CHAPTER 28

16.9K 549 201
                                    

Chapter 28

Laurenz Pov

Biglang sumama ang pakiramdam ni tita Dominique kaya naman napagdesisyonan naming tapusin na lamang ang aming dinner. At hanggang sa matapos ang aming dinner ay hindi na umimik si tita Dominique. Mukha ring nawala siya sa mood dahil tumahimik siya at nauna na ring umalis sa hapag.

Sinundan ni tito Theodore ang umalis na asawa kaya naiwan kami ni Senyorito Theo rito sa labas.

"Dito nalang tayo matulog, Laurenz." alok ni Senyorito sa akin.

Tumayo ako at inalalayan niya ako.

"Huwag na po. Gusto ko pong umuwi saka bukas ay maghahanda pa ako para sa pasko."

Bumuntong hininga siya.

"You celebrate Christmas alone?"

"Nasanay na naman po ako. Hehehe! Nakikinood ako sa fireworks na nakikita ko sa bahay." Tumatawa kong ani sa kanya pero unti-unti ring nalusaw ang ngiti ko nang makita ko siyang 'di man lang natawa sa sinabi ko.

"We will celebrate Christmas together then."

"Ay, hindi ka po magc-celebrate kasama sila tita?" taka kong tanong.

"Uuwi sila ngayon sa Manila  at doon sila magc-celebrate with my other relatives."

"Hindi ka sasama sa kanila?"

"Ikaw ang gusto kong makasama sa pasko."

Tumango ako at niyakap siya.

"Thank you po, Senyorito." Tumingala ako sa kanya pero nakagapos pa rin ang kamay ko sa kanyang katawan. "Dadamihan ko ang handa ko."

Piningot niya ang ilong ko.

"Sasamahan kita bukas mamili."

"Mmm."

Hinatid ako ni Senyorito Theo sa bahay at doon nalang din siya natulog. Masaya ako na wala namang anumang sinabi si tita Dominique sa akin o sa relasyon namin ni Senyorito Theo. Masaya ako na tanggap nila na ako ang kasintahan ng anak nila. Masaya ako na malugod nilang tinanggap ang relasyon niya. Hindi nila iniisip ang estado ko sa buhay ko o ang nakaraan ko.

All my life I've been judged at hindi ako makapaniwala na gan'on lang ako tinanggap sa pamilya ng nobyo ko. Siguro ito na ang kapalit ng lahat ng mga pinagdaanan at paghihirap ko noon. Ngayon napapaligiran na ako ng mga taong gusto ako at pinapahalagahan ang pagkatao ko. Mga taong wala pakialam kung ano at sino ang ina ko.

Hindi ko alam kung buhay pa ba ang ama ko o hindi pero sana balang araw ay makilala ko siya kung buhay pa siya. Hindi ko naman hinihiling na magustuhan niya ako pero sana makilala ko man lang siya. Wala kasing nabanggit sa akin ang nanay tungkol sa kanya. Dati kapag tinatanong ko siya umiiwas siya, e. Gusto ko sanang subukang hanapin ang ama ko kaso lang hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap. Siya nalang sana ang natitira kong pamilya, e kung buhay man siya.

Kinabukasan si Senyorito ay umuwi muna sa mansyon para maligo at makapagbihis. Pinangako niya kasing sasamahan niya ako sa pamimili. Kaya habang hinihintay kong makabalik si Senyorito ay nagwalis muna ako.

"Laurenz!" Habang nagwawalis ako sa bakuran ay may tumawag sa akin.

Nakita ko si aleng Salem sa labas ng bakod ko. Nilapitan ko ito.

"Aleng Salem, kumusta na po?"

Tumawa siya.

"Ito't bumubuti na ang pakiramdam ko, Ren. Tagal nating hindi nagkakausap at hindi ka na napapadalaw sa bahay. Ikaw kumusta ka na?"

El Grande Series 2: Theodore Granville|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon