CHAPTER 26

16.2K 518 80
                                    

Chapter 26

Laurenz Pov

"P-para sa atin lahat ng 'to?" Bulaslas ni Sonya nang maglabas ng mga pagkain ang mga maid ng mga Monzallon dito sa sala kung saan kami nag-aaral. Ako na nakatutok sa laptop ni Rielle at abala sa pagri-rebisa ng isang chapter ng research namin ay napatigil sa ginagawa.

"Oo, utos ni Senyorita, e." sagot ni Rielle at tinabi ang nagkalat naming mga papel sa babasaging center table. Kaming tatlo ay kapwa naka salampak lang sa carpeted na sahig dito.

Napalunok ako sa aking mga nakikitang pagkain. Nakakatakam ang iba't ibang klaseng amoy n'on.

"Ang dami." usal ko na may pagkamangha sa mga pagkaing nasa harapan. 

"Ganito ba talaga magpakain ang mga Monzallon sa mga bisita nila Rielle?" tanong ni Sonya at agad na nilapitan ang mga nakaladlad na pagkain sa center table. Sa tanong ni Somya ay napatingin din ako kay Rielle, hinihintay ang kanyang magiging sagot sa kaibigan.

"Ahm, oo. Minsan lang kasi magkaroon ng bisita sila Senyorita at minsan lang din sila rito sa bansa. Kaya naman k-kapag may bisita ay asikasong-asikaso nila." ang ganti naman ni Rielle. Sunod ay tinabi niya ang mga papel na siyang ginagamit namin kanina at kinuha niya rin ang laptop na nasa harapan ko.

"Oh," sabay naming sambit ni Sonya.

"Hindi pa tayo tapos Rielle." usal kong wika.

"Alam ko. Pero kumain muna tayo. Gutom na rin kasi ako. Kayo ba hindi nagugutom?"

Si Sonya ay mabilis na nakasagot doon.

"Ay, gutom na gutom na 'no!"

Pareho kaming natawa ni Rielle nang madaling nakakuha ng pagkain si Sonya. Nang magkatinginan kami ni Rielle ay nginuso niya ang pagkain at kumuha na rin doon. Wala naman din akong magagagawa kung hindi ang kumain nalang din. Saka malapit na rin namang gumabi. Nagutom na rin ako.

Ang mga pagkain na nakahanda sa amin ay hindi na bago sa akin. Nakikita ko na kasi ang mga ito sa telebesyon. Nga lang bago palang ito sa panlasa ko. At ang iba namang pagkain dito ay nakakain na ako dahil minsan dinadalhan ako ni Senyorito Theo sa bahay ng pagkain at kapag rin dinala niya ako sa mansyon o 'di kaya'y kapag nabasa barn house kami. Ilan dito ay hinahanda niya sa akin.

Kapwa kami abala sa aming kinakain kaya naman ang mata ko nakapaglikot sa buong sulok ng sala na abot sa paningin ko. Hindi ko talaga kinakaya itong mga laman sa mansyon ng mga Monzallon. Para kasing nakikita ko lang ang mga bagay na ito sa mga palabas sa ibang bansa. May mga wall painting pa na parang nasasakop ang buong dingding sa laki nito. Ewan, baka ignorante lang ako rito pero normal lang pala ito sa mga mayayaman.

Hindi makikita kung saan ang hagdanan sa mansyong ito. Parang nakatago kung saan ang hagdanan at nakwento ni Rielle sa amin kanina na may elevator pa raw itong mansyon! Unlike sa mansyon ng mga Granville na makikita mo kaagad ang hagdanan ng mansyon nila kapag papasok ka saka walang elevator doon.

"Oi, Rielle nakita namin kanina ni Ren na kinausap ka ng magkapatid na Monzallon. Pinagalitan ka ba nila na nagdala ng mga bisita rito?" kuryosong tanong ni Sonya kay Rielle na kinakamay lang ang pagkain.

Sapilitang nilunok ni Rielle ang pagkaing nginunguya. Inabot ko rito ang baso na may lamang grape juice. Uminom siya roon.

"Hindi naman. Pinagsalitaan lang, hehehe."

"Pinagsalitaan? E, parang gan'on na rin 'yon. Pinagalitan ka pa rin." ani naman ni Sonya.

Tumingin sa akin si Rielle kaya naman tinaasan ko siya ng kilay pero umiling naman siya. Binalik niya ang atensyon kay Sonya na subo lang nang subo.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon