CHAPTER 23

17.2K 531 52
                                    

Dedicated to: AngelaOcasla
Enjoy reading, my loves!

Chapter 23

Laurenz Pov


"Akala ko po ba Senyorito ngayon kayo luluwas sa Manila?" ang tanong ko kay Senyorito nang kunin niya ako sa bahay sa araw mismo ng alis niya. Nabanggit niya naman sa akin na pupuntahan niya ako rito sa bahay ngayon pero 'di ko aakalain na sa hapon siya pupunta rito.

Pinagsiklop niya ang mga kamay namin.

Nagdadalawang-isip ako kung babawiin ko ba ang kamay ko kay Senyorito Theo o hindi, nang lumabas kami ng bahay na magkahawak ang kamay. Matagal ko na naman itong gustong gawin sa kanya. Itong lumabas na walang iniisip na ibang tao. Iyong lumabas kami na para kaming normal na magkasintahan. Kaso sa bawat subok ko ay kinakainin naman ako ng mga pangunguna ko. Iyong takot na mahusgahan, takot na baka pati si Senyorito Theo ay mabahiran sa mga masasamang sinasabi ng mga tao rito sa amin.

Simula noong nagkaroon ako ng muwang sa mundong ito, parang pasan ko na ang kasalanan ng nanay Alondra ko. Dahil may mga maling nagawa ang mama ko dati ganoon na rin ang tingin nila sa akin. Mas nadadagdagan pa iyon dahil bakla ako. Akala nila porket bakla ako ay pukpok na. Hay!

Nakakalungkot na wala pa nga akong nagagawa—napapatuyan ay hinuhusgahan kaagad nila ang pagkatao ko. And I learned to live na ganyan ang mga tingin sa akin ng mga tao pero 'di ko pa rin maiwasang hindi maapektuhan minsan.

"Baby?" Ang pagpisil ni Senyorito sa kamay ko ang nagpabalik sa akin sa aking katinuan.

"Po?"

Bumuntong hininga siya at humarap sa akin. Yumuko ito upang mapantayan ang tangkad ko. Sunod niyang sinuklay ang ilang hibla ng buhok ko sa may noo gamit ang libre niyang kamay.

"Is there something that my baby is thinking about? Or bothering you perhaps?" tanong niya sa akin sa malumanay na boses.

Umiling ako dito at binagsak ang tingin sa kamay naming magkahawak. Nandidito kami sa balkonahe ng bahay at kaharap nito ang daan.

"You don't want this?" aniya at inangat ang kamay naming magkahawak.

Tumango ako pero agad iyong binawi sa isang iling.

Huminga siya ng malalim at tumayo ng maayos.

"Baby, look at me." mando niya sa akin.

Ngumunguso akong tumingala sa kanya. His stoic—emotionless face soften as our eyes locked.

"Like what I said to you, Laurenz ipapaalam ko na ito sa family ko. Ipapaalam ko na sa kanila na may nobyo ako dito at ikaw 'yon. Kaya ngayon, okay na naman siguro na unti-unti nating ipakita sa kanila na tayo na? Na akin ka." Nanaantya niyang saad.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Sorry po. Sorry Senyorito dahil nahihirapan ka po sa sitwasyon natin. Ako lang naman ang may gustong ilihim ito pero ngayon pati ikaw nahihirapan na-"

Mabilis niyang sinapawan ang sasabihin ko.

"No don't be sorry, baby. Yes mahirap kang dalawin dito na may mga matatalas na mata ang mga kapitbahay mo dito pero nagagawan ko naman ng paraan. Oo mahirap, pero ito ang gusto mo, e. At gusto ko dito sayo."

Nakagat ko ang ibabang labi ko bago niyakap ang braso ko sa kanyang malaking katawan. Tinago ko ang mukha ko sa kanyang malalapad na dibdib. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang akong naging emosyonal. Siguro dahil hindi ko inaasahan ni minsan sa buhay ko na may isang tao na ginusto ako, minahal ako, at gusto akong ipagmalaki kahit na isa lamang akong simple at dukhang tao.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon