CHAPTER 4

25.6K 942 299
                                    

Chapter 4


Laurenz Pov

Sa kabila ng mga mata na naani ko mula sa mga kasamahan ko na nagtatrabaho ngayon ay lumingon ako at tumingin doon sa direksyon ni Senyorito Theo. Nakatitig lang siya sa akin at parang hinihintay ang gagawin ko.

Sa mga oras na 'to alam kong nangangati na itong si Sonya ngayon. Nangangati na itong gisahin ako ng tanong. Isigaw ba naman ni Senyorito ang pangalan ko, siguro ay mas okay kung pangalan ko lang p-pero sinamahan niya pa sa tawag niya sa akin, e. Kaso kahit naman siguro na pangalan ko lang ay magtataka talaga itong kaibigan ko mas lalo na siguro ang mga tao dito ngayon. Sino ba naman ako?

Isang hininga na hinugot ko pa mula sa kailaliman ng dibdib ko ang pinakawalan ko bago nakapagdesisyon na humakbang tungo sa kinaroroonan nina Aleng Senya.

"P-po?"

Nautal pa ako sa lakas ng kabog ng puso ko. Ito na yata. Sisisantehin na yata ako nito dahil sa kawalang-hiyaan na ginawa ko kanina.

"Kilala mo itong si Ren, Senyorito?"

Nakita ko ang pantay at mapuputing ngipin ni Senyorito ng ngumiti ito kay Aleng Senya.

"Yes, and you can now leave, Aleng Senya."

Nagtataka man ay umalis si Aleng Senya. Gusto ko tuloy kumapit sa palda ni Aleng Senya at magmakaawa dito na huwag akong iwan mag-isa dito kay Senyorito at sa kasama niyang bisita.

Narinig ko ang pagdisma ni Aleng Senya sa mga trabahante sa likod ko.

"A-ano pong kailangan n-ninyo?" tanong ko kay Senyorito Theo.

Saglit niyang tiningnan ang kasama kaya naman napatingin ako dito.

Nanlaki ang mata ko nang matagpuan ang lalaki na nakatitig sa akin at nagtatagpo ang kilay. Mas lalong naningkit ang mata niyang singkit.

"Nakapili na ang pinsan ko ng kwarto na tutuluyan habang nandidito siya. At wala pang linis iyon kaya gusto ko na linisin mo iyon saglit."

Napatango ako doon at medyo nakahinga ng maluwag. Akala ko tatanggalin na ako nito sa trabaho, e. Mamaya hihingi ako ng dispetsa dito kapag wala na ang pinsan niya.

Ngayon na natitigan ko na ang pinsan ni Senyorito ay ngayon ko lang napagtanto na minsan ko na palang nakita ang mukha niya sa TV.

"Hi, I'm Aziel." pakilala ng pinsan ni Senyorito Theo sa akin. Nilahad pa nito ang kamay sa akin kaya naman nagdadalawang isip ako na tanggapin iyon kasi ang kinis, e.

Nang makapagdesisyon akong tanggapin ang kamay ni Sir Aziel na pinsan ni Senyorito Theo ay saka naman nagsalita ulit si Theo ay Senyorito pala, kaya naman di na ako nakapagkamay dito dahil binawi na ni Aziel ang kamay at nilagay iyon sa kanyang bulsa.

Nakaka kapos pala sa hininga kapag dalawang malalaki— matatangkad at magagandang lalaki ang nasa harapan mo. Halos di na ako humihinga sa unahan nila, e. Ang babango, ang gaganda magsalita, at parang ang mahal ng mga ngisi nila. Parang bawal pangarapin.

"Let's go."

Nauna na sila Senyorito at si Aziel habang ako naman ay parang pusang nakasunod lang sa kanila.

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon