CHAPTER 32

21.2K 789 297
                                    

This chapter is dedicated sa lahat ng bumabasa sa egs2! For your more information my dear, binabasa ko ang mga comments ninyo at natutuwa ako kahit panay ang mga mura! Hehehe! Enjoy reading! 😍☺️
________________________

Chapter 32

Laurenz Pov

"Senyorito huwag n'yo po akong iwan!"sigaw ko sa aking bangungot at paahon mula sa aking kinahihigaan.

Hinihingal kong niyakap ang katawan ko nang magising na naman ako sa isang silid na hindi ko alam kung kanino at kung saan.

Tumataas-baba ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog ng puso ko.

Una kong tiningnan ng katawan ko at chineck. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong maayos naman ang suot ko kaso... hindi na iyon ang dati kong damit.

I tried to recall my memories kung ano ba ang nangyari sa akin. Kaso bigo ako. Ang tangi ko lang naalala ay ang pagpalayas sa akin ni Senyorito Theo sa akin mula sa mansyon nila.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ko na naman iyon. Ginapangan na naman nang panibagong sakit sa puso ko habang pinabalik-balikan ng utak ko ang mga nangyari.

Totoo ba talaga iyon? Hinawalayan na niya ako? Wala na kami? Ang dali ko lang bang bumitaw sa amin? Mahal ba talaga ako ni Senyorito? O baka madali akong natulak ni Senyorito papalayo sa kanya kasi... iniling ko ang ulo ko. Sa bawat balik ng alaala ko sa nangyari ay nadadagdagan ang sakit sa puso ko.

Kung dati hindi ko natatanong ang pagmamahal niya sa akin. Ngayon bumuhos na sa akin ang mga kung ano-anong mga tanong. Ang mga pagkukulang ko. Ang mga bagay na wala ako na meron ang iba. Syempre, sino bang magseseryoso sa akin? Sino ba ang taong kayang manatili sa tabi ko? Wala. Walang tao na may gusto sa akin maliban sa nanay at lola ko.

Akala ko pagdating ni Senyorito sa buhay ko siya na ang sagot sa mga panalangin ko. Akala ko siya na ang bubuo sa pagkatao ko. Akala ko siya na ang magiging sandalan ko sa lahat. Nagtiwala ako. Nagmahal ako. Sumugal ako. Pero talo ako. Nasaktan ako. Bigo ako sa lahat. Ako pa rin ang umiiyak. Ang nasasaktan.

Ngayon hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. Ang lakas ng loob kong sabihin kay Theo na hindi na ako magpapakita sa kanya pero ang totoo wala naman akong alam. Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang durog kong pagkatao.

A-ang hirap. Magsisimula na naman ako sa una. Magsisimula ako na hindi ko alam kung papaano at saan. Sa panahon na kasama ko si Theo nasanay ako sa kanya. Nasanay akong merong tao na nasa tabi ko. Mali talaga na inubos ko ang lahat sa kanya. Mali na hindi ako nagtira para sa sarili ko. Ngayon para na akong isang bata na naligaw at hindi alam kung saan pupunta. Hindi alam ang patutunguhan.

Sumulyap ako roon sa malaking bintana na may puting kurtina na siyang sumasayaw sa hangin. Ang huling naalala ko umuulan at kumukulog. Papaano't may araw na ngayon at ang ganda na ng panahon?

Binaling ko sa ibang direksyon ang mata ko. May malaking flat screen TV sa harap nitong kama kung saan ako ngayon. May halaman, sofa, at painting ang kwarto. Malaki ito. Mas malaki pa nga kumpara sa bahay ko. Kulay puti at brown ang tema ng kwarto.

Naging alerto ang buong sistema ko nang marinig ko ang pagbukas noong pintuan. Hinanda ko na ang sarili ko kung sinuman ang taong papasok. Handa na ang unan sa kamay ko pero nabitin sa ere ang kamay ko na may hawak na unan nang makita kong si Rielle ang pumasok.

"Rielle?" gulat kong sambit. Binaba ko ang unan.

Ngumiti lang si Rielle at sinara ang pintuan. Lumapit siya sa kama at umupo.

"Ayos ka na?" tanong niya sa akin. Ang hinhin din talaga nitong boses niya.

Napatingin ako sa aking kamay na nakaunan sa hita ko na natatabunan ng makapal na kumot.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon