira pero susubok ako. The hell I will leave him there under the scorching sun.

"Tao po? Hello?" ako nang makarating sa kubo. Luma na ito at mukhang walang tao.

Hindi na ako naghintay pa ng taong magbubukas doon sa isang maliit na pintuan. Pinatid ko na ito at naubo ako pagkapasok ko dahil sa alikabok na sumalubong sa amin. Gumalaw si Laurenz sa kamay ko pero 'di naman nagising. Nilapag ko muna siya sa sahig.

Wala na akong pakialam kung kaninong kubo ito. Hinalungkat ko na ang mga gamit dito na maaaring magamit ko o namin ni Laurenz habang wala pang nakakakita sa amin.

Nakahinga ako ng maluwag nang may makita akong kumot at dormat. Agad kong binuklt iyong banig na nakita at nilapit si Laurenz doon.

Nang mahiga ko si Laurenz ay napaupo ako sa paanan nito at sumandal sa dingding. Tiningnan ko ang mukha ni Laurenz na namumula.

Dalawang taon na ang lumipas simula noong nakita ko ulit si Laurenz at nakilala ko ang anak namin. Lumipas na ang mga taon pero hindi pa rin talaga mabuti ang relasyon namin ni Laurenz. I mean, we're civil to each other for the sake of our son. Ayaw naming makita ng bata na may 'di kami pagkakaunawaan. We're working hand in hand to give the best for our child kahit na hindi kami magkasama. We're trying to be a family kahit na hindi kami magkasama.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon