CHAPTER 39

22.2K 604 108
                                    

Chapter 39

2 years later

Laurenz Pov

The primary fabric used in the LaurenZ clothing line is imported from the Philippines. Noon pa man kasi gustong-gusto ko na ang mga fabric na sariling atin talaga. Gusto kong mas makilala pa talaga ang mga gawang Pinoy kaya noong sinimulan ko ang LaurenZ ang mga telang ginagamit ko ay galing pang Pilipinas.

At sa makalipas ang ilang taon, magkakaroon na ako ng branch ng LaurenZ sa Pilipinas. And it was all thanks to Minerva who's pushing me to realize this thing. Actually, noong sinimulan ko ang LaurenZ, hindi ko aakalain na magiging ganito kaagad ito ka tunog sa industry. Kung iisipin mo kasi marami nang mga brands na tumatak talaga sa mga tao. Pero nakilala pa rin ang mga gawa ko. Some may say that my masterpieces are exceptional, but for me, they are not. May mas magaganda pa sa mga likha ko tanging minahal lang talaga nila ang mga likha ko at lagi itong pinagmamalaki ng mga nagpapagawa sa amin kaya naging maingay. Akala ko nga sa una lang iingay ang LaurenZ pero nakakataba sa puso na up until now, patuloy ang paglaki nito.

Rustin is still a part of LaurenZ. He will always be a part of this success. Despite ending our marriage, our friendship and connection with each other continue. At anak pa rin ang tingin ko kay Rhett. Parang sa akin pa rin galing si Rhett.

"Congratulations, Kail. I wish na sana nad'yan ako sa opening ng LaurenZ Ph." See? Si Rustin pa rin ang laging nauunang bumabati sa akin. I feel so blessed to have in life kahit sa kabila ng nangyari sa amin. Nag-aaral na rin daw siya ng Pilipino kasi iyong maid na nakuha niya for Rhett is Pinay.

"Thank you, Rustin, but I wish to be there as well." I pouted. Birthday kasi ni Rhett, 3 years old na ito at ito ang unang birthday ng bata na wala ako sa tabi niya—kami ni Tyreese.

"Mami?" I heard our little boy's voice on the line.

I saw Rustin nod and lift Rhett up.

"Happy birthday, baby. I'm so sorry, mami isn't there to celebrate with you guys." I blew a flying kiss to Rhett, even though it was only through the screen.

"Mami! Gift, mami. Gift!" Excited na wika ng bata.

Tumawa ako. "Yes, po! May gift si mami kay baby Rhett."

Namaga ang puso ko nang pumalakpak ang bata. Pinugpog ito ng halik ni Rustin kaya napatili. I miss them. Kahit kasi naghiwalay kami ni Rustin palagi ko pa ring dinadalaw ang bata dati no'ng nasa Italy pa ako. Dinadaanan ko pa nga ito sa bahay ni Rustin. I'm still his mami.

Hindi ko nakita ang mukha ng katulong ni Rustin nang kunin nito sa kanya ang bata. Kita ko namang agad na sumama si Rhett dito.

"Sige na, Rustin. Malapit na ang opening."

"Okay, enjoy Kail."

"Hmm! Thank you ulit."

Lumabas ako sa aking kwarto at nakasalubong ko ang aking anak na may kargang bulaklak. Tyreese is being transferred to a school near our village. He's in kindergarten now.

"Mama, Daddy is already waiting outside," he said to me. I kissed Tyreese on the head. It has been two years since Theo and Tyreese met, and it has also been two years since I chose to come back here to the Philippines. Sumunod din si Theo sa amin ni Tyreese rito.

Dalawang taon na rin ang lumipas simula noong napagkasunduan namin ni Theo na magco-parent kay Tyreese. Salitan kami minsan o 'di naman kaya'y paggusto ni Tyreese na rito muna sa akin, dito muna siya sa bahay ko. At kung gusto naman ni Tyreese na ro'n siya sa Daddy Theo niya  ay hinahayaan ko ito.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon