CHAPTER 7

22.6K 838 247
                                    

Chapter 7


Laurenz Pov

Wala pa akong toothbrush, walang hilamos, ni hindi ko pa nga natitingnan ang mukha ko sa salamin pero nilabas ko na si Senyorito Theo. Nakakahiya sa kanyang planstadong damit, bagong maong na pantalon, at kumikinang na sapatos ang hitsura ko ngayon, na naka-sleeveless lang, shorts, at wala pang sapin sa paa.

Nakakabagabag din sa sistema ko ang kanyang pabango—ang amoy niya na animo'y nanunuot talaga ang halimuyak no'n sa ilong ko at parang may kung anong pinupukaw sa tiyan ko.

Nandidito na ako sa hamba ng pintuan ng munti kong bahay, nakatayo sa malamig na semento kaharap si Senyorito Theo na may malaking ngisi sa kanyang mga labi at nanunuklaw na nakatingin sa akin.

Binasa niya ang kanyang labi gamit ang dila at napalagitik sa dila.

"So this is your morning face, 'no? Baby girl," anito.

"K-kay aga-aga n'yo namang nandidito Senyorito? Anong sadya ninyo at naparito kayo?"

"Di mo ako pinatulog."

"Po?"

"I said, won't you offer me to come inside your house?"

"Hindi po."

"What?!"

Nagising ang natutulog kong kaluluwa sa biglaang pagbulyaw ni Senyorito Theo. Napalunok ako sa sariling laway.

"Kanina p-pa po ba kayo narito?"

"Yeah."

"Papaano po kayo nakapasok sa bakud k--"

"I jump. Ang baba ng fences ng bahay mo, baby girl."

Sumilip ako sa aking bakud na totoong mababa. Hmp! Mahahaba lang ang biyas niya, e.

Malapit ng magsilabasan ang mga kapit bahay namin dito at ayaw ko namang makita ito dito sa aking balkonahe na tumatambay kaya inaya ko nalang siya sa loob. Ayaw ko man pero mas ayaw ko naman na maging laman ako ng usap-usapan dito sa amin.

Umupo siya sa kuwayan kong sofa at tinampal ko ang binti niya dahil pinatong niya ito sa maliit na lamiseta na nasa gitna ng maliit na sala dito sa bahay.

Naalis niya naman ang paa. Nanatili akong nakatayo at tumingin sa kanya.

"Bastos po iyan." ani ko.

Awang ang bibig nito at may manghang nakatuon ang mata sa akin.

"Wala pa po akong luto dito pero alam ko naman po na kumain na kayo doon sa bahay ninyo."

"No."

"Po?"

Tumaas ang kilay nito.

"Wala pa akong breakfast."

"H-hindi po uso sa akin ang kape sa umaga." ani ko dito.

"Ano ba ang uso sayo, baby girl? Milk?" Sa di ko malaman na dahilan ay ginapangan ako ng init sa aking mukha dahil sa kanyang sinabi.

Ang aga-aga niya namang ginugulo ang bahay ko.

"H-hindi. Wala."

Tumagibang ang ngisi sa kanyang mukha.

Muli akong nagsalita, "A-anong gusto n'yo? Tubig? May gatas naman ako dito pero wala akong mainit na tubig. Wala n-naman din kasi akong inaasahang bisita sa umaga."

Biglang nawala ang ngisi niya at tumikom ang bibig nito at kumunot ang noo. "Bakit anong oras mo ba inaasahan ang mga bisita mo dito?"

"W-wala. Walang b-bumibisita sa akin."

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon